Chapter 25

20.6K 173 2
                                    

Chapter 25

Biyernes ng hapon, pinilit kong umuwi  kaagad dahil mag-a-out of town si Clint kasama ang ama. Fern and I are not in good terms but for the sake of our son, I try to be civil even if I can't stand that man. Surely, Clint wouldn't be happy with us arguing in front of him.

"Coach, hindi ako makakapunta sa court bukas," dinig kong wika ni Clint sa cellphone. "Mag-a-out of town ako kasama so erpat."

I crossed my arms over my chest and arched my brows. Tiningnan kong maigi ang anak kong abala sa pag-eempake ng mga dadalhin niyang damit habang nakikipag-usap ito sa phone. May mga salitang kalye na itong sinasambit at hindi ko alam kung kanino niya iyon natututunan.

Nang ibaba nito ang phone ay lumapit ako para kausapin. "Clint, I don't like the way you talked. Kanino mo natutunan ang mga salitang iyon? Hindi kita tinuruan ng mga ganoong salita."

Napailing ito saka umupo para itupi ang ilang damit. "Mom naman, matanda na po ako. Nag-eevolve po ang mg salita habang dumadaan ang panahon at hindi naman po iyon masamang salita. Katulad na lang po ng ama, mas gusto namin tawagin  na erpat. Sa gay lingo, pudra. Kahit itanong mo pa kay Tita Patty." Ngumiti ito at inilagay ang itinuping damit sa backpack.

"Okay. Bilisan mo na diyan at baka dumating na ang dad mo."

"Yes, mom."

Bumaba na ako para ihanda ang meryenda ni Clint pati na ang babaunin nito sa biyahe. Kakaiba kasi ang batang ito, gustong-gusto nitong kumakain habang nasa daan kaya mas maigi kung magbabaon siya dahil baka kung anu-ano pa ang bilhin ni Fern sa daan. Maselan ang tiyan ni Clint, lalo na sa tubig na iniinom.

Habang naghahanda ng meryenda ay tumawag sa akin si Vivienne. Nilagyan ko muna ng juice ang baso bago iyon sinagot.

"Hello...?"

"Ligs, I heard mag-a-out of town si Clint kasama si Fern?"

"Yup. Naghahanda na nga ng mga dadalhin para pagdating ng dad niya, aalis na sila."

"Tamang-tama sama ka sa amin ni Jude mamayang gabi. May pupuntahan kami." Si Jude ay isang modelo na on and off boyfriend ni Vivienne.
"Saan?"

"Secret."

"Secret ka diyan. Bakit naman ako sasama sa inyo? Ano ako? Saling pusa? Sweet-sweet-an kayong dalawa samatanlang ako walang partner?" biro ko. "Thanks, but no. Matutulog na lang ako buong magdamag."

"E, di yayain mo 'yung boyfriend mo. I'm sure hindi ka no'n matatanggihan.  Si Chuck pa. Head over heels kaya 'yun sa 'yo."

"Gaga! Hindi ko iyon boyfriend, 'no! Ang bata pa no'n para maging boyfriend ko. Saka alam mo naman kung ano ang type ko sa isang lalaki."

"Twenty three na 'yun, Ligs, hindi na iyon bata. Saka ano naman kung gano'n ang age gap n'yo? Basta malaki ang, alam mo na." Tumawa ito matapos sabihin iyon kaya sumimangot ako. "Ano? Malaki ba? For sure alam mo na 'yun. Ilang linggo na rin kayong magkakilala, 'di ba?"

"Hoy, wala akong alam sa pinagsasabi mo. Kahit kailan talaga bastos 'yang bibig mo, Vivienne."

Tumawa na naman ito sa kabilang linya. "Grabe ka. Nabanggit ko lang na malaki, iba na ang pakahulugan mo. Tinatanong ko lang kung malaki ba...kung malaki 'yung puso niya. I'm sure mararamdaman mo 'yun, kung nag-eeffort ba, gano'n. Anyway, susunduin ka namin mamayang eight ng gabi. Mag-bar muna tayo kasama sina Patrick at Eden."

"Si Kaye?"

"Hay naku! Ang gagang 'yun, patuloy pa ring nagpapakagaga sa gago niyang asawa. Nakakasawa na pagsabihan."

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon