(POV Eliana)
Marami akong gustong itanong kay Tristan, like kung may girlfriend na siya or ilang oras ang inuubos niya sa gym, but he just asked me to take our dinner muna dahil nagugutom na daw siya. Siya ang nagluluto ng dinner at nandoon lang ako para panuorin siya.
Kung di lang bwiset si Tristan, perfect na siya sa akin. Dream guy ko ang lalaki na marunong magluto.
Wala kaming kibo ni Tristan habang kumakain ng dinner. Di ko alam kung anong klaseng pagkain ang niluto niya, pero masarap. Di man siya nagsasalita but I know that he's studying me kung pasado ba ko sa panlasa niya.
"Tristan, ano bang nangyari kay Gwen?" tanong ko dahil kanina pa kami tahimik.
Staring contest kaming dalawa at talo ako dahil natutunaw ako sa bawat tingin niya. Akala ko, susungitan niya ko, but he just lowered his head na parang naguguluhan din sa mga pangyayari. Bakas sa mukha niya ang lungkot at pangamba.
"I really don't know. Gwenevere can turn into her true werewolf form kung gugustuhin niya. We can completely control our transformation, so it is a mystery kung bakit nawalan ng control si Gwenevere."
"How about me? Kailan yung sinasabi mo na Red Moon?"
"That would be a few months from now. That's why I need to talk to your parents as our wedding will be in Sweden."
"Sweden?"
"Well, technically, it is a werewolf wedding so your family is not allowed to be there. So I am going to speak with them and ask for a civil wedding instead."
Wedding in Sweden? Teka, saan ba na parte ng mundo ang Sweden? Ang alam ko lang sa Sweden ay isa itong European country.
"Tristan, tingin mo papayag ang mga magulang ko na magpakasal tayo?"
"Eliana, fourth year college ka na. You are not considered a minor. And besides, wala naman sila magagawa if I told them that you are pregnant."
"Pregnant? Sasabihin mo sa kanila na buntis ako?"
Pregnant agad? Wala pa nga ko first kiss tapos buntis agad?
"Kung kailangan ko sabihin yun, gagawin ko. Don't make it hard for me, Eliana. Gusto ko rin maikasal sa babaeng mahal ko someday and I'm sure hindi ikaw yun, pero may responsibilidad ako sa family ko. Gwen turned you into a werewolf so I have no choice but to take you as part of our family."
Alam ko naman na hindi niya gustong maikasal sa akin, pero kailangan pa ba niya na ipamukha sa akin? Nakaka hurt na itong gagong to ah!
Tumahimik ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit ako nasaktan sa huling sinabi niya. We are both strangers. Dapat wala akong attachment at pakialam sa kanya. Pero parang dinurog ang puso ko nang sinabi niya na hindi ako ang babaeng gusto niya pakasalan someday.
"Your parents, they will be taken care of. Gwenevere told me na naaawa siya sayo dahil mahirap lang daw kayo and you are skipping meals just to save money. My sister, she is kindhearted and she sees you as a charity case noong una ka niya makilala. She grew fond of you and you are like a sister to her that she never had. I can assure you that your parents will be well compensated."
"So trabaho lang sayo ito at walang personalan?"
"Parang ganun na nga."
"Okay, papayag ako sa kasal na yan. Pero pag kasal na tayo, magagaya ba ko kay Gwen? Hindi ko rin ba makokontrol ang pagiging werewolf ko?"
"You should be able to control your transformation, but I need to observe you further dahil baka magkaroon ka din ng biglaan na transformation. This is a puzzle na hindi ko din alam ang sagot sa ngayon."
"Yung nangyari kay Gwen, that is not normal right?"
Tumango lang si Tristan. Ipinaliwanag niya na hindi normal ang nangyari kay Gwen. May mga instances noon na nawalan ng control ang mga werewolves, pero rumors lang daw ito. Kaya daw na preserved ng matagal ang sikreto ng werewolf clan ay dahil maingat sila sa kanilang transformation.
Normally daw pag nag transform ang werewolf, they still have their humanity and they know exactly what is going on, pero mas enhanced lahat ng abilities nila. But with the case of Gwen, it is different. Gwen turned into a primeval being. Walang recollection ng past and all she has is her animalistic instinct.
"It was Gwenevere's blood that made you a werewolf, you are my responsibility now. I will do everything within my power to protect you. You don't need to worry about anything." mahinahon niyang sabi nang ma realize niya na nag aalinlangan ako sa mga nangyayari.
Though di ko masyado naiintindihan ang mga nangyayari, tumango na lang din ako kay Tristan. Kahit siya man ay hindi gusto na maitali sa isang tulad ko.
BINABASA MO ANG
Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]
Werewolf[COMPLETED] Ako si Eliana, isang college student na aksidente na naging werewolf. To avoid being stuck in a werewolf form, I was forced to marry a werewolf royalty named Tristan Eriksson. Being married to this werewolf prince is not a fairy tale af...
![Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/141400798-64-k94624.jpg)