Chapter 54

16.3K 161 1
                                    

Chapter 54

"Kung saan-saan kita hinanap, sweetheart. Halos mabaliw ako kahahanap sa 'yo." Mahigpit akong niyakap ni Chuck na animo'y ngayon lang kami nagkita pagkatapos ng mahabang panahon. Halos ayaw ako nitong pakawalan. "Never do that again. I can't afford to lose you." Hinalikan ako nito sa noo habang nakayakap pa rin sa akin.

Hindi ako makapagsalita, para akong nanghina sa kaalamang narito si Chuck pati na ang mga kaibigan ko na nakamasid lang sa amin. Panay lang ang agos ng aking luha. Hindi ko alam kung bakit nagpunta pa siya rito gayong nahanap na niya ang babaing nababagay sa kaniya.

Mayamaya ay may narinig akong tumikhim saka nagsalita. "So, tama nga ang hinala ko. Naglayas nga siya." Dinig ko ang boses ni Jack pero hindi ko ito pinansin, panay pa rin  ang tulo ng luha ko sa balikat ni Chuck. "Iuwi mo na siya sa parents niya, bro. Malamang nag-aalala na ang mga magulang niyan. Napakabata pa niya para maglayas."
"Shut up, Jackson!" singhal dito ni Chuck na ikinagulat ko. Sa tono ng pananalita ni Chuck ay tila kakilala nito ang may-ari ng hotel na ito.

"Paano n'yo nalaman na narito ako?" tanong ko nang marating namin ang kwartong tinutuluyan ko. Niyakap na naman ako ni Chuck nang makaupo ako sa sopa na parang ayaw man lang mahiwalay sa akin.

"Tinatanong pa ba 'yan, Ligaya?" sagot ni Patrick. Nakataas ang kaliwang kilay nito na tila pikon na pikon sa ginawa kong pag-alis.

"Maraming koneksiyon si Chuck, Ligs," saad naman ni Vivienne.

"Bakit ba kasi umalis ka ng walang paalam, ha, Ligaya?" Tinitigan ako nang matalim ni Eden. "Alam mo bang gabi-gabi nakikipagbasagan ng mukha sa bar 'yang jowa mo?"

"Girlfriend mo, bro?" Napatingin ako sa nagsalitang si Jack. Nakahalukipkip ito at malungkot na nakatingin sa aming dalawa ni Chuck.

"Oo," magkakasabay na sagot ng tatlo kong kaibigan kaya natahimik si Jack.

"Maiwan na muna namin kayo, Chuck, Ligs," wika ni Eden at tumayo na para lumabas ng kwarto.

"Hayaan mong magpaliwanag si Chuck, Ligaya. Hindi 'yong bigla ka na lang aalis nang walang paalam. Kakaloka ka. Ang guwapo, gusto mo pang pakawalan." Tumayo na rin si Patrick at niyaya si Vivienne palabas. "Sa edad mong 'yan, Ligaya, wala ka ng makikitang kagaya ni Chuck," pahabol pa nito kaya kinuha ko ang throw pillow at ibinato sa kaniya. Mabilis naman itong nakailag at tawang-tawa habang papalabas ng pintuan.

Nang makaalis ang tatlo kong kaibigan ay tumayo si Chuck at nilapitan si Jack para magpasalamat.

"Thanks, bro." Kinamayan nito si Jackson at tinapik sa balikat. "Mabuti at dito napadpad si Ligaya."

"Wala 'yun, bro," malungkot itong ngumiti kay Chuck. "Pero, bro, hindi kaya kasuhan ka ng mga magulang niyan? Ang bata pa ng jinowa mo." Napakunot ang noo ko rito. Hanggang ngayon ba naman nene pa rin ang tingin nito sa akin?

"Bukas ko na lang sa 'yo ipapaliwanag. I need to talk to her to make things clear between the two of us." Napatango na lang si Jack, nagpaalam ito sa amin at lumabas na ng kwarto.

Nang kaming dalawa na lang ang naiwan ay may inilabas ito mula sa kaniyang bulsa. Cellphone ko iyon, dinala niya ang cellphone ko. May pinindot siya roon at ipinakita sa akin ang picture. 'Yung picture na ipinadala si Zid.

"Kaya ka umalis dahil dito. Sweetheart, I—"

"You don't have to explain, Chuck, I understand."

"But, sweetheart, she's—"

"I know," kaagad kong sagot para hindi na marinig pa ang iba pa niyang sasabihin. Ayokong masaktan ako sa mga sasabihin niya. Unang tingin ko sa picture na iyon ay hindi ako naniwala, pero nang makita ko sila kung gaano kasaya sa restaurant ay halos gumuho ang mundo ko. Parang sa pangalawang pagkakataon, pakiramdam ko ay tinraydor akong muli.

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon