Chapter 10

25.6K 240 0
                                    

Chapter 10

"Huwag na huwag mo akong tatawaging sweetheart sa harap ng mga kaibigan ko," wika ko rito habang naglalakad kami papunta sa mesa ng mga kaibigan ko.

"Why?"

"Basta. Sumunod ka na lang," mariin kong saad.

"As you wish." Ramdam ko ang pagpisil nito sa aking baywang. Sarap bigwasan.

Nakabibinging tilian ang sumalubong sa amin nang makalapit na kami. Hindi magkamayaw ang mga ito sa katatanong tungkol sa amin ni Chuck. Wala akong sinagot ni isa sa tanong nila hanggang sa umupo kami ni Chuck sa sofa.

"You look familiar," wika ni Chuck kay Kaye matapos ko silang ipakilala sa isa't-isa. "Parang nakita na kita."

"She's Vincent's wife, Chuck."

"Oh I see. By the way, where's Vincent?"

"My business trip siya. Bukas pa iyon makakauwi," saad ni Kaye saka tumingin sa akin. Knowing Vincent, baka kasama na naman ang kabit nito. Hindi talaga nagtatanda ang kaibigan kong ito. Harap-harapan ng niloloko, nagbubulag-bulagan pa.

"By the way, Ligs kayo na ni Chuck?"

"Ang bilis, ah," sabad naman ni Eden. "'Di ba pihikan ka, Ligs? Anong nangyari?"

Pagngiti-ngiti lang si Chuck sa mga sinabi nina Eden at Kaye.

"Ay, tumigil nga kayong dalawa," saway ni Vivianne. "Mabuti ng maging sila kaysa makipagbalikan itong si Ligs doon sa ex niya."

"Oy, Ligs, ano ba," untag sa akin ni Kaye. "Siya na ba ang ipinalit mo kay--"

"Utang na loob, Kaye," muling saway ni Vivianne. "Bawal banggitin ang pangalan ng hinayupak na iyon."

"Sorry. Curious lang ako, girl. Ano ba talaga?"

"Oo nga. Ano ba ang real score ninyong dalawa, ha, Chuck," tanong ni Eden.

"Ano nga ba, Ligs?" Tumingin sa akin si Chuck at nakakalokong ngumiti.

"Magkaibigan lang kami, 'di ba, Chuck?" Tumango lang ito at nagtawag ng waiter. Umorder ito ng alak para sa lahat habang ginigisa ako ng tatlo kong
kaibigan.

"Hindi ako naniniwala, Ligs," wika ni Eden. "Magkasama kayong dumating ni Chuck at kung makalingkis, naku! Huwag kami, Ligaya. Parating na si Patrick, kailangan kami ang unang makaalam."

"Who's Patrick?" biglang tanong ni Chuck habang nagsasalin ng alak sa baso saka binigay sa akin. Ipinatong nito ang kanang braso sa sofa kaya parang nakaakbay ito sa akin. Hindi na naman mapigilan ang tilian ng tatlo.

"Kaibigan namin. Don't worry, makikilala mo rin siya mamaya," sagot ko saka tinungga ang laman ng baso.

"Nagkakasiyahan na pala kayo rito, hindi ko man lang alam. Why am I not invited?" Napalingon ako sa boses na iyon. Si Patrick ang may-ari ng boses at nagtaka ako maging ang mga kaibigan namin dahil lalaking lalaki ang boses nito. Nakasuot ito ng maong pants at puting T-shirt at sa unang tingin hindi mo aakalaing bakla ito. Isa isang tumayo sina Eden, Kaye at Vivianne para bumeso dito.

"Kung alam ko lang na narito na kayo sana kanina pa ako nagpunta. Ligs baby, won't you kiss me?" Nakangiti nitong saad at tinitigan si Chuck kaya alam kong may kalokohan na namang namumuo sa utak nito.

"Who is he?" tanong sa akin ni Chuck kasabay ng pagpisil nito sa braso ko na tila ayaw akong umalis sa tabi niya.

Pinabayaan ko na lang ito at tumayo para bumeso sa bagong dating. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay nang biglang akong yakapin nang mahigpit ni Patrick. Kitang-kita ko ang pag-igting ng mga panga ni Chuck.

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon