(POV Eliana)
Pagbukas ng elevator sa second floor, isang babae ang sumalubong sa akin at nagbigay sa akin ng tablet. It includes my training schedule at map ng buong facility. Nagsalita siya ng hello sa iba't ibang languages and she asked me to follow the map on the tablet. Kung tama ako, isang robot ang kausap ko.
Pagdating ko sa dulo ng corridor, binuksan ko ang pinto at isang malaking conference room ang tumambad sa akin na good for twenty people. May ilang mga babae at lalaki na ang nakaupo kaya umupo lang ako sa isang vacant na upuan. Lahat sila ay mukhang foreigners at dalawa lang ata ang pinoy.
Nang dumating na lahat ng trainees, biglang nag turn on ang isang flat screen monitor at lumitaw ang mukha ng isang foreigner na medyo may edad na.
"Welcome to Campbell Training Facility. I will be your training facilitator, Sherman Campbell."
Sherman Campbell. Sabi ni Tristan, anak siya ng First Heir na si Zachariah Campbell at apo ni Salathiel Campbell, the Alpha. Si Sherman ang nagsisilbing officer in charge sa buong training facility. In other words, Sherman is like the principal of this training school. He explained our objectives at brief background kung paano nagsimula ang training facility.
After matapos magsalita ni Sherman, nagulat na lang ako nang biglang lumitaw ang mukha ni Tristan sa screen. Kahit ang mga kasama kong werewolf newbies ay nagulat sa kanya, maybe because he is such a breathtaking view.
Nag share si Tristan ng maikling experience niya dito sa training camp. He encouraged us to be positive despite the fact na may kinaharap na problema ang werewolf clan.
"I understand that we experienced a great loss in our werewolf family, but it is imperative for us to stay strong and bonded throughout this dark and difficult time. Since this is your first day, our friendly Rosee will tour you first to our site. Make yourself feel at home as your three month training will commence today," pagtatapos ni Tristan.
Si Rosee ay ang robot na nagbigay sa akin ng tablet. She motioned us to follow her papunta sa mga iba't ibang lugar sa training camp.
"I noticed na pinay ka. I am Jera Wagner from the Croft family, and you are?" bulong ng isang babae na biglang lumapit sa akin habang naglalakad kami.
Mukhang nasa early thirties na siya at mukhang pinay. I doubt that she is an original werewolf. Katulad ko siguro siya na nakapang-asawa lang ng werewolf. But part of me is from an original werewolf dahil ancestor ko si Joah. And yet, Tristan warned me to never disclose this to anybody else as this can put me in danger.
"I am Eliana, but you can call me Elle. I am pleased to meet you Jera," nakangiti kong sagot sa kanya habang naka sunod kami sa robot na si Rosee.
"You look so young. Estudyante ka pa lang ba?"
"Kaka graduate ko lang po few months ago," nakangiti kong sagot sa kanya.
"Ako naman, I was married to my New Zealander husband for seven years now, pero since once a decade lang ang training, ngayon lang ako naka attend. Don't call me ate ha? Just call me Jera."
Isang batang lalaki with chinky eyes ang lumapit din sa amin. He looks like a high school student. He has a pair of eyeglasses at mukhang nerd. He looks Japanese, pero may halong pinoy.
"I am Akashi Kimura. Salamat naman at may pinoy din dito," bulong niya sa amin.
We introduced ourselves at sigurado ako magiging maayos ang training ko dahil friendly si Jera at Akashi.
Mukhang madaldal si Jera dahil naikwento na niya agad kung paano sila nagkakilala ng asawa niya at kung ano ang buhay niya sa New Zealand. Ang ability pala ng mga Croft ay concealed presence, pero dahil hindi Direct Heir ang napang-asawa ni Jera, wala silang ganitong ability.
Si Akashi naman ay galing sa prominent na Kimura family of Japan. Pinsan niya ang Direct Heir ng Kimura family. It seems that this young man knows about almost everything dahil mas madami pa kami natututunan sa kanya kaysa kay Rosee.
Umikot kami sa buong site at isa lang ang conclusion ko sa mga facilities dito, werewolves are designed to fight. Karamihan sa mga facilities dito are for training our strengths and agility. Tristan already taught me in advance nung nasa wall climbing gym kami.
"Kilala mo ba si Bianca Croft?" tanong ni Jera sa akin habang palabas kami ng swimming pool area.
"Sino yun? In laws mo?"
"Bianca Croft is the sister of the Direct Heir from the Croft family. Tignan mo yung babaeng may light brown hair na nasa unahan, siya yun. Since her father was a Direct Heir, she is treated like a royalty," sabi ni Akashi.
Naalala ko na naman ang mga bodyguards na umaaligid sa amin ni Gwen nung college pa lang kami. Lance and Tristan are both Direct Heirs, it means na bigatin sila sa mundo ng werewolf. Ang lakas ko pa naman batukan si Lance, he is also royalty pala.
"Elle, kanina ka pa kasi niya tinitignan," bulong ni Jera.
Even Akashi just nodded in agreement. Napansin ko na nga na kanina pa siya nakatingin sa akin, pero di ko lang binigyan ng pansin dahil di ko naman siya kilala. After namin umikot sa loob ng camp, pinapunta kami ni Rosee sa isang malawak na hall. Ang daming upuan at tables parang isang event hall sa isang hotel. Ang daming food din sa buffet table.
"This is called the Luna Hall. This is where our breakfast, lunch and dinner will be served. Ceremonies are often held at this hall. In other words, ito lang ang place na magkakaroon tayo ng peace of mind. Werewolf training is strenuous as far as I know," paliwanag ni Akashi habang kumukuha kami ng pagkain.
Nag stay kami sa isang vacant round table and I noticed na hiwahiwalay ang mga estudyante. We are divided in several groups. I am thankful dahil hindi ako nag-iisa at loner.
Sinubukan ko tawagan si Tristan para sabay na kami mag lunch pero di niya sinasagot ang tawag ko. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng lunch nang biglang pumasok sa Luna Hall si Sherman Campbell. May kasama siyang ibang mga babae at mga lalaki, siguro mga instructors and Tristan is with them. Nang makita ako ni Tristan, agad siyang lumapit sa akin.
"Tinatawagan kita. Hindi mo ba dala ang phone mo?" bulong ko sa kanya pagkalapit niya sa akin.
"I am sorry, it is on silent mode. I will join them for lunch. Let's talk later, Eliana," maikling sabi ni Tristan bago bumalik sa table nila.
Magsisimula na sana uli ako kumain pero bigla ko napansin si Jera at si Akashi na nakatingin sa akin. Even other students sa ibang table, di nila maiwasan na tumingin sa akin.
"Uhmmm, may problema ba? Bakit naka tulala kayong dalawa sa akin?" tanong ko habang kumakain.
"Close kayo ni Tristan Eriksson?" gulat na tanong ni Jera sa akin and even Akashi looked shocked.
"Hindi naman masyado, very very light lang," nakangiti kong sagot sa kanya.
Nakalimutan ko nga pala sabihin sa kanila na Eriksson ang last name ko. Nakalimutan ko din sabihin na asawa ko ang Royal Heir ng mga werewolf.
---
Akashi Kimura is inspired by Kio Kobayashi Reyes from Truly Madly Deeply Zombie.
BINABASA MO ANG
Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]
Werewolf[COMPLETED] Ako si Eliana, isang college student na aksidente na naging werewolf. To avoid being stuck in a werewolf form, I was forced to marry a werewolf royalty named Tristan Eriksson. Being married to this werewolf prince is not a fairy tale af...