Chapter 47
Hindi ako tumutol nang yakapin ako ni Fern. Almost ten years kong pinanabikan ang mga yakap niya pero hindi ko mawari sa aking sarili kung bakit imbes na maging masaya ay puro sakit at galit ang nadama ko sa mga oras na iyon. Bumalik sa aking alaala ang mga panloloko at pananakit niya noong nagsasama pa kami.
Nakatayo lang ako na parang tuod habang yakap ni Fern. Hindi ko tinugon ang yakap niya dahil parang ang bigat ng mga braso ko kaya nanatili lang iyon sa magkabila kong tagiliran. Nang tanggalin nito ang mga braso na nakayakap sa akin, ay mahigpit niyang hinawakan ang kanang kamay ko at pilit na ibinigay sa akin ang palumpon ng bulaklak. May kinuha ito sa bulsa saka lumuhod sa harapan ko.
"Babe, I want us to be a family again, so please marry me again." Pormal na pormal ang mukha nito pero sa kaibuturan ng aking puso alam ko na hindi ito seryoso.
Nang makita ko ang singsing ay hindi ko na naman mapigilan na kalkulahin kung magkano ang presyo. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga hindi ako ang nangunguna sa puso ni Fern. Pilit man niyang itanggi pero damang-dama ng kalooban ko, maging ang mga kilos niya ay kabisadong-kabisado ko na. Na nagpapanggap lang siya.
Nakatingin lang ako sa nakaluhod na si Fern habang panay ang tulo ng aking mga luha. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa lalaking itinangi ko ng ilang taon, subalit nagtataka ako kung bakit wala akong maramdamang pagmamahal para dito. Galit at pagkamuhi ang siyang namamayani sa aking dibdib.
"Babe?" Nagtatanong ang mga mata nito nang tumayo, marahil hindi nito nakayanan ang matagal na pagkakaluhod at hindi na nahintay ang sagot ko. "We have a son and I think we deserve another chance —"
Itinaas ko ang aking kanang palad para patigilin ito. "I gave you so many chances, Fern. Not even once, twice, thrice..." Pumiyok na ang boses ko habang patuloy ang aking pagluha. "Until I lost count how many chances I gave you but you always cheated on me. You were my husband, minahal kita, lahat ibinigay ko na ultimo mga magulang ko ay sinuway ko dahil sa iyo, pero anong ginawa mo?"
"Babe, I'm sorry..." Pormal na pormal pa rin ang reaksiyon ng mukha nito na tila hindi man lang apektado sa pag-iyak ko. "Please, hayaan mong makabawi ako. I'll make it up to you this time. Magpakasal ulit tayo."
"You are too late, Fern."
Biglang nagbago ang reaksiyon ng mukha nito. "Why? Dahil sa Chuck na 'yon?" Gumalaw ang panga nito at napakuyom ang kaliwang kamay. "Kailan ka pa nagkagusto sa batang iyon, babe? Magbo-boyfriend ka rin lang sa isang bata pa? Ang baba naman yata ng standard mo. Sa isang oportunista pa, isang mekaniko na tagakalkal ng mga bulok na sasakyan."
Napaisip ako sa sinabi nito. Saka ko lang naalala ang pagkikita namin sa labas ng restaurant dati. Waring kilala nito si Chuck.
Lumapit ito sa akin at muli akong niyakap pero sa pagkakataong ito at nagpumiglas na ako. "Why are you doing this to me, babe? Nagpunta ako rito para yayain kang magpakasal pero—"
"I'm sorry, Fern, but it's a no," walang gatol kong sagot.
"Tell me, hindi mo ba nagustuhan ang mga bulaklak na binigay ko sa iyo? Hindi mo gusto ang design ng singsing? Papalitan ko, just say yes to me."
Lalong nanliit ang tingin ko sa lalaking kaharap. Ang sarap sampalin. "Hindi mo talaga ako kilala, Fern," mapait kong saad. "Nakaka-frustrate lang dahil tatlong taon tayong nagsama bilang mag-asawa, but it seems to me that you never knew the real me. Kung ano ang gusto ko, ang hilig ko at mga ayaw ko." Napangiti ako nang mapait habang patuloy pa rin ang aking pagluha. "Hindi ako materialistic na babae, Fern."
BINABASA MO ANG
The Joy of The Playboy (COMPLETED)
Roman d'amour#55 in Romance Category as of August 9, 2018 *Note: FOR ADULTS ONLY. Readers below 18 years of age, this story isn't for you so please, try to read the story/ies that suit your age. ______________________________________ For Ligaya, the magic has en...