Chapter 39
"Magkamukha ba kami, sweetheart?" nakangiting tanong ni Chuck sa akin saka inakbayan si Clint.
"Hindi," sagot ko sabay iling.
"That's right," sabat naman ni Clint. "Dahil magkamukha kami ng ate ko, right, ate?"
"What?! I'm not your ate, Clint." Tinaasan ko ito ng kilay. "Ikinahihiya mo ba ako?" Nagpabalik-balik ang tingin nina Chad at Eric sa aming dalawa ni Clint. Lumapit naman ang mga kaibigan ko sa amin.
"I never thought na may kapatid ka, Ligs. Ang sabi nila noong lunes nag-iisang anak ka," wika ni Eric sa akin. Saka ko lang naalala na isa pala ito sa mga shareholder ng kompanya na dumalo noong annual meeting.
"Yup!" wika ko. Nilapitan ako ni Clint saka niyakap. "Nag-iisang anak nga ako at ito ang nag-iisa kong anak. Clint, say hi to them."
"Hi," bati nito sa dalawa at nakipagkamay.
"Wow!" napapahangang wika ni Chad. "Kilos binata na tayo, ah. How old are you?"
"Thirteen po."
"Can't believe it. Anak mo ba talaga siya, Ligs?" hindi makapaniwalang tanong ni Eric sa akin.
"Oo nga. Tanungin mo pa ang mga kaibigan ko. Kaya lang itong batang 'to," wika ko sabay pisil sa matangos na ilong ni Clint, "laging ate ang pakilala sa akin."
"I'm just giving you a favor, mom, dahil walang manliligaw sa 'yo kung sasabihin kong anak mo ako," paliwanag nito na ikinagulat ko. Parang gusto kong maiyak sa sinabi nito.
"FYI, inaanak," sabat ni Patrick. "Anong walang manliligaw? Sandamakmak ang nanliligaw sa mommy mo," tumaas ang kaliwang kilay nito saka ikinurus ang mga braso sa dibdib, "'yun nga lang, walang pinansin ni isa. Ewan ko lang 'yung isa diyan kung sila na." Napatingin ako rito sabay pinandilatan ko ng mata dahil alam kong si Chuck ang tinutukoy nito.
"Naku, Clint," kaagad kong wika sa anak ko. "Huwag kang maniniwala sa Tita Patty mo, ha. Echusera 'yan. Saka ayaw mo ba no'n? Sa 'yo ako naka-focus at hindi sa kung sinong lalaki na lolokohin lang si mommy, right baby?" Pinisil ko ang magkabilang pisngi nito.
"Yuck, mom! Stop calling me, baby. Ang baduy," wika pa nito saka umasta na parang masusuka kaya nagsitawanan ang mga kaibigan ko maging ang mga kaibigan ni Chuck.
Nang matigil na ang tawanan ay aksidente akong napatingin sa gawi ni Chuck. Pormal na pormal ang mukha nito at tila walang bakas na ngumiti o tumawa man lang ito. Seryoso itong nakatingin sa akin at tila may gustong sabihin pero nag-aalangan dahil nasa tabi ko ang aking anak.
"Still I can't believe na may anak ka na," muling saad ni Eric. "Mukhang beinte anyos ka lang maging ang mga kaibigan mo."
"Kaya pala sabi ni Chuck nag-eexist daw ang mga bampira dahil sa inyo," saad naman ni Chad. "Para kayong grupo ng mga bampira, hindi tumatanda ang hitsura." Tumawa ito matapos sabihin iyon.
"Ah, talaga?" tanong ni Patrick kay Chad. "Thanks."
"Hindi ka kasali do'n, Patrick," kaagad na sagot ni Chad sabay tawa.
"Kasali kaya ako sa grupo," depensa pa nito.
"Yes. Kasali ka nga," seryosong saad ni Eric kaya napangiti si Patrick. "Pero ikaw 'yung paniki na alaga ng mga bampira." Tumawa ito nang malakas kaya napasimangot si Patrick kaya nilapitan ito para kurutin. Tumakbo naman si Eric patungo sa music room para hindi maabutan. Walang tigil naman ang tawanan namin habang nakatingin sa dalawa.
"Pwede ko na bang makita 'yung music room?" tanong ni Clint kay Chuck nang humupa na ang tawanan.
"Of, course. Halika." Magkasabay na pumasok ang dalawa sa music room habang nakasunod si Chad. Huli na kaming pumasok dahil abala na naman sina Eden at Vivienne sa pagbabalita sa akin tungkol sa kagagahan Kaye at sa manloloko nitong asawa.
BINABASA MO ANG
The Joy of The Playboy (COMPLETED)
Romance#55 in Romance Category as of August 9, 2018 *Note: FOR ADULTS ONLY. Readers below 18 years of age, this story isn't for you so please, try to read the story/ies that suit your age. ______________________________________ For Ligaya, the magic has en...