Chapter 45
"Let me love you, sweetheart," muli nitong pakiusap kasabay ng mahigpit na paghawak sa dalawa kong kamay saka dinala iyon sa labi niya para halikan. Hindi na naman ako makapagsalita. Bakit lagi akong natatameme sa tuwing sasabihin niya ang nararamdaman niya para sa akin?
"Chuck, ayokong mapahamak ka. Tingnan mo ang nangyari sa mukha mo. Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan mo, ni Mamita kapag nakita ang mga pasa mo sa mukha? Nakakahiya kapag nalaman nila na ako ang dahilan, kami ng anak ko kung bakit nangyari 'yan sa 'yo. Siguro mas makabubuti kung hindi na muna tayo magkikita."
"No, sweetheart." Napailing ito. "I don't care kung ano ang iisipin nila. Ang importante ikaw, kayo ni Clint."
"Kapag lagi tayong magkikita hindi maiiwasan na magkita kayo ni Fern. At ano na lang ang mangyayari sa 'yo kung sa tuwing magkakaharap kayong dalawa ay puro pasa sa mukha ang makukuha mo?"
Napangiti ito. "So you really care for me?"
"Of course I care for you, Chuck. Ayokong nasasaktan ka. Bayolente si Fern at walang sinasanto ang taong 'yun. Kaya kung hindi mo kayang lumaban, mas makabubuting umiwas ka na lang."
"Palagi ba siyang ganoon pagdating sa 'yo? I mean sinasaktan ka ba niya?" Pansin ko ang galit sa boses nito. Hindi ako umimik, ayokong sagutin ang tanong niya. "Silence means yes," bulong nito at pinasadahan ng kamay ang kaniyang buhok pagkatapos ay bumuntong-hininga. "Subukan niyang saktan ka ulit, ako ang makakalaban niya."
"Let's not talk about this, Chuck. It's almost four in the morning. Inaantok na ako. Doon ka na lang matulog sa guest room katabi ng room ni Clint." Tumayo na ako at naglakad papunta sa hagdan.
"Pwede sa kwarto mo na lang ako matulog?"
"Maliit ang kama ko. Hindi tayo kasya do'n. Isa pa malikot ka matulog."
"Ang daya mo naman," dinig kong wika nito na tila batang nanunumbat kaya lumingon ako at nahagip ko ang pagngisi nito na parang may kalokohan na namang tumatakbo sa utak. "Kapag nasa condo ka, sa iisang kwarto at iisang kama tayo natutulog, pero kapag dito sa bahay mo, sa guest room ako natutulog. You're so unfair," himutok pa nito.
"Okay. Kung ayaw mo matulog sa guest room—"
"Sa kwarto mo na ako natutulog?" Biglang umaliwalas ang mukha nito.
"Hindi. Diyan ka na lang matulog sa sopa. Dadalhan na lang kita ng kumot at unan," kaagad kong saad at tumuloy na sa pag-akyat sa hagdan. Narinig ko pa na nagsalita ito na masyado akong unfair pero hindi ko na iyon pinansin.
Pagpasok ko ng kwarto ay kaagad akong kumuha ng kumot at unan. Kinuha ko na rin 'yung t-shirt na naiwan ni Chuck no'ng nakaraang lingo para may pamalit ito dahil basa ang suot nitong damit dahil sa ginawa kong pagbuhos dito ng tubig. Lalabas na sana ako nang mapansin kong basa rin ang suot kong damit dahil sa ginawa kong pagyakap kay Chuck kanina. Tumuloy na muna ako sa banyo at naligo. Minuto lang ang itinagal ko roon, matapos magsuot ng bath robe ay lumabas na ako subalit nagulat ako nang makita si Chuck sa sink. Wala na naman itong damit pang-itaas. Naghihilamos ito roon at ngumiti nang mapansing papalapit ako sa gawi niya . Lihim akong napamura nang masilayan ang hubad nitong katawan. Kita ko ang pagpatak ng natirang tubig mula sa kaniyang pisngi pababa sa leeg pababa sa dibdib hanggang sa tiyan, at bumaba pa sa...Shit! Nakaka-turn on!
"Bakit ka pumasok dito?" tanong ko dahil natutuliro na naman ang utak ko sa hitsura ng lalaking ito.
Ngumisi naman ito. "Bukas 'yung pinto, sweetheart kaya pumasok na ako." Tumingin pa ito sa pinto ng banyo para ipakita na nakabukas nga.
BINABASA MO ANG
The Joy of The Playboy (COMPLETED)
Romance#55 in Romance Category as of August 9, 2018 *Note: FOR ADULTS ONLY. Readers below 18 years of age, this story isn't for you so please, try to read the story/ies that suit your age. ______________________________________ For Ligaya, the magic has en...