Chapter 20

21.4K 205 2
                                    

Chapter 20

Nagising ako kinaumagahan na wala si Chuck sa aking tabi pero may iniwan naman itong sulat sa ibabaw ng bedside table. Katabi niyon ang isang basong tubig na may laman na hiniwang pipino. Kinuha ko 'yong sulat saka binasa:

"Good morning, sweetheart. Breakfast is ready. I'll be waiting for you downstairs. I love you."

Napangiti ako lalo na nang makita ko ang isang piraso ng pulang rosas. Alam ko pinitas niya iyon sa hardin. Kinuha  ko iyon at inamoy. Napakasweet talaga ni Chuck, maging ang mga salitang namutawi sa bibig nito kagabi ay hindi ko inasahan. Ganoon ba ang paraan ng panliligaw niya? O ganoon talaga manligaw ang isang playboy na kagaya ni Chuck? Magaling sa boladas, magaling mambola. Lahat ng matatamis na salita ay kayang sabihin sa harap ng isang babae.

Inilapag ko ang bulaklak sa ibabaw ng mesa at tumayo na para maligo. Kailangan kong magmadali dahil mag-aalas otso na.

Isang simpleng sleeveless white knee-length dress ang napili kong isuot. Kita nang kaunti ang cleavage ko dahil sa plunging neckline nito at medyo hapit iyon sa akin. Matapos itali ang buhok ay naglagay ako ng kaunting makeup, nilagyan ko rin ng concealer ang ilang hickeys na naroon sa aking leeg.

Lalabas na sana ako nang mapansin ko ang maliit na box sa ibabaw ng tokador. May nakaipit sa ilalim niyon na maliit na papel at kung hindi ako nagkakamali ay alahas ang laman ng box. Kinuha  ko iyon at binasa ang nakasulat:

To the Girl I Love,

No one deserves to wear this except you, sweetheart. I love you, Ligs.

C.F.

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa mensaheng iyon. Ganito ba manligaw ang isang Charles Faulker? Ang daming paandar. Napailing na lang ako at binuksan  ang box ngunit nagimbal ako sa aking nasilayan.

Isang pares ng diamond earrings ang laman ng box. Medyo may kalakihan iyon at napapalibutan pa ng maliliit na bato. Mapapahanga ka talaga sa ganda niyon.

Naitakip ko ang kamay ko sa aking bibig. Hindi ako makapaniwala na makikita ko ito ng personal at mahahawakan pa. Nabasa ko dati sa isang article sa internet na napakalaki ng halaga ng hikaw na ito. Kung hindi ako nagkakamali ay lagpas twenty million peso ang halaga nito.  Pag-aari ito ng dating reyna at isa ito sa mga in-auction sa Thailand noong nakaraang taon.

Papaano kaya ito napunta sa kaniya? Paano niya ito mabibili sa ganoong halaga, e estudyante pa lang siya nang mga panahon na iyon. Nitong nakaraang buwan lang siya g-um-raduate at nagkaroon ng trabaho.

Buo ang loob ko na ibalik ito sa kaniya. Hindi ko ito matatanggap, nakakahiya. Napakalaki ng halaga nito para lang ipamigay niya.

Isinilid ko iyon sa bag at lumabas na ng kwarto. Pababa na ako ng hagdan nang marinig kong tila may kausap sa cellphone si Chuck.

"...Sir Charles, si Mrs. Amara po ay may-ari ng hotel, si Mr. Galver ay may-ari ng isang shipyard at si Mr. Nilo ay may-ari ng isang private school. Lahat po sila ay taga kabilang bayan.  I'll send you their address later, sir,"  dinig kong wika ni Grace dahil naka-loudspeaker ang cellphone.

"Okay, Grace. May iba pa ba?"

"Wala na po akong makita, Sir Charles. Naka-lock po kasi 'yung drawer ni Mrs. Sayes."

"Okay, thanks.

"Sir Charles, may meeting po mamaya si Mrs. Sayes with Mr. Zid Azira at three o'clock in the afternoon."

Lumapit ako sa sala at kita ko ang pagdilim ng mukha nito nang marinig ang pangalang binanggit ni Grace.

"Okay," sagot ni Chuck habang nagtitipa sa laptop. "Just tell me later kung ano ang napag-usapan nila sa meeting na iyon."

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon