Chapter 48
"Madatung talaga ang apo ni Madam, bes," saad ni Patrick. "Rich kid at kung magpadeliver ng malalafang, akala mo buong barangay ang pakakainin."
"Natural, Patty, may sariling restaurant, e," sagot ni Vivienne.
"Magsitigil nga kayo diyan. Baka marinig kayo ni Chuck. Nakakahiya kayo, baka isipin no'n, mga patay gutom tayo," saway ni Eden sa dalawa habang inaayos ang pagkaing pinadeliver ni Chuck. Nakikinig lang ako sa pag-uusap ng mga ito, wala akong gana magsalita dahil naaalala ko pa rin ang nangyari simula kaninang madaling araw.
In a span of twelve hours, dalawang lalaki ang nag-propose ng kasal sa akin na parehas kong tinanggihan. Kahit kailan ay wala sa aking isipan ang magpakasal ulit dahil bukod sa dalang-dala na ako sa nangyari sa pagsasama namin ni Fern ay hindi ko rin alam kung totoo ang mga pinagsasabi nila sa akin. Sa loob ng halos sampung taon ay nagawa kong kontolin ang aking puso, nagawa kong mahalin ang aking sarili at nagawa kong magpatuloy sa buhay nang walang lalaking kaulayaw. Naging mapayapa ang buhay ko sa mga panahong iyon hanggang sa dumating ang makulit na apo ni Mrs. Sayes. Sa totoo lang hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat kay Chuck. Ginulo niya ang nananahimik kong puso dahilan upang sa bawat araw na dumadaan ay lalo akong umaasa na balang araw ay baka may magmahal din sa isang tulad kong diborsiyada.
"Sweetheart." Mula sa pagkakahawak sa pinto ng ref ay napaigtad ako sa pagkagulat nang bumulong si Chuck sa kaliwang tainga ko kasabay ng paghapit nito sa aking baywang. "Natutulala ka naman." Ngumiti ito sa akin at napangiwi ako nang mapansin ko na naman ang mga pasa nito sa mukha.
"I'm sorry, Chuck." Hinaplos ko ang mukha nito. "Hindi ito mangyayari sa 'yo kung hindi dahil sa akin."
"Don't blame yourself, sweetheart, ayos lang ako. Ang inaalala ko ay ikaw, kayo ni Clint. Baka bigla-bigla na lang magpunta rito ang ex mo at..." Bumuntong-hininga ito at hinawakan ang braso ko saka hinaplos. "I am going to hire bodyguards for the both of you."
"You don't have to do that, Chuck," kaagad kong sagot. Nakakahiya sa lalaking ito, saka ano na lang ang sasabihin ni Mamita kapag nalaman niya ang mga pinaggagagawa ni Chuck para lang sa aming mag-ina? Isa pa kaya ko naman mag-hire ng mga bodyguards. "I can do it. Anyway, salamat sa pag-aalala mo." Isinara ko ang pinto ng ref saka niyakap si Chuck. I know he cares for me pero sobra na. Inaamin ko, nahuhulog na ako sa lalaking ito kaya ayokong gawin niya ang mga bagay na magiging dahilan pa ng lalo kong pagkahulog sa kaniya. Sooner or later, magsasawa rin siya at ayokong magkaroon ng mga alaala kasama siya dahil malulungkot lang ako kapag natuldukan na ang kung anumang relasyong mayroon kami sa kasalukuyan.
Even if I can't satisfy him in bed, at least may maidadagdag siya sa kolekiyon ng mga babaing naikama niya. Sad truth, but it's okay. Okay lang na mapabilang ako sa mga babaing kinokolekta niya. After all sino ba naman ako para seryosohin ng isang Charles Faulker? Isang diborsiyada at may extra baggage pa?
But as Patrick always says, na ang guwapong kagaya ni Chuck ay hindi dapat basta na lang pinapalagpas, kaya bakit hindi na lang ako makisabay sa agos? After all si Chuck naman ang habol nang habol sa akin. So it's a win-win situation for the both us.
"Ay!" Dinig kong tili ni Patrick kaya lalong humigpit ang pagkakayakap ko kay Chuck. "Kaya naman pala maraming langgam dito sa bahay. May sweetness overload na nagaganap."
"High pitch talaga, Patty?" saway ni Chuck na nakayakap pa rin sa akin. "Tulog si Clint, baka magising iyon. Iwas na iwas pa naman ako—"
"Ay, sorry. Iniiwasan mo nga pala na mahuli kayo ng inaaanak ko." Ngumisi ito nang makahulugan. "O siya, maiwan ko na kayo. Kung nagugutom ka, Chuck, huwag si Ligaya ang papakin mo. Maraming pagkain sa mesa." Tawa ito nang tawa habang papalabas ng kusina.
BINABASA MO ANG
The Joy of The Playboy (COMPLETED)
Romantiek#55 in Romance Category as of August 9, 2018 *Note: FOR ADULTS ONLY. Readers below 18 years of age, this story isn't for you so please, try to read the story/ies that suit your age. ______________________________________ For Ligaya, the magic has en...