Chapter 7

28.3K 299 1
                                    

Chapter 7

"So ano na ang plano ngayon, bes?" ungkat ni Patty matapos nitong makipag-usap sa phone. "Ang sabi ni Grace hindi pa raw niya nakakausap si Mrs. Sayes at hanggang ngayon hindi raw niya alam kung papasok ang bago niyang amo. My god! Alas dos na ng hapon wala pa sa opisina ang apo ni Madam."

"Baka may appointment sa labas."

"Appointment sa labas. Ang sabihin mo tamad talaga ang apo na iyon ni Madam. Hindi na ako magtataka kung malugi ang kompanyang iyon. Ikaw naman kasi, bakit hindi ka na lang um-order sa iba? Tingnan mo ngayon para tayong naghihintay sa wala. Masyadong paimportante ang apo ni Madam. Marami pa namang supplier diyan, girl."

"Hindi ko gusto ang kalidad ng gawa nila hindi kagaya ng gawa nila Mrs. Sayes na pulido. Wala akong masabi bukod sa may kalidad, mababa rin ang bigay nila sa atin. Iyon nga lang parang ang hirap nila hagilapin nitong mga nakaraang linggo."

Tumango lang si Patrick. "Tumpak, bes." Iwinasiwas pa nito ang kamay sa ere. "Parang pag-ibig mo, ang hirap hagilapin."

Sinimangutan ko ito at muli kong ibanaling ang paningin sa listahan ng mga bagong supplier ngunit
wala akong mapili ni isa sa kanila. Hindi ko talaga gusto ang gawa nila.

"Bes, do you remember Rico?" mayamaya tanong ni Patrick. "'Yung nanligaw sa 'yo no'ng college pa tayo tapos binasted mo kaagad dahil head over heels ka Fern."

"Patrick, please," reklamo ko at hinilot ang magkabila kong sentido. Nananakit ang ulo ko at hindi ko alam kung matutuloy ang pagbubukas ng kabilang branch ng boutique sa nakatakda nitong schedule. Kailangan ko talagang makausap si Mrs. Sayes, sila na lang ang hinihintay ko. "Wala akong oras pag-usapan ang Rico na iyon. Marami akong kailangang gawin. Next month na ang openning ng bagong branch natin pero hindi ko pa nakakausap si Mrs. Sayes. Anong idi-display natin? Mga mannequin?" galit na wika ko sa kaniya. Majority ng mga idini-display namin sa boutique ay sa kompanya ni Mrs. Sayes ko ino-order.

"Kaya nga, bes, e. Makatutulong si Rico sa problema mo, lalong-lalo na sa problemang pampuso."

"Lumabas ka na nga, Patrick," pagtataboy ko dito. "Wala akong makukuhang matinong sagot sa 'yo. Puro ka biro."

"Pakinggan mo muna kasi ako, Ligs,"'pagsusumamo nito at itinaas ang kanang kamay para patigilin ako sa pagsasalita. "Nagkita kami kahapon ni Rico and guess what?" Iniarko nito ang kilay saka nagsalitang muli, "Sa isang clothing line siya nagtatrabaho and I'm sure matutulungan ka niya."

Tumingin muna ako sa mga mata nito at pilit inaapuhap kung may katotohanan ang pinagsasabi nito.

"Anong pangalan ng kompanya?"

Imbes na sumagot, may inilapag ito sa mesa. "Ito ang calling card niya."

Binasa ko ang nakasulat doon. 'BLAZE COMPANY'. Naroon din ang buong pangalan ni Rico at may nakalagay na CEO sa ilalim niyon. Mukhang asensado na ang mokong. Napangiti ako.

"See? Siya ang sagot sa mga problema mo. Kung bakit kasi
binasted mo 'yun noon. Kung siya ang nakatuluyan mo..."

"Patrick, pwede ba. Huwag mo ng ungkatin ang nakaraan. Matagal na panahon na ang nakalipas."

Tumahimik na ito at akmang lalabas ng opisina nang biglang tumunog ang cellphone nito.

"Hello," dinig kong wika nito sa kabilang linya.

Para itong timang na lumapit sa akin at pinisil ang kanang braso ko. Tila gusto nitong sumigaw pero pilit na tinatakpan ang bibig kasabay ng pagbilog ng mga mata nito. Inirapan ko lang ito at napangiwi sa sakit bunga ng pagpisil nito sa braso ko. Babatukan ko na sana ngunit bigla itong lumayo.

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon