Chapter 5

31.9K 326 5
                                    

Chapter 5

Gayon na lang ang pagkagulat na naramdaman ko nang mapagsino ang taong kaharap ko. At ang inaakala kong pader kung saan tumama ang noo ko ay walang iba kundi ang matigas nitong dibdib. Natigilan ako ng ilang segundo habang nakatingin sa mukha nito na para bang nakikisimpatiya sa sakit na nararamdaman ko. Malamlam ang medyo bilugan nitong mga mata na hindi ko mawari kung galit dahil naningkit iyon kasabay ng paggalaw ng kanang panga nito. Kinabig niya ako payakap at isinandal ang ulo ko sa malapad niyang dibdib.

"What happened? Why are you crying?" tanong nito habang mahigpit na nakayakap sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pero parang nabawasan ang sakit na nararamdaman ko habang nakakulong ako sa mga bisig nito.
Masuyo nitong hinaplos ang likod ko na wari bang ipinararamdam sa akin na mayroon akong kakampi sa mga oras na iyon, na magiging okay lang ang lahat.

"Ang tagal kitang hinanap, dito lang pala kita matatagpuan," patuloy pa nito.

Ilang minuto rin kami sa ganoong ayos hanggang sa kumalas siya sa pagkakayakap. Hinawakan nito ang magkabila kong pisngi at
pinagmasdang maigi.

"Who made you cry?" Napalitan ng pag-aalala ang tila galit sa mukha nito. Muli na naman gumalaw ang mga panga nito nang walang marinig na sagot mula sa akin.

Hindi naman ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang
isasagot ko sa kaniya. Isa pa, alam kong hindi maganda ang kinalabasan ng huli naming pagkikita at alam kong galit ito sa akin.

"Damn! I hate seeing you crying." Niyakap niya akong muli at ilang segundo ang dumaan, inalalayan niya ako papasok sa nakaparadang kotse. Nagpatianod na lang ako dahil wala akong ibang makakapitan ng mga sandaling iyon kundi siya lang. Inayos niya muna ang seatbelt ko saka pinaandar ang kotse palayo sa lugar na iyon.

Wala kaming imikan habang nasa daan. Patuloy lang siya sa pagmamaneho na amino'y iginagalang ang pananahimik ko.

"Feeling better?" tanong nito nang itigil ang sasakyan sa tabi ng daan. Tumango lang ako.

"I'm sorry," sambit ko nang ilang minuto kaming walang imik sa loob ng nakaparadang kotse. Pinunasan ko ang aking pisngi gamit ang ibinigay nitong panyo kanina. "Pasensiya na sa abala."

"Huwag mong isipin iyon. Hindi ka abala sa akin." Tumunog ang phone nito na naroon sa dashboard pero mabilis niya iyong kinansela na hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag. "Bakit ka nga pala naroon kanina? Tirik na tirik ang araw tapos naglalakad kang mag-isa." Ngumiti ito saglit saka nagpatuloy, "mabuti na lang at hindi ka nasunog or else hindi na kita makikita pa."

Nasunog? Inirapan ko ito pero sige pa rin sa katatawa. Hindi talaga matanggal sa utak nito ang ideya na isa akong bampira dahil sa hitsura ko. Last time na magkausap kami hindi ito naniwala na tatlumpu't tatlong taong gulang na ako.

"I was surprised seeing you walking down that street in a broad daylight. May pangontra ka ba kaya hindi ka tinatablan ng araw?"

"Kung sana nga lang tinablan na ako ng sinag ng araw, ipagpapasalamat ko pa iyon." Tumigin ako sa labas ng bintana, ang kaninang tirik na tirik na  araw ay napalitan ng makulimlim na kalangitan na animo'y nakikiisa sa pighating nararamdaman ko. 

Mapait akong ngumiti nang sumagi na naman sa utak ko ang nasaksihan sa lobby ng building ni Mrs. Sayes. Muli akong tumingin sa gawi ni Chuck at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha nito. Waring naghihintay na magkuwento ako kung ano ang totoong nangyari.

"Nawawala ang driver's license ko kaya hindi ako makapag-drive. Nagkataon naman na walang dumadaang taxi sa lugar na iyon kaya wala akong choice kundi maglakad," pagdadahilan ko.

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon