Chapter 52

15.9K 177 6
                                    

Chapter 52

Matapos ilapag sa bedside table ang almusal na niluto ko para kay Chuck, ay naupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ang mukha ng lalaking nagbigay sa akin ng hindi matatawarang kaligayahan. Humihilik pa rin ito sa sobrang kapaguran. Mag-uumaga na nang mapagdesisyunan naming matulog. Hindi ko inalintana ang pagod at hinayaan ito sa lahat ng kagustuhan niya pagdating sa kama. He is very adventurous when it comes to bed. No wonder maraming babae ang naghahabol dito.

Pinasadahan ko ng aking kanang kamay ang buhok nito at hinalikan ito sa pisngi habang lihim na humihiling na huwag sana siyang magising hangga't hindi pa ako nakakaalis. Ayokong magising siya na narito pa ako dahil hindi ko alam kung mapapanindigan ko pa ang aking desisyon kung sakaling makiusap ito.

Naglagay ako ng note sa tabi ng tray ng pagkain at dahan-dahang lumabas ng kwarto niya. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ito at pinagsawa ang aking mga mata sa mala-adonis nitong pangangatawan. Ilang minuto ang dumadaan, dahan-dahan akong lumabas sa unit niya at tinungo ang elevator habang pinipigilan ang sarili na mapaiyak.

"Good morning po, ma'am," masiglang bati nina Cris at Linda. Tumango lang ako at tinungo ang sasakyan.

"Saan po tayo, ma'am?" tanong ni Linda.

"Sa boutique," saad ko at nilibang ang sarili sa pagtanaw sa mga nadadaanan naming building. Napabungtong-hininga ako. Papaano ko maiiwasan si Chuck kung laging nakabuntot sa akin ang dalawang bodyguard na ito? Sa totoo lang hindi ko lubos maisip kung bakit kinuha pa ni Chuck ang serbisyo ng dalawang ito gayong hindi ko naman talaga kailangan. Panatag na ang loob ko na may dalawang bodyguard si Clint dahil bata pa iyon at hindi pa kayang ipagtanggol ang sarili pero ako? Ano nga ba ang dahilan ni Chuck at atat na atat siyang magkaroon ako ng bodyguard gayong hatid-sundo naman niya ako sa trabaho?

"Narito na po tayo, Ma'am," saad ni Linda at pinagbuksan ako ng pinto. Nagpasalamat ako rito at pumasok na sa boutique para masimulan na ang maghapong trabaho.

"Oh my!" Tili ni Patrick ang aking nabungaran nang makapasok na ako sa boutique. Para itong tanga na sumayaw-sayaw pa sa harapan ko. Nagsipagtawanan naman ang mga saleslady. "Kumusta ang iyong gabi, mahal na reyna? Mukhang wala tayong tulog, ah! Pero in fairness, blooming," wika pa nito saka bumulong, "nakailan kayo kagabi?"

"Huwag mo ng itanong, baka mainggit ka pa." Didiretso na sana ako sa opisinang naroon nang bigla ako nitong hawakan sa braso at pilit na pinasasagot sa tanong niya.

"Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinasagot ang tanong ko."

Para hindi na ito mangulit pa ay itinaas ko ang aking dalawang kamay at itinapat sa mukha niya. "Sige, bilangin mo."

"Ten." Napatakip ito sa bibig. "Don't tell me...?" Namilog ang dalawang mata nito.

Tinaasan ko ito ng kaliwang kilay. "Hanggang ten lang ang nabilang ko, kaya pasensiya ka kung hindi ko nabilang 'yung iba. Kung gusto mo ng eksaktong bilang, tawagan mo na lang siya." Ngumisi ako at iniwan itong hindi makapaniwala sa narinig.

"Nakaya niya 'yun?" pahabol nitong tanong.

"Nagtrabaho rin ako, noh," pilya kong sagot at naalala na naman ang nangyari kagabi. Kahit pagod na pagod ako, pinilit kong sabayan ang lahat ng trip niya sa kama dahil alam kong iyon na ang huli na matitikman ko ang 'love making' na sinasabi ni Chuck. Those mind-blowing orgasms he gave me would surely lingers forever in my head. Pilit ko mang itanggi pero nalulungkot ako sa ideyang kailangan ko ng tuldukan ang namamagitan sa amin ni Chuck. Ang pangako ay pangako at kailangan ko iyong tuparin para na rin sa ikatatahimik ng kalooban ko. I do not want to ruin his life. I care for him o mas tamang sabihing I love him.

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon