(POV Eliana)
Olivia is alive again and now, we confirmed na may mga Werewolf na may affiliation sa demons. Tristan is in real danger dahil siya ang Royal Heir. Aside from the Alphas, Tristan is considered to be the most powerful Werewolf. Of course, excluding me and Joah.
Pinagpatuloy ko ang training ko, but I am carefully observing Tristan from afar. I'm worried that someone might do something behind his back.
"Elle, pinapatawag ka ng instructor natin sa conference room," sabi ni Akashi after our water training.
He did not ask anything, dahil aware na naman siya sa relationship namin ni Tristan. Bago kami pumunta ni Tristan sa Madrid noon, nagkaroon na kami ng water training kung saan tinuruan niya ko lumangoy ng mabilis, sumisid ng malalim at mag stay under water ng matagal.
Mabilis ako nag bihis at umakyat sa conference room kung saan ginanap ang unang orientation namin. Pagpasok ko sa kwarto, andoon si Tristan na nakaupo sa pinaka center chair. Nandoon din si Sherman Campbell, ang nagsisilbing principal ng training camp. Ang First Heir na si Meshach Eriksson at si Hezekiah Harrington ay katabi naman ni Tristan.
Nagulat ako nang makita ko si Janus Croft na nasa loob mismo ng conference room at si Sheldon Campbell. Kung bakit sila nandito kasama ko, hindi ko din alam.
Akala ko tapos na ang pagka gulat ko, pero mas lalo akong nagulat nang makita ko si Professor Joaquim Hidalgo na nasa dulong bahagi ng conference room. Nakaupo din siya sa center seat na katapat ni Tristan.
"Prof? Bakit kayo andito?"
Professor Joaquim was my professor back in college sa aming Biology, Chemistry at Physics class. Siya lang ang nag iisang professor sa university na nagtuturo ng three different subjects. Madalas kasi, isang field or subject lang ang specialty ng bawat isang professor.
"It is good to see you, Eliana," nakangiti niya na sabi sa akin at tumayo sa pagkakaupo.
Lumapit ako sa kanya at yumakap. Isa siya sa pinaka kwela at mabait na professor. Sobrang close namin ni Gwen at Lance sa kanya dahil siya din ang nagsisilbing coach ni Lance sa basketball. Siya lang at si Tristan ang tumatawag sa akin ng Eliana.
"Sir? Bakit ka na nandito? Don't get me wrong, I'm glad to see you, pero what exactly are you doing here?" tanong ko sa kanya sabay tingin kay Tristan.
"I want to see my favorite student. Bawal ba?"
"Sir, si Lance ang favorite mo, hindi kami ni Gwen."
Tristan faked a cough bago pa naka sagot si Sir Joaquim. Tristan asked us to take our seat. Umupo ako sa upuan malapit kay Tristan.
"You should know by now why your professor is here," sabi ni Tristan sa akin, but I just shook my head dahil wala akong idea kung bakit andito siya.
Sir Joaquim just smiled at me and within seconds, I was filled with images na parang isang vision, isang holographic movie right before my eyes. Katulad ito ng nakita ko noon na vision about sa triplet cousins ni Lance. The only difference, everyone in the room suddenly became frozen like a statue. Someone must have froze the time.
![](https://img.wattpad.com/cover/141400798-288-k94624.jpg)
BINABASA MO ANG
Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]
Werewolf[COMPLETED] Ako si Eliana, isang college student na aksidente na naging werewolf. To avoid being stuck in a werewolf form, I was forced to marry a werewolf royalty named Tristan Eriksson. Being married to this werewolf prince is not a fairy tale af...