Chapter 15
Niyakap ako ni Chuck dahil muntik na akong matumba sa sobrang pagkabigla. Lintik na baklang ito, kung makatili akala mo kinurot sa singit.
"Gaga ka, bakla. Bakit ka tumitili? At saka anong pinagsasabi mo na malapit ng magunaw ang mundo? Saka bakit ka narito?" Susugurin ko na sana ito para kurutin pero mabilis na nakaiwas. Tiningnan ko na lang ito nang masama."Isa-isa lang ang tanong, girl. Mahina ang kalaban," wika nito saka nagpabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Chuck na tila kinikilig. "Ikaw, ha," turo nito sa akin. "Magugunaw na talaga ang mundo. Sino ba naman ang mag-aakala na aabutin ng ten years bago ka mag-entertain ng papa?" Tumingin ito kay Chuck at kumaway. "Hi, Chuck."
"Hi," matipid na bati ni Chuck pero kilig na kilig si Patrick. Lumapit si Chuck sa kalan at siya na ang nagtuloy ng niluluto ko.
Mayamaya lumapit sa akin si Patrick saka bumulong habang pinagmamasdan si Chuck na hinahalo ang nakasalang na karne. "Girl, ang guwapo, 'no? Magpapamisa na ba ako? O kailangan ko ng mamanata sa Poong Nazareno dahil finally, ang bitter bitter-an na si Ligaya, sa wakas nagka-jowa na." Tumili na naman ito saka pumalakpak. Iwinagayway pa nito sa ere ang suot na scarf na animo'y majorette na pumaparada tuwing may fiesta.
"Gaga, hindi ko jowa 'yan." Tinuro ko ang nakangiting si Chuck na tila masayang-masaya na nahuli kami ni Patrick sa ganoong sitwasyon.
"Hindi pa sa ngayon," wika ni Chuck sa akin, "pero malay natin bukas o makalawa, maging tayo, 'di ba? No one knows what will happen next," patuloy pa nito saka kumindat.
"Ay," muling tili ni Patrick. "Gusto ko na siya, Ligs. In all fairness, mukhang close na kayo, ha. May paggapang na bang naganap? Nasakop na ba ang Benham Rise?" Napa-igtad ako nang bigla akong sundutin nito sa tagiliran. "O, magkwento ka."
"Gaga ka. Kung anu-anong lumalabas sa bibig mo. Bakit ka nga pala narito? Saka paano ka nakapasok, e naka-lock 'yung pinto?"
"Hello. May susi kaya ako ng bahay mo. Ito, o." Pinakita nito ang susi.
"Hindi ka man lang kumatok."
"Bakit pa ako kakatok, e may susi nga ako. Hay, naku, iba talaga kapag guwapo ang jowa, nawawala ang logic. Anyway, may malalafang ba diyan? Nagugutom ang byuti ko." Binuksan nito ang ref para maghalungkat ng pagkain. Kinuha ko naman ang gulay at isinama sa nilulutong karne.
"May cookies diyan, Patrick."
"Naku, purgang-purga na ako, Ligs sa cookies mo. Akala ko nag-bake ka ng cake?" Nagsalin ito ng juice sa baso saka umupo.
"Pinadala ko kay yaya. Birthday no'ng anak niya bukas. Don't worry malapit na itong maluto. Dito ka na mag-dinner."
Nakatutok lang ang mata nito sa cellphone saka ngumiti. "Thanks, Ligs but I have to go. Nag-text si boyfie." Iwinagayway nito ang cellphone saka tumayo. "Bye, Ligs. Bye, Chuck." Tumango lang si Chuck saka
ipinagpatuloy ang paghalo sa karne."Pakisara ng pinto paglabas mo, Patrick," pahabol ko pa rito.
"Sure. Have fun, guys. Masakop na sana ang Benham Rise. Good luck sa mananakop," pabalik na sigaw nito.
Napailing na lang ako saka lumapit sa kalan para tingnan kung luto na ang ulam. "Sorry, Chuck. Ang sabi ko ako ang magluluto pero kabaliktaran ang nangyari."
"It's okay. Sanay ako sa kusina. Nga pala, matagal na kayong magkaibigan ni Patrick?"
"Oo. Magkaklase kami no'ng college. Siya rin ang tumulong sa akin para maitayo ang boutique." Inayos ko na ang mesa para makakain na kami.
"Sorry nga pala dahil hindi naging maayos ang una ninyong pagkikita."
"Okay lang. Hindi ko akalain na gano'n 'yun. Akala ko kasi..." Napakamot ito sa ulo.
BINABASA MO ANG
The Joy of The Playboy (COMPLETED)
Roman d'amour#55 in Romance Category as of August 9, 2018 *Note: FOR ADULTS ONLY. Readers below 18 years of age, this story isn't for you so please, try to read the story/ies that suit your age. ______________________________________ For Ligaya, the magic has en...