Chapter 9

26.1K 263 0
                                    

Chapter 9

"I'm sorry, Ligs," wika nito habang mahigpit ang pagkakahawak sa kaliwa kong kamay. "I haven't read your proposal that's why I do not have any idea about it. In fact walang sinabi si Mamita tungkol doon, maging ang meeting na ito ay hindi ko alam kung para saan. Basta ang sabi niya kailangan kong magpunta sa restaurant na ito para i-meet ang may-ari ng Joy's Boutique."

Napailing na lang ako sa nalaman. Si Mrs. Sayes talaga. Ito pala ang matagal na niyang sinasabi sa akin. Na gusto niyang makilala ko ang spoiled brat niyang apo.

"Hindi sana ako pupunta rito pero dahil galit na galit si Mamita at alam kong hindi naman talaga ako sisiputin ng babaing ka-date ko sana..." may diin ang pagkakabigkas nito ng huling tatlong salita kaya parang na-guilty ako. "... kaya ipinasya  kong magpunta na lang dito. I've been waiting for you for almost an hour."

"Ang aga mong nagpunta sa bar."

"I'm just excited. Imagine 'yun ang unang beses na pumayag kang makipag-date sa akin." Ngumiti ito matapos sabihin iyon.

"I just want to make myself clear, Mr. Faulker. Pumayag akong makipag-usap sa iyo, hindi para makipag-date. Sana maintindihan mo iyon."

"Makipag-usap o makipag-date, para sa akin parehas lang iyon."

Binawi ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak nito at pinagmasdan itong maigi. Lihim akong nainis nang magsimula na naman itong magpa-cute at ngumiti na tila pinangangalandakan ang maputi at pantay-pantay nitong ngipin na parang model ng toothpaste. Hindi na ako magtataka kung spoiled brat nga talaga ang taong kaharap ko ngayon. Unang beses ko pa lang itong nakilala, nakita ko na ang pagkabrusko ng ugali nito. Ito ang tipo ng lalaking hindi tumatanggap ng pagkatalo. Nakakaawa ang ganitong uri ng tao.

"Hey, may problema ba, Ligs? You're zoning out," nakangiti nitong saad. "Or you just want to have a clear look of my handsome face? Stare all you want, I won't mind."

Itinaas ko na lang ang kaliwa kong kilay imbes na mainis sa lalaking kaharap ko. Napakayabang talaga, ang sarap bigwasan.

"Tell me, Ligs are you falling in love with me?" wika pa nito na tila napakataas ng kumpiyansa sa sarili.

Kahit apektadong-apektado ako sa malalamlam nitong mga mata, pinilit ko pa rin itong titigan at lihim na nanalangin na sana huwag niyang mahalata ang tunay kong nararamdaman. Gusto kong supalpalin ito sa sobrang kapreskuhan. Sa mga lalaking nakahalubilo ko ito ang pinakamahangin at pinakamakulit. Well, hindi ko naman ito masisisi dahil ito ang pinakabata sa mga lalaking nagkagusto sa akin. Marahil hindi lang talaga magkatugma ang opinyon namin sa mga bagay-bagay dahil na rin sa laki ng agwat ng aming edad.

"Nope," diretso kong sagot sa kaniya dahilan para mapawi ang mga ngiti nito sa labi. Buti nga sa kaniya.

"Oh, no it hurts." Inilagay nito ang kanang kamay sa kaliwang dibdib niya na animo'y may iniindang sakit. "I thought you already fall for me."

"No. That won't happen," ngumiti ako saka nagpatuloy, "anyway I have to go since wala ka naman palang alam tungkol sa agenda ng meeting na ito."

Buo na sa utak ko na bitawan ang kompanya  ni Mrs. Sayes dahil gusto kong iwasan ang lalaking ito. Maghahanap na lang ako ng iba, marami naman diyan.

"Please don't go," pakiusap nito nang akma na akong tatayo. "We need to talk."

"Tapos na ang pag-uusap na ito. Kailangan ko ng umalis."

"Okay, ihahatid na kita." Tumayo na rin ito at iginiya ako palabas ng restaurant.

"No, don't bother. Magta-taxi na lang ako-"

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon