Chapter 24

20K 191 9
                                    

Chapter 24

"Ngayong nakita kitang muli, hindi na ako papayag na mawala ka pa sa akin. If I have to move mountains, I will, just to be with you," bulong nito habang nakayakap sa akin. Ramdam ko ang init na kumakawala sa katawan nito maging ang pagtibok ng kaniyang puso na tila may mga kabayong nag-uunahan sa pagtakbo.

"Chuck," reklamo ko. "Hindi ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap mo. You promised you won't touch me."

"I'm sorry, sweetheart, I can't help it." Binitawan niya ako matapos halikan ang tuktok ng ulo ko. Napabuntong-hininga na lang ako sa ikinilos nito. Naghihina ako sa mga pinaggagagawa niya.

Hindi ko mapigilang hindi maakit  sa hitsura ng lalaking nasa harapan ko. Mala-adonis  ang pangangatawan at animo'y diyos na bumaba ng Mount Olympus para makipamuhay at makihalubilo sa mga mortal. Ang prominenteng panga nito
ay tila nililok ng isang batikang iskultor sa pagkaperpekto. Kahit siguro magbayad ako ng lima o sampung milyon, walang magsasabi na pangit ang lalaking ito.

"Hey, sweetheart, you're drooling over my body," nakangising wika nito. "Anyway this body," turo nito sa hubad niyang katawan, "is yours. You can have it whenever, wherever, whatever you wanted with my body." Umangat na naman ang isang sulok ng labi niya. "You're really drooling, don't deny it." Lecheng 'to! Ipinagpipilitan pa talaga. Hindi niya ako masisisi. Sino ba naman ang hindi maglalaway sa hitsura niya? Nakabalandra sa harapan ko ang eight-pack abs niya, maging ang korteng V nito pababa sa may puson ay kanina niya pa ipinangangalandakan na dahilan ng panghihina ng katawan ko. Huwag ng isali pa ang prominenteng panga at malamlam na mga mata nito na tila nag-aalok ng hindi maipaliwanag na kaligayahan. Shit! Kahit santa o santa-santita ay  madedemonyo ang utak kapag ganito ang nasa harapan,  ako pa kaya na ilang taon ding mag-isa sa buhay? I've been celibate for almost a decade at ang taong nasa harapan ko ngayon ang nakapagpagising ng natutulog na demonyo sa sistema ko. Gaya nga ng sabi ni Patty, hindi dapat pinapalagpas ang mga ganitong uri ng lalaki, so why not play with this playboy in front of me? Surely, I'll be having fun tonight.

"I can't help it," diretsang sagot ko at itinaas ko ang dalawang kamay na dahilan para umangat din ang laylayan ng suot kong dress shirt. Wala naman sigurong masama kung makikipaglaro ako sa lalaking ito. I have nothing to lose in the first place. Thirty three years old na ako at may isang anak, aasta pa ba akong pabebeng virgin sa harapan nito?

"Are you already falling in love with me, sweetheart?" Ngumisi na naman ito at sumayaw-sayaw sa harapan ko na animo'y  macho dancer sa isang club. Kitang-kita ko ang pamumukol ng ibabang bahagi nito habang nagdi-dirty dance. Leche! Kahit hindi na siya sumayaw nakakaakit pa rin ang katawan niya.

"Chuck, that's gross!" wika ko nang haplusin nito ang kaniyang dibdib pababa sa abs at bumaba pa patungo sa... Leche talaga!

"Just tell me you already fell in love with me and I'll stop this." Patuloy lang ito ang pagsayaw; naroong mag-ala Michael Jackson ito, gumiling na parang macho dancer habang nakatingin sa mga mata ko. At hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko iyon. Alam kong pulang-pula na ang mukha ko sa sobrang init ng pakiramdam ko. Lecheng lalaking ito! Wala na ata itong ibang alam kundi akitin ako.

"Keep on provoking me, Chuck," ngumisi ako, "who knows? Maybe later, we'll both have a good night," biro ko. Tingnan ko lang kung hanggang saan ang pagpipigil niya.

Naglakad ako papunta sa sulok kung saan naroon ang pandalawahang sopa. May katabi iyong maliit na mesa at nakapatong doon ang isang bote ng alak. Binuksan ko iyon at sinalinan ang dalawang baso. Bago uminom ay itinaas ko muna ang baso sa gawi ni Chuck na patuloy pa rin sa pagsasayaw. Ngumisi ito at lumapit sa akin. Kinuha ko ang bimpo sa aking tabi at inabot sa kaniya dahil pinagpapawisan na ito. Pero in fairness, ang bango-bango pa rin nito.

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon