(POV Eliana)
Pasikat pa lang araw ay nasa byahe na kami ni Tristan. Alam ko na mahaba ang byahe papunta sa Batangas kaya palagi ko kinakausap si Tristan para di siya antukin sa byahe.
"Paano mo nakilala si Lance?" tanong ko kay Tristan habang nasa expressway kami.
"The Werewolf Clan is quite small. Almost lahat ng nasa twelve families ay magkakakilala. I know Lancelot when we were kids. Both of our parents are good friends, best of friends actually. Madali kami nagkasundo and since walang kapatid si Lance, he treated me like his own brother."
"I noticed that he calls you Your Highness or Your Majesty several times. Inaasar ka lang ba niya?"
"Don't mind him, nature na niya na mang-asar."
"Tristan, I am sorry nga pala about kay Olivia. I was just guessing during that time at di ko alam na nag pakamatay talaga siya. You must have loved her so much and I am sorry if I offended you sa sinabi ko," mahina kong sabi sa kanya sabay bukas ng bintana.
Mas prefer ko ang hangin sa labas kaysa sa aircon sa loob ng sasakyan. Malaking part sa akin ang nasasaktan nang malaman ko ang heartbreak ni Tristan kay Olivia.
"I tried to erase that chapter of my life. Mahigit isang daan taon na ang nakalipas. Lancelot already moved on and I should be doing the same thing."
"That is quite hard if you are still in love with her. Mahirap mag move on kung mahal mo pa," sagot ko habang nakatanaw sa malawak na palayan.
"I am not in love with her anymore. Eliana, masyado kang seryoso pag lovelife ko ang topic. Ako ba ng three century old or ikaw?" natatawa niyang sagot sa akin.
Sa ilang linggo ko na pagkakilala kay Tristan, this man seldom smiles. Unlike Lance, serious ang personality ni Tristan as if palaging may problema sa mundo. He has this beautiful poker face na hindi ko mahulaan kung anong iniisip.
"Akala ko ba hindi mo ko tutulugan?" tanong ni Tristan sa akin na nagpamulat sa mga mata ko.
Pagtingin ko sa bintana, nasa Calatagan, Batangas na kami, my hometown. Sabi ko pa naman kakausapin ko si Tristan sa byahe para di siya antukin, pero wala pang ilang minuto nang binuksan ko ang bintana ay nakatulog na ako.
"Sorry na po. Patawarin mo na ako, Your Highness," mahina kong sabi sabay kusot ng mata ko. Napasarap ata yung tulog ko.
"Nasabi mo na ba sa parents mo na dadating tayo ngayon?"
"Tristan, ang sabi ko sa kanila kasama ko ang boyfriend ko pero di ko pa nasasabi na magpapakasal ako. Sorry ulit. Mukhang kailangan ko ng tulong mo para magpaliwanag sa kanya."
"Don't worry, I will handle everything."
Isang bungalow na tanaw sa dagat ang bahay namin. Di naman kami sobrang hirap dahil may ilang bangka na din na pag-aari ang tatay ko. Ang nanay ko naman ay may tindahan ng isda sa palengke.
Pagkaparada pa lang ng sasakyan ni Tristan sa tapat ng bahay namin, ilang kapit bahay namin na tsismosa na ang naglabasan. Hindi ko alam kung dahil sa expensive looking car ni Tristan o dahil may kasama akong gwapong lalake na hindi nababagay sa lugar namin.
Sinalubong kami ng tatlo kong kapatid pagpasok namin sa gate. Si Eliza, si Elmer at si Elcid. Nasa high school na silang tatlo at maasahan na ng aking mga magulang. Pagpasok ko sa bahay, nandoon si nanay at tatay na sinalubong kami ni Tristan, pero yung lamesa namin ay puno ng ulam na parang fiesta.
"Nay, matagal pa ang fiesta ah?" sabi ko sabay halik sa pisngi niya.
"Sus, siyempre kasama mo ang boyfriend mo. Dapat ipaghanda talaga namin siya ni tatay mo. Hijo, feel at home. Wala kaming aircon pero maginhawa dito kasi tabing dagat."
Alam ko na pinalaking mayaman si Tristan kaya nakakapagtaka na madali niya nakasundo si tatay at ang mga kapatid ko. He looks different in front of them. Isang masayahin at madaldal na Tristan ang kasama ko ngayon.
May dual personality ba talaga ang mga werewolf? Nasapian ba ni Lance si Tristan sa mga oras na ito?
"Eliana, excuse lang muna. Kukunin ko lang yung pasalubong nila. Elmer, pwede mo ba ko samahan?" tanong ni Tristan after namin mag early lunch.
Tumango lang si Elmer at excited na sumunod kay Tristan papunta sa sasakyan niya. Pagbalik nila ni Elmer, may dala na siyang napakaraming paper bags na may laman na shirts at sapatos.
"Hindi ko po sigurado kung tama yung sizes, si Elmer lang nagsabi sa akin," nakangiting sabi ni Tristan sabay abot ng pasalubong kay tatay.
"Naku, Tristan. Nag-abala ka pa. Mukhang imported ito ah? Sakto pang simba ko ito," excited na sabi ni tatay sa kanyang bagong rubber shoes.
Kahit ang mga kapatid ko at si nanay ay natuwa sa pasalubong ni Tristan. Hindi ko napansin na may mga paper bags pala sa likod ng sasakyan ni Tristan.
"Nag-uusap ba kayo ni Elmer?" bulong ko kay Tristan.
"I contacted him beforehand sa Facebook. I asked for your father's shoe size at pati na rin sa kanila. Alam na nila na may pasalubong ako. Ayaw mo ba?"
"Hindi naman sa ganun Tristan, pero sana di ka na nag-abala pa. Mukhang mahal pa yung mga binili mo. Wala akong pambayad dyan."
"Eliana, sinisingil ba kita? Don't worry about it. Magiging pamilya ko na din naman sila pag kinasal na tayo. Sa ngayon, ang problemahin mo kung paano ka magiging sweet sa akin dahil hindi tayo mukhang mag boyfriend. Try mo kayang maging sweet sa akin," bulong niya sa akin.
Yung mga labi niya, sobrang lapit na sa tenga ko at nararamdaman ko na ang init ng mukha ko dahil pamumula ko.
Hala! Paano ko magiging sweet kay Tristan sa real life? Sa isip ko lang kasi siya pinagnanasahan!
BINABASA MO ANG
Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]
Werewolf[COMPLETED] Ako si Eliana, isang college student na aksidente na naging werewolf. To avoid being stuck in a werewolf form, I was forced to marry a werewolf royalty named Tristan Eriksson. Being married to this werewolf prince is not a fairy tale af...