Chapter 26

18.9K 182 1
                                    


#844 in Romance Category as of  May 29, 2018. Thanks!

Chapter 26

Muli akong tumingin 'di kalayuan sa umpukan ng mga taong naghihiyawan, hanggang sa marinig ko ang angil ng mga sasakyang tila nag-uunahan. Napakaraming tao kahit malalim na ang gabi. Sa kanang bahagi ng kinatatayuan ko ay nakapark ang iba't-ibang uri ng sasakyan na hindi biro ang halaga. Kung sino man ang may-ari ng mga sasakyang iyon, tiyak kong may mga sinasabi iyon sa buhay. Maging ang pananamit ng mga tao ay pansin ko na mga anak-mayaman, karamihan sa mga iyon ay mga kabataan na sa tingin ko ay disisyete  hanggang teinta ang edad at naghahanap ng kakaibang thrill sa buhay. Mga teenager na walang ibang inatupag kundi lustayin ang perang ibinibigay ng mga magulang sa mga walang kakwenta-kwentang bagay.

Napailing ako nang makita ko ang dalawang babaing nakatayo sa magkabilang panig ng kalsada. Nakasuot ang mga iyon ng midrib sleeveless blouse at halos lumuwa na ang dibdib dahil parang tinipid ng mananahi  ang telang ginamit. Nakasuot din ang dalawang iyon ng maikling shorts na sa tingin ko ay wala pang isang dangkal ang haba. Kung titingnan ang kanilang kabuuan ay para silang round girl na rumarampa sa ring tuwing may boxing, ang kaibahan nga lang imbes na parisukat na board ang kanilang dala ay  kulay puti at pulang mini flag.

Halos hindi magkaringgan ang mga tao sa sobrang ingay. Mapababae o lalaki ay nagsisigawan na tila tuwang-tuwa sa mga paparating na sasakyan. Naroong tumalon ang ilan sa mga iyon habang ang iba ay nagtutulakan.

Muli akong tumingin sa kalsada kung saan nakikita ng dalawa kong mga mata ang limang kotseng paparating. Halos magkasabay na paparating ang dalawang sasakyan na kulay berde at pula habang nakabuntot sa kanilang likuran ang tatlo pang kotse. Dinig na dinig ko ang pag-angil ng sasakyang kulay berde nang tumigil ito matapos iwagayway  nang dalawang babae ang hawak nilang mini flag na tila nagdedeklara ng pagkapanalo nang naunang kotse.

Drag racing—iyon ang unang pumasok sa utak ko. May nangyayaring drag racing sa bahaging ito ng siyudad. Iligal ito sa bansa kaya siguro ganitong oras nila ginaganap ang ganitong 'event'.

Mayamaya ay napansin kong paparating sina Patrick, Vivienne at Eden. Tila tuwang-tuwa ang mga ito nang tumigil sa aking tabi. Naroong sumigaw si Patrick na parang siya ang nanalo.

"Sabi ko sa inyo 'yung kulay green na kotse ang mananalo," sigaw nito sa dalawa.

"Oo na, panalo ka na, bakla," wika ni Vivienne.  "Akong taya sa lunch bukas para matigil na 'yang bibig mo sa katatalak."

"Huwag mo kaming kalimutan ni Ligs, Viv," sabat naman ni Eden. "Unang beses mong manlibre ng lunch, aba lubos-lubusin mo na." Nakipag-apir pa ito kay Patrick.

"Nagpupustahan kayo?" tanong ko sa kanila.

"There's nothing wrong with that, Ligs." Inakbayan ako ni Patrick. "Isa pa, nanalo ako kaya libre ang lunch natin bukas." Nakasimangot naman si Vivienne habang nakatingin sa mga driver ng kotse na nagkakarera kanina na ngayon ay kasalukuyang bumababa na sa kani-kanilang sasakyan.

Pansin ko ang paglapit ni Jude sa driver ng kulay berdeng kotse. Nag-fistbump ang mga ito saka nagtapikan ng balikat. Parang kilala ko ang driver ng berdeng kotse na iyon subalit hindi ko makita ang mukha dahil nakasumbrero ito. Tanging baba lang ang nakikita ko dahil medyo malayo-layo rin ito sa amin.

"Tara na, Patty, Eden," yaya ko sa dalawa. "Hatid n'yo na ako pauwi. Kung alam kong ganito ka-boring ang sinasabing 'event' ni Jude, hindi na sana ako sumama sa inyo."

"Anong  boring?" angal ni Patrick. "Thrilling nga, e. Remind mo ako, Viv kung kailan ulit pupunta rito ang Judas mong jowa, sasama ako." Napahagikhik kami ni Eden nang masambit nito ang pangalang Judas. Lalo tuloy nanulis ang nguso ni Vivienne.

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon