Chapter 6
"Mom, are you dating someone?"
Muntik na akong masamid dahil sa tanong na iyon ni Clint. Nag-aalmusal kami sabado ng umaga
at iyon kaagad ang bungad sa akin ng trese anyos kong anak.Pinunasan ko muna ang bibig ko at isinandal ang likod sa upuan. Nakatingin pa rin siya sa akin, waring naghihintay kung ano ang magiging sagot ko.
"Who told you that?" balik- tanong ko sa kaniya. Nagtataka ako dahil ngayon lang nagtanong si Clint tungkol sa ganoong bagay. Dati-rati nakikinig lang siya kapag napag-uusapan namin ng mga kaibigan ko ang ganoong bagay na parang wala lang sa kaniya. Pero ngayon parang nag-iba. Parang naging interesado siya base na rin sa tono ng boses nito.
"Mom, I need to know," wika nito na para bang mauubusan ng pasensiya. Marahan nitong binitiwan ang kutsara at tinidor saka diretsong tumingin sa mga mata ko. "May nakakita sa inyo kahapon, sa restaurant. May kasama ka raw na lalaki.
Nanliligaw ba siya sa iyo, mom?"Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Malamang ang tsismosong si Vincent ang nagsabi sa anak ko. Wala talaga akong tiwala sa pagmumukha ng lalaking iyon.
"He is just a friend, Clint," kaswal kong sagot. "Bagong kakilala namin ng Tita Eden at Tita Viviane mo." Halos magkanda-utal-utal ako sa pagpapaliwanag sa anak ko tungkol kay Chuck.
Batid ko na sabik sa ama si Clint at ayokong isipin niya na may kapalit na ang ama niya sa puso ko. All these years umaasa siya na magkakabalikan kami ni Fern, na mabubuo ulit ang pamilya namin.
Laking pasasalamat ko nang magpatuloy ulit ito sa pagkain. Para akong nabunutan ng tinik dahil hindi na ito nag-usisa pa.
"He is mad about it, mom." Napatigil ako sa pagsubo nang nagsalita itong muli.
"Mad? Who?"
"Dad. He called me last night and he was devastated. Galit na galit siya."
Si Fern? Galit? How dare he is.
"So, sa dad mo nalaman ang ideyang nakikipag-date ako?"
Tumango ito. "Nalaman daw niya sa kaibigan niya."
Doon ko nakumpirma na kay Vincent niya nalaman ang
pagpunta ko sa restaurant na iyon kasama si Chuck. Kahit kailan talaga matabil ang bunganga ni Vincent. Dinaig pa ang babae pagdating sa tsismis."We are family, mom, right?"
Tumango ako. "I mean, you, dad and I. Dad wants us to be family again. Is it possible, mom?"Ito ang tanong na hindi ko napaghandaan. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa aking anak. Ayokong sirain ang pangarap niya na balang araw magiging isang pamilya ulit kami, na makakasama ulit namin sa iisang bahay ang kaniyang ama. Ngunit ayoko naman na umasa siya na mangyayari iyon dahil sa nakikita ko hindi talaga magtitino si Fern. Ayokong masaktan sa bandang huli ang anak ko. Ang kapakanan ni Clint ang mahalaga sa akin.
Nang tumunog ang doorbell ay excited na tumayo si Clint sa hapag-kainan at hinalikan ako sa pisngi.
"Hey, where are you going? Finish your food."
"Busog na po ako, mom. Kailangan kong magmadali, that must be dad. Bye."
Lumabas na ito sa dining room at dinig ko ang mga yabag nito paakyat sa hagdan.
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko lubos maisip kung bakit nag-uusisa na ngayon si Clint. Nitong mga nakaraang araw palagi
niyang napupuna ang mga kilos ko, kung saan ako pupunta o kung anong oras ako uuwi. Ayaw ko man isipin pero parang inuudyukan ni Fern ang anak ko. Tingin ko inilalayo nito ang loob ni Clint sa akin.
BINABASA MO ANG
The Joy of The Playboy (COMPLETED)
Romance#55 in Romance Category as of August 9, 2018 *Note: FOR ADULTS ONLY. Readers below 18 years of age, this story isn't for you so please, try to read the story/ies that suit your age. ______________________________________ For Ligaya, the magic has en...