Chapter 16

23.7K 223 2
                                    

Chapter 16

"Hi, sweetheart," nakangiting wika ni Chuck nang imulat ko ang sariling mga mata kinaumagahan. "Good morning." Nakadapa ito sa tabi ko at tila kanina pa ako pinagmamasdan. Wala na naman itong suot na damit pang-itaas kaya kitang-kita ko ang namumutok nitong muscles sa magkabilang braso. Tumagilid ito at itinukod ang kanang kamay sa kanang bahagi ng kaniyang ulo kaya hindi nakaligtas sa paningin ko ang malapad nitong dibdib pati na ang mala-pandesal niyang abs. Lintik na lalaking ito! Kay aga-aga ibinabalandra sa harapan ko ang hubad niyang katawan. Bakit ba kasi ang hilig-hilig nitong maghubad?

"Why am I here?" Inilihis ko ang paningin dahil masyadong mainit sa mga mata ko ang hubad na katawan ng lalaking ito. Naupo ako at mabilis na hinawakan ang aking sentido dahil sumasakit iyon. "Huling naalala ko nasa salas tayo."
Naalala ko 'yung pag-uusap namin kagabi habang nakasandal ang aming mga ulo sa sopa at mahigpit niyang hawak ang kanang kamay ko. Natatandaan ko rin na pinasadahan ko ng hintuturo ang mapupula niyang mga labi.

"Nalasing ka kagabi at nakatulog sa salas kaya dinala kita rito sa kwarto mo para maging komportable ka sa pagtulog." Nakatukod pa rin ang kamay nito sa ulo at tila walang balak umalis sa kama ko.

Sumandal ako sa headboard habang hinihimas ang aking sentido. Naparami yata ako ng inom kagabi.

"Ikaw? Saan ka natulog?" tanong ko mayamaya.

"Dito sa kama mo." Ngumisi ito nang nakakaloko. "Don't worry hindi mo naman ako ginapang."

Sinimangutan ko ito at binato ng unan. Nakakainis ang lalaking ito, ang aga mangbwesit!

"Nakakainis ka!" Nilapitan ko ito saka pinagkukurot ngunit mabilis na nahuli ng mga kamay nito ang mga kamay ko at bigla akong niyakap habang tawa nang tawa.

"Hope we'll be like this everyday," wika nito habang nakayakap sa akin. Tumigil na rin ito sa katatawa at nang kumalas sa akin ay inabutan ako ng isang basong tubig na may lamang ilang piraso ng pipino. "Come on, drink this para gumaan ang pakiramdam mo." Nagtaka ako, paano nito nalaman na ganito ang iniinom ko sa umaga?

"Huwag ka ng magtaka, sweetheart," patuloy pa nito na tila nababasa ang nasa isip ko. "Kapag mahal mo ang isang tao, aalamin mo kung ano ang mga bagay na gusto o ayaw niya." Napatingin ako sa kaniya. Tumayo ito at inilahad ang kanang kamay sa akin. "Breakfast is ready, sweetheart."

Umiling ako. "I'm gonna take shower first." Tumayo na ako para pumunta sa banyo ngunit bigla na lang ako nitong pinangko. "Chuck, please put me down. I can go to the bathroom myself."

"I know pero mas gusto kong kinakarga kita papunta roon. If you like we can go shower together."

"No. Chuck. Please get out of my room." Lecheng lalaking ito! Kung makakarga akala mo wala akong mga paa. Kung kailan pilit kong inilalayo ang aking sarili sa kaniya ay parang pilit din nitong inilalapit ang sarili sa akin at tila inaakit pa ako. He's flirting with me! Hindi ito maaari.

"Okay." Ibinaba ako nito sa tabi ng pinto at binuksan iyon. "Ready na ang pampaligo mo. I'll wait for you downstairs." Bigla ako nitong hinalikan sa pisngi at mabilis na lumayo. Tawa ito nang tawa dahil nakaiwas siya sa mga kurot ko.

"Sa susunod hindi ka basta basta makakalayo sa akin," banta ko. Sisiguraduhin ko na dadapo ang mga kurot ko sa kaniya.

"Hinding-hindi ako lalayo sa iyo, sweetheart. I will always be here for you no matter what. I love you," wika nito saka isinara ang pinto ng kwarto ko.

Habang naliligo napapaisip ako sa huling sinabi ni Chuck. Ang akala ko malinaw sa kaniya ang mga napag-usapan namin kagabi. Ano kaya ang pwede kong gawin para layuan na ako nito? Hindi kami pwede sa isa't-isa. Masyado akong matanda para sa isang batang kagaya niya.

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon