Chapter 23
"So, how's your meeting with Mamita?" tanong ni Chuck matapos kaming mag-dinner sa isang five star restaurant. Kalalapag pa lang ng waiter sa inorder naming kape kaya hinintay ko muna itong makaalis bago sagutin ang tanong nito.
"It went well. I guess." Ngumiti ako ng pilit saka inangat ang puswelo ng kape at uminom. Ayokong magkuwento tungkol sa mga napag-usapan namin ni Mrs. Sayes dahil sasama lang ang loob nito sa sariling lola. Ayoko ng dagdagan pa ang inis na nararamdaman ni Chuck lalo na't si Zid ang napipisil ni Mrs. Sayes na maging Charmain ng board at CEO ng kompanya. Kung may magagawa lang sana ako, I wouldn't allow that Zid to be a part of Faulker Industries.
Nakatitig pa rin sa akin si Chuck at tila pinagmamasdan ang kilos ko. Inilapag ko ang puswelo ng kape saka isinandal ang aking likod at sinalubong ang mga titig nito.
"You're lying," wika nito saka niluwagan ang suot na necktie. Napakunot ang aking noo. Ganoon na ba kadaling basahin ang nasa utak ko? Uminom muna ito ng kape saka nagsalitang muli, "I know Mamita won't sign that contract. Nasa rules kasi 'yun ng kompanya." Saka ko lang napagtanto na hinawakan pala nito ang kompanya ng halos isang buwan. "I was expecting that you're a little bit mad the way Mamita handles the situation."
"I am." Tumaas ang isang sulok ng labi nito at tila naghihintay sa mga susunod ko pang sasabihin. "I really don't know what happened these past few months but everytime I had an appointment with her, she would always cancelled it. Dapat five weeks ago niya pa napirmahan ang contract at ngayon niya lang sinabi ang tungkol sa rules ng kompanya which is really weird. Parang pinaasa niya lang ako." Hindi ko maitago ang inis sa boses ko. "I've been doing business with the Faulker Industries for almost a decade at ngayon lang ito nangyari." Bumuntong-hininga ako. "I'm so disappointed with your grandmother."
"I'm sorry if you feel that way. Perhaps Mamita has her own reasons...you know she's a very controlling person. She always made it a point that everything goes according to her plan."
"Perhaps I should look for another company. It's a good thing that Mrs. Sayes didn't sign the contract, I had reasons to look for another one."
"But I can—"
"No, Chuck. Mrs. Sayes said that I have to wait for the annual meeting to be over and that I have to deal with the next CEO of the company. And much worst, she wants Zid to be the CEO of Faulker Industries! I'd rather commit suicide than to deal with that asshole." Pansin ko ang pag-igting ng panga ni Chuck dahil sa sinabi ko. Kumuyom din ang kamay nito na naroon sa ibabaw ng mesa.
"Is that what Mamita said?"
"Yeah. She really wants Zid to handle the company. I really find it odd, Chuck, why did your grandmother choose that man instead of you?"
"It's my fault," wika nito saka tinawag ang waiter para sa bill. Matapos magbayad ay lumabas na kami ng restaurant at sumakay sa kotse niya.
Ilang minuto itong walang imik habang nasa harap ng manibela. Wala yata itong plano paandarin ang sasakyan.
Mayamaya ay lumingon ito sa gawi ko at ngumiti. Naramdaman ko na naman ang pagsikdo ng dibdib ko dahil sa mga ngiti nito. Ngiti na hindi ko alam kung nanunukso dahil umangat na naman ang isang sulok ng labi nito na para bang nagsasabi na may gagawin siyang isang bagay na siya lang ang nakakaalam. Ang ganoong mga ngiti ang isa sa mga mannerism nito na hindi ko alam kung magugustuhan ko dahil parang may pagkabastos at the same parang nagbibigay ng kakaibang kiliti sa aking sistema. 'Yung parang nang-aakit na animo'y nagsasabi na siya na ang bahala sa lahat, that everything will be alright as long as we're together.
"How about you spend the night with me, sweetheart?" wika nito nang nakatingin sa mga labi ko habang inilalapit ang mukha sa akin.
Nang iangat ko ang paningin ay nakita ko ang hindi maipaliwanag na pagnanasa sa mga mata niya. Isang dangkal na lang ang pagitan ng mukha namin at ramdam ko ang mabangong hininga nito na nagpapahina sa bawat himaymay ng aking laman. Inilagay nito ang kanang kamay sa sandalan ng upuan saka inilapit pa ang mukha sa akin kaya napailing ako dahilan para tumama ang noo niya sa kaliwa kong sentido. "Sa condo." Parang gusto kong umungol nang maramdaman ko ang hininga nito sa punong tainga ko. Mainit-init na nakakakiliti, naninindig ang mga balahibo ko at tila may kung anong init na bumabangon sa aking kaibuturan.
BINABASA MO ANG
The Joy of The Playboy (COMPLETED)
Romantik#55 in Romance Category as of August 9, 2018 *Note: FOR ADULTS ONLY. Readers below 18 years of age, this story isn't for you so please, try to read the story/ies that suit your age. ______________________________________ For Ligaya, the magic has en...