Chapter 50

16.9K 201 7
                                    

Chapter 50

Naalimpungatan ako nang tumunog ang aking cellphone. Umupo ako at kinuha iyon sa sahig.

"Hello?" wika ko sa paos na tinig habang kinukusot ang aking mga mata.

"Oh my! Mukhang inumaga kayo ni Chuck, ah!" tudyo ni Patrick sa kabilang linya. "Halatang-halata, boses pa lang alam na." Tumili ito kaya inilayo ko ang cellphone sa aking tainga.

"Gaga ka, Patrick. Nilagnat si Clint kagabi, mabuti na lang narito si Chuck. Sinamahan niya akong bantayan ang anak ko," sagot ko rito dahil alam ko na naglalakbay na naman ang utak nito. Green minded si Patrick pero magkagayunman matatawa ka na lang sa bawat biro na namumutawi sa bibig nito.

"Kumusta na ang inaanak ko? Bakit hindi mo ako tinawagan kagabi?" Dinig ko ang pag-aalala sa boses nito. "Wait, pupunta ako diyan, now na!"

"No need, Patrick. Okay na si Clint." Tinapos ko na ang tawag dahil naririnig ko ang tawanan ng dalawa sa baba. Mukhang maayos na ang aking anak. Inayos ko na lang ang unan at kumot  na ginamit ko. Dito kasi ako natulog sa sofa sa kwarto ni Clint.

Lumabas na ako at tinungo ang aking kwarto para maghilamos. Matapos mag-toothbrush, bumaba na ako. Hawak ko sa kanang kamay ang aking cellphone dahil alam kong tatawag na naman iyon si Patrick para makibalita.

Habang papalapit ako sa kusina ay papalakas naman nang papalakas ang tawanang naririnig ko. Mukhang nagkakasayahan ang dalawa.

Naudlot ang tangka kong pagpasok ng kusina dahil sa tagpong nabungaran. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sina Chuck at Clint. Kumakain ang mga ito ng pizza habang may pinapanood sa laptop.

"Boom!" sigaw ni Clint. "Panalo koponan ko. Talo ka, coach!"

Tumawa lang si Chuck. "Sayang. Kung nai-shoot sana 'yun, ako ang panalo."

"E, wala, e. Magaling ang napili kong team. Better luck next time, coach." Mahina nitong sinuntok sa balikat si Chuck ngunit nasalag naman iyon ng huli hanggang sa magtawanan na ang mga ito.

Nakangiti pa rin ako habang nakamasid sa kanila. Ngayon ko lang nakitang masaya ang aking anak na kasama ang ibang taong hindi nito kadugo. Ang malulutong na halakhak nito ay nakakapagpagaan sa aking mga alalahanin sa buhay.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili, itinapat ko sa kanila ang hawak na cellphone at kinuhanan sila ng litrato. Hindi ko mapapalagpas ang ganitong tagpo sa buhay ng aking anak. Idagdag ko ito sa scrapbook na sinimulan kong gawin noong bata pa si Clint.

"Hey, mom! Good morning," wika ni Clint nang makita akong papalapit sa mesa.

"Good morning." Matapos batiin si Chuck ay hinalikan ko sa noo si Clint at umupo sa tabi nito. "How are you, baby?"

"Okay na po ako, mom and please, huwag n'yo na po akong tawaging baby. Nakakahiya," reklamo nito saka tumulis na naman ang nguso.

Tumawa naman ako. "Sure. Basta promise mo na hindi ka na maglalakad ng tulog. Tinakot mo ako kagabi." Sumagi na naman sa utak ko ng nangyari kagabi. Nagmistulang si The Flash kagabi si Chuck. Mabilis ako nitong nilagpasan paakyat sa hagdan para hindi makahakbang si Clint dahil kung hindi, malamang nahulog na ang anak ko.

"Aren't you going to kiss my mom, coach?" tanong ni Clint na ikinagulat ko.

"Kiss?" sabay naming saad ni Chuck saka tumingin kay Clint.

Napailing ito. "You two are too conservative. Kiss lang naman 'yon." Napakunot na naman ang noo ko. Lumalaki na talaga ang anak ko.

"Sure." Dinig kong wika ni Chuck at mabilis akong hinalikan sa pisngi saka mabilis ding umalis sa tabi ko matapos ilapag ang tinimplang kape.

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon