Chapter 53

15.9K 165 1
                                    

Chapter 53



Nakatayo ako ngayon sa labas ng isang hotel and resort sa kabilang bayan. Nagdadalawang-isip ako kung magche-check in ako o uuwi na lang, pero ayaw ko namang makita si Chuck. Dito ako napadpad matapos kong makipagkita kay yaya kanina na pinakiusapan kong dalhan ako ng damit. Gusto kong lumayo, magpakalayo-layo kahit ilang araw lang.

"Good evening po, ma'am," bati sa akin ng guardiya ng hotel. Gabi na pala. Dumiretso ako sa front desk para kumuha ng kwarto. Dito muna ako magpapalipas ng gabi.  Bahala na bukas, ang importante may matutuluyan ako na malayo kay Chuck.

Matapos ayusin ang dalang damit ay bumaba ako at naghanap ng restaurant dahil kumakalam na ang aking sikmura. Alas siete ng umaga ang huling kain ko at ngayon ay mag-aalas diyes na ng gabi. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom.

Pumasok ako sa restaurant na naroon sa loob ng hotel at um-order ng pagkain. Naparami ang in-order ko kaya pinagtitinginan ako ng ilang customer na naroon. Mag-isa lang kasi ako pero halos mapuno ng pagkain ang pandalawahang mesa na aking inuokopa.

Panay lang ang kain ko at pinabayaan sila. Ang importante ay kayang kong bayaran ang mga inorder ko. Isa pa may problema ako ngayon kaya pagkain na lang ang pagtutuunan ko ng pansin.

Nangangalahati na ako sa pagkaing inorder nang lapitan ako ng isang lalaki. Sa tingin ko ay nasa mid-twenties na ito. Nakasuot ito ng coat and tie na animo'y late ng  umalis sa opisina. Ngumiti ito sa akin dahilan para lumabas ang biloy nito sa pisngi.

Tumigil ako sa pagnguya at uminom ng tubig. "Do you need anything, mister?" tanong ko nang mapansin kong ilang segundo na ito sa aking harapan pero parang timang na nakangiti lang sa akin.

"Pasensiya na, miss," wika nito. "I was just curious why you are eating alone. Don't you have company?" Tiningnan ko lang ito at muling ibinalik ang atensiyon sa pagkain. "By the way I am Jack," pakilala nito at inilahad ang kanang kamay. Muli akong tumango at nagpatuloy sa pagkain. Mayamaya ay narinig ko na lang ang tawanan ng ilang kalalakihan hindi kalayuan sa akin. "Nice talking to you. Enjoy your meal," wika nito at tumalikod na. Nang muli akong lumingon doon sa gawi ng mga kalalakihan, ay nakita kong ngumiti sa akin 'yung nagpakilalang Jack saka kumaway. Dinig ko pa ang mga kantiyaw ng mga kasamahan nito kaya hindi ko na naman maiwasang maalala si Chuck nang minsang kinantiyawan ito ng mga kaibigan.

Matapos magbayad ay nagpunta ako sa bar para uminom ng alak. Gusto kong magpakalasing, 'yung tipong makakalimutan ko ang mga problema sa sobrang kalasingan. Umupo na  ako sa bar at um-order ng alak pero 'yung bartender ay tila nag-aalangan kung bibigyan ako ng alak. Kumunot ang aking noo. Ano ba ang problema nito? Narito ako para uminom ng alak at may pera akong ipambabayad sa kanila. May credit card din ako kung hindi sila tumatanggap ng cash.

"One bottle of Ja—" Napatigil ako sa pagsasalita nang may humablot sa kwelyo ng suot na polo ng bartender.

"Give the lady anything she wants," matigas nitong saad sa bartender. "It's on the house." Napatingin ako rito. Again, sumagi na naman si Chuck sa utak ko. Ganitong-ganito si Chuck kapag ako na ang pinag-uusapan. Kaya niyang makipagbasagan ng mukha para sa akin. Ewan ko lang sa mga susunod na araw kung magawa niya pa iyon dahil masaya na siya sa piling ng babaing mahal niya.

"Pero, Sir Jack, hindi po tayo pwede magbenta ng alak sa mga menor de edad," depensa nang bartender kaya napataas ang kilay ko.  Shit! Akala siguro ng mga ito high school pa lang ako.

"I don't care if she's minor or not. She wants wine, so be it," wika noong nagngangalang Jack.

Humarap ako dito at mariin itong tinitigan. Leche naman! Napagkamalan pa akong nene ng mga ito. "Thank you, mister, but I can pay for it." Nilingon ko ang bartender sabay kuha ng aking ID at ilang tiglilibuhin. "Sana hiningi mo na lang ang ID ko at hindi iyong nagdadalawang-isip ka pa kung pagbebentahan ako ng alak o hindi." Matapos maipakita ang ID ay ibinalik ko iyon sa purse at kinuha ang alak. "Keep the change," wika ko sabay lapag sa pera at lumabas na ng bar ba iyon. Kaloka! Pagkamalan ba naman akong menor de edad?

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon