Chapter 46

16.5K 149 7
                                    

Chapter 46

Oh my god! Anong gagawin ko? Pumasok na si Clint sa kwarto ko at hinahanap si Chuck. Halos maiyak ako sa kahihiyan habang nakakapit sa balustre ng hagdan. Para akong nanghina sa kaalamang nahuli kami ng anak ko. Nakakahiya talaga!

"May nangyari sa inyo ni Chuck kagabi, ano?" bulong sa akin ni Eden. Ngayon ko lang napansin ang presensiya nito at ni Vivienne. "Parang takot na takot ka na madatnan ng anak mo si Chuck sa kwarto."

Napaaray ako nang sundutin ni Vivienne ang aking tagiliran. "Ano, Ligs, masarap ba si Chuck?" Ngumisi ito kaya napaawang ang labi ko.

"Anong pinagsasabi ninyo? Walang nangyari sa amin kagabi," mariin kong sagot.

"Talaga?" sabay na wika ng mga ito at nakataas pa ang mga kilay. "Liars will go to hell."

"Wala ngang nangyari sa amin kagabi," mariin ko pa ring tanggi.

"Then you'll go to hell," maarteng saad ni Vivienne sabay hila sa collar ng suot kong roba. "At sino naman ang may gawa ng mga hickeys mo sa leeg, aber?"

"Huwag ka na kasing mag-deny pa, Ligs." Lumapit sa akin si Eden at inamoy-amoy ang buhok ko. "Confirmed, Viv, naisuko na nga ang bataan." Nag-apir pa ang mga ito sabay hagikhik. "Magkuwento ka naman diyan. Nakailan kayo kagabi?"

"Wala ngang nangyari sa amin kagabi." Malakas ang loob ko na mag-deny dahil wala naman talagang nangyari sa amin kagabi. Madaling araw dumating si Chuck kasama ang anak ko. Bahala sila sa 'liars will go to hell' na sinasabi nila. Umaga na nang may nangyari sa amin ni Chuck kaya ligtas ako sa 'expression' nilang iyon. Leche! Bakit parang kaparehas na ako ni Chuck kung mag-isip?

"Mom!" Napatingala ako nang marinig ang boses ni Clint kaya natigil sa pagpapaamin sa akin ang dalawa kong kaibigan. "Wala si coach sa kwarto mo. Saan mo siya pinatulog?"

"S-sa guest room," nauutal kong sagot. "Tama. Sa guest room siya natulog."

"Okay." Tumalikod na ito at binuksan isa-isa ang guest room.

"Ikaw, ha," muling sundot ni Vivienne sa tagiliran ko. "Malandi ka. Sa kwarto mo natulog si Chuck, ano?"

"Oo na. Sa kwarto ko siya natulog at pwede ba huwag kayong maingay, baka marinig kayo ng anak ko." Tumili ang mga ito dahil sa sinabi ko pero natahimik din nang bumaba si Clint sa hagdan.

"Mom, wala siya sa kwarto mo, wala rin sa guest room. Are you sure dito siya natulog? Baka umuwi na 'yun." Napailing ito. "Ang daya. May sasabihin pa naman ako sa kaniya." Para itong natalo sa sugal nang muling umakyat sa hagdan. Napatingin naman sa akin ang dalawa kong kaibigan na tila nagtatanong kung nasaan talaga si Chuck.

"Saan mo ba itinago ang jowa mo?" tanong ni Eden.

"Hindi ko 'yun jowa," tanggi ko saka umakyat ng hagdan para hanapin si Chuck. Baka nagtago 'yun sa closet. Mabilis namang nakasunod sa akin ang dalawa na naghahagikhikan pa. Leche! Mga tsismosa!

Akma ko ng bubuksan ang pinto ng aking kwarto nang tawagin ako ni Clint.

"Mom, narito sa kwarto ko si coach. Tulog, naghihilik pa," wika nito at muling pumasok sa kwarto niya.

Para akong nabunutan ng tinik sa narinig. Mabuti na lang at hindi ito nadatnan ni Clint sa kwarto ko. Hindi na ako tumuloy sa kwarto ko, pumunta ako sa kwarto ni Clint kasunod ang mga kaibigan ko.

"Kung alam ko lang na dito ka matutulog, hindi na ako umalis kanina. Marami akong ikukuwento sa 'yo, coach." Papalapit pa lang kami sa nakabukas na pinto ay dinig ko na ang boses ng anak ko. Nakatalukbong ng kumot si Chuck na waring ayaw ipakita ang mukha sa anak ko.

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon