Chapter 42
"Chuck, why didn't you pursue your singing career?" tanong ko nang nakahiga na kami. Nakaunan ako sa braso nito gaya ng kagustuhan niya pero may kung anong kuryenteng dumadaloy sa katawan ko sa tuwing madadaiti ang aking kamay sa hubad nitong katawan. Kung bakit ba naman kasi palagi itong nakahubad. "May boses ka and I'm sure sisikat ang banda n'yo."
"Hindi ko pinangarap maging sikat, sweetheart," wika nito saka hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Lintik talaga! Mas lalo akong nanghihina sa ginagawa nito. Hindi niya ba alam na isa iyon sa mga kahinaan ko? "Isa lang naman ang pinangarap ko." Lumamlam ang mga mata nito nang tumingin sa akin. "Ang mahalin mo rin ako."
Natigilan ako sa sinabi nito. Hindi ko alam kung totoo ang mga salitang namumutawi sa bibig nito o isa ito sa mga paraan niya para makuha ang loob ko. Hindi dapat ako naniniwala sa lalaking ito dahil unang-una, napakabata pa nito, malamang ang pag-ibig na ipinangangalandakan nito ay bunga lamang ng bugso ng damdamin. Sa edad niyang beinte tres, alam kong hindi pa nito alam kung ano ang salitang pag-ibig. Ayokong matulad siya sa akin na nagpadala sa bugso ng damdamin at tuluyang niyakap ang isang masalimuot na buhay sa napakabatang edad.
Pinilit kong humikab para mahalata nito na inaantok na ako. "Inaantok na ko." Tinalikuran ko na siya at hinila ko ang kumot hanggang sa leeg ko.
"Palagi ka na lang umiiwas sa tuwing sasabihin ko sa 'yo ang nilalaman ng puso ko," dinig kong wika nito at hinalikan ang sentido ko. "Anyway, have a goodnight sleep, sweetheart. Sleep tight." Hinaplos-haplos pa nito ang buhok ko habang naghu-hum ng isang awitin na hindi ko maintindihan pero nare-relax ang isip ko habang nakikinig.
At dahil nagkukunwari lang akong tulog na, ramdam ko ang ilang ulit na pagbuntung-hininga nito dahil nakasandal ang likod ng ulo ko sa dibdib niya. Nakapulupot naman sa baywang ko ang isa nitong braso habang panaka-nakang hinahalikan ang ulo ko.
"I will never be tired of loving you, sweetheart," dinig kong bulong nito. Bigla kong naimulat ang aking mga mata dahil sa pagkagulat. Mabuti na lang at nakapatay ang ilaw ng kwarto niya at tanging isang lampshade lang ang nakasindi kaya hindi niya nahalata na gising pa ako. "Maghihintay ako hanggang sa dumating ang panahong matutunan mo rin akong mahalin. But for now, just let me love you."
Parang gustong sumabog ng puso ko sa mga sinasabi nito. Bakit 'yung mga salitang gustong-gusto kong marinig noon sa bibig ni Fern ay kay Chuck ko naririnig ngayon? Bakit sa dinami-dami ng lalaking nakilala ko, kay Chuck ko pa narinig ang mga salitang iyon? Sa isang bata pero kung magsalita, animo'y kasing edad ko.
"I want to marry you someday, sweetheart," dinig ko pang wika nito. "I love you." Muli ako nitong hinalikan sa ulo at dahan-dahang inangat ang kaniyang braso saka nilagyan ng unan sa ilalim ng ulo ko. Pinabayaan ko lang ito sa ginagawa at pinanindigan ang pagkukunwaring tulog.
Mayamaya ay naramdaman kong bumaba ito sa kama at ilang segundo lang ang dumaan narinig ko ang pagbukas ng pinto. Dahan-dahan kong iminulat ang kaliwang mata ko. Kitang-kita ko na pumasok si Chuck sa office niya at naupo sa swivel chair saka kinuha ang ilang papeles sa ibabaw ng desk. Seriously? Magtatrabaho pa ito sa ganitong oras?
Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at pinilit na matulog subalit ayaw akong dalawin ng antok. Pilit na sumasagi sa utak ko ang mga sinabi ni Chuck kanina; na maghihintay siya hanggang sa matutunan ko siyang mahalin, na balang araw pakakasalan niya ako. Namalayan ko na lang umiiyak na pala ako dahil samu't saring mga bagay ang nagsasalimbayan sa
aking utak. Pagkamuhi sa isang taong minahal ko ng ilang taon subalit nagawa akong lokohin. Naroon din ang panghihinayang kung bakit ngayon ko lang nakilala ang isang Charles Faulker, ang taong sa murang edad ay animo'y matanda kung magsalita. Napaka-matured niya mag-isip at nanghihinayang ako kung bakit napakalayo ng agwat ng edad namin.
BINABASA MO ANG
The Joy of The Playboy (COMPLETED)
Romance#55 in Romance Category as of August 9, 2018 *Note: FOR ADULTS ONLY. Readers below 18 years of age, this story isn't for you so please, try to read the story/ies that suit your age. ______________________________________ For Ligaya, the magic has en...