Chapter 29

17.3K 220 12
                                    

#719 in Romance Category as of June 05, 2018



Chapter 29

"Chuck, you can go," wika ko matapos naming kumain. Nagpadeliver ito ng tanghalian dahil wala kaming oras magluto. Alas onse umalis ang mga kaibigan ko at dahil nagpaiwan si Chuck ay ito na ang nagpresintang magpadeliver.

Bumuntong-hininga lang ito at napailing. Tumayo na ako para umakyat sa kwarto pero hinila ako nito kaya aksidenteng napaupo ako sa kandungan niya. "Bakit palagi mo na lang akong itinataboy, sweetheart?" Pinulupot nito ang mga braso sa baywang ko kaya hindi ako makatayo. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakayakap siya sa akin subalit dama ko ang hininga niya na tumatama sa puno ng aking tainga.

"Chuck, hindi kita itinataboy."

"Then let me stay."

"Wala sa usapan iyon, Chuck! You have to go." Nagpumiglas ako para makatayo pero malakas ito kaya wala akong nagawa kundi pabayaan na lang ang mga braso niya sa baywang ko.

"I've been worried about you, Ligs," wika nito mayamaya. "Ilang beses akong tumawag sa 'yo kagabi pero naka-off ang phone mo." Bumuntong-hininga ulit ito. "Don't you ever do that again, sweetheart."

"Nasaan ka kahapon?" tanong ko. Tingnan ko lang kung magsabi ito ng totoo.

"Sa Seaside Resort sa kabilang bayan. May binisita akong kaibigan roon."

"Naroon ka kahapon? Bakit hindi kita nakita roon?" Nilingon ko ito at tila nagulat sa tanong ko. "I had a meeting there with my dad's lawyer."

Inilihis nito ang paningin. Masama ang kutob ko, may alam ito pero ayaw sabihin sa akin. Huwag lang siya magkakamali sa susunod kong tanong kung hindi sampal ang aabutin niya sa akin.

"A boy or a girl?" Diretso akong tumingin sa mga mata nito at nakita ko na tila nag-aalinlangan ito sa susunod na sasabihin.

"Girl. Si Kyla," nauutal nitong sagot.

Biglang sumulak ang dugo ko sa pangalang narinig pero pinanatili kong pormal ang aking reaksiyon na parang wala lang sa akin iyon. At least he has the guts to tell the truth pero wala akong pakialam kung nagkita man sila o hindi ng Kyla na iyon. To hell with that woman!

"Wait." Ngumisi ito saka nagsalita, "are you jealous, sweetheart?" Kinuha nito ang mga kamay ko at inilagay sa batok niya. Pinabayaan ko na lang ito. Ganitong laro ang gusto niya, pwes pagbibigyan ko siya. As I've said before, I
have nothing to lose. Oras na pumasok siya sa bitag ko, paglalaruan ko siya hanggang sa ma-realize niya na isang pagkakamali ang makilala ako.

"I'm not," mariin kong sagot. "I don't care kung binisita mo siya. I told you before, Chuck," pinaglaruan ko ang buhok nito saka hinaplos ang kaliwang pisngi. Tingnan ko lang kung hindi ma-arouse ang playboy na ito. "Have fun with other
girls, go out with them. I'm sure that way you're gonna stop bothering me." Namumungay na sana ang mga mata nito pero biglang dumilim ang aura dahil sa sinabi ko.

"And how many times do I have to tell you that  I don't like other girls. You're all that I want, Ligs."

"It's because of my inheritance, right, Chuck?" Gustong-gusto kong itanong sa kaniya pero pinigilan ko ang aking sarili.

"I love you, sweetheart." Inilihis ko ang aking mga mata dahil hindi ko na naman makayanan ang intensidad ng mga titig nito. Bakit kapag sinasabi niya ang mga katagang iyon ay tila napapaniwala ako? Totoo ba ang nararamdaman niya sa akin o sadyang gusto niya lang akong paikutin?

"I'm tired of this, Chuck. Let's stop this. Kalimutan na natin ang napag-usapan. Please, layuan mo na ako. Hindi makabubuti kung mapapalapit tayo sa isa't-isa. I don't want to hurt you." Muli kong hinaplos ang may pasa niyang pisngi at naramdaman ko ang paggalaw ng kaniyang panga na tila nagalit sa sinabi ko. Well mas maigi na magalit siya ngayon kaysa magkasakitan kami sa mga susunod na araw dahil wala ng makapipigil sa akin na maisagawa ang aking plano.

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon