Chapter 21

20.4K 192 2
                                    

Chapter 21


Nakabibinging tilian ang sumalubong sa akin nang makapasok ako sa boutique. Maging si Patrick ay nakisabay  na rin sa tilian ng mga empleyado pero mayamaya ay ito na rin ang nagsaway sa mga iyon.

"Hoy, ang haharot ninyo," wika nito saka namaywang. "Ngayon  lang ba kayo nakakita ng mag-jowa na naghahalikan? Hala, balik sa trabaho." Nagsipagbalikan  naman ang mga saleslady sa kani-kanilang trabaho. Tiningnan naman ako  in Patrick na tila nanunukso. "Ikaw, ha. May paghatid-hatid nang nalalaman, ha. Kayo na?" Nakangiti ito habang hinihintay ang sagot ko.

"Hindi," diretsang  tugon ko.

"Hindi ako naniniwala." Inakay ako nito papunta sa loob ng opisina.

Matapos akong paupuin ay may inilapag itong diyaryo  sa ibabaw ng mesa. "Explain this to me, Ligs. Pinagpipiyestahan ng mga baklang tsismosa ang picture na iyan. Galing ako sa parlor and my God, kilig na kilig ang mga bakla!"

Napkunot ang noo ko. "Diyos ko, Patty kahapon pa 'iyan, ngayon mo lang nalaman?"

"Kanina ko lang nakita nang magpunta ako sa parlor. So ano ba talaga ang real score between you and Chuck? Don't tell me na walang nangyayari?" nakangiting tanong nito.

"We're on a stage of getting to know each other. You know, mahirap magpadalos-dalos." Para akong kinilabutan sa aking sinabi. Sa buong panahong pagkakaibigan namin hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sa kanila ang totoong nangyayari sa pagitan namin ni Chuck.

Noong nanliligaw pa lang sa akin si Fern ay sinasabi ko sa kanila ang bawat detalye, very vocal ako pagdating sa pag-iibigan namin  ni Fern, pero ngayon ewan ko ba. Wala akong plano sabihin sa kanila na ilang beses ng may nangyari sa amin ni Chuck. Na sa mga panahong magkasama kami ay naranasan ko ang kaligayahang ni  sa hinagap ay hindi ko inisip na mararanasan ko.

Chuck has his own way of making me happy. 'Yung kahit walang sex na nangyayari ay naroon ang pagmamahal, ang respeto at 'yung sense of security na kahit kailan ay hindi ko naramdaman kay Fern noong nasa Amerika kami. With Chuck everything seems to be perfect, parang lahat ng problema ay kaya mong solusyunan.

"Hoy," untag sa akin no Patrick. "Tulala ka na diyan."

"May iniisip lang ako," tanging nasabi ko.

"If I know, gusto mo rin si Chuck, 'no? At saka ano ba ang pinagsasabi  mo na mahirap magpadalus-dalos, eh ang guwapo kaya ni Chuck. Kung ako iyan, Ligs, laglag-panty kaagad. Hindi ka lugi sa apo ni Madam, abs pa lang, ulam na," kinikilig nitong saad at kinagat pa ang pang-ibabang labi.

"Naku, Patrick kung anu-ano ang tumatakbo diyan sa utak mo. Marami tayong trabaho na kailangang atupagin," saway ko dito para maitigil na ang usapan tungkol kay Chuck.

Kinuha ko na ang mga papeles na nakatabak sa mesa at sinimulang  basahin nang maalala ko ang iniutos ko kay Patrick kahapon.

"Patty, nakausap mo ba ang sekretarya ni Rico? May appointment na ba tayo sa kanila? Kailan daw?" sunud-sunod kong tanong.

Umiling ito. "No. Hindi ko ginawa. Kasi naman, bes 'yung jowa mo—"

"Patrick," mahinahon kong saad, "hindi ko siya boyfriend, okay?"

"Okay," tumango ito saka napatuloy, "kasi, girl si Chuck pinigilan ako. Kung hindi lang 'yun apo in Madam, jinombag ko na 'yun."

"Bakit? Ano bang ginawa ni Chuck?" tanong ko habang pinapasadahan ang ilang papeles na naroon.

"Alam mo  ba na sinabihan ako ni Chuck na huwag na huwag ko raw tatawagan ang Blaze Company dahil ayaw  niya na magkaroon ka ng ugnayan  sa kompanyang iyon."

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon