Chapter 33 - House

15.2K 524 17
                                    

(POV Eliana)


Akala ko uuwi na kami ni Tristan sa ancestral house nila pero nag land ang helicopter sa isang malawak na greenfield. Parang isang malaking private property. May two storey house na nasa tabi ng river. May sarili pang boathouse at pier na parang isang rest house. Pumasok kami ni Tristan sa loob ng bahay pero walang tao na sumalubong sa amin.


"Eliana, this is my house. Technically, this is yours too."

"Ang ganda naman ng bahay mo. Mag isa ka lang dito?" tanong ko habang pinagmamasdan ang buong bahay.


Napaka linis at modern lahat ng features. It has a minimalistic design at parang isang elegant na bahay ng isang rich bachelor.


"For almost three decades na ko nakatira dito. Wala ko kasama, I prefer to live alone. I'm moving to other places kung may makaka recognize na sa akin."

"Three hundred years old ka na nga pala. Ilan taon na parents mo?" tanong ko sabay bukas ng fridge.


Napaka daming laman na chocolates at since this house is technically mine too, kumuha ako ng ilang chocolates para kumain. Di naman ako pinigilan ni Tristan dahil mukhang sanay na siya na palagi ako gutom.


"My father is almost a millennia old. Akala nga niya, hindi na sila magkakaanak ng mommy ko. That's why Meshach was so happy nang pinanganak ako."

"Your father is the pureblood werewolf di ba? Saan niya nakilala ang mommy mo?"

"My father is adventurous. He is always traveling to different places when he was young. Napadpad siya sa Pilipinas when it is not even called Philippines yet. He met my mom and he asked her to travel with him to Europe."

"So dinala ng daddy mo ang mommy mo sa Europe for a werewolf wedding?"

"Not really, my father bought my mother as his slave kaya dinala siya pabalik sa Europe."

"Slave? As in sex slave?"

"Eliana, uso ang alipin noong unang panahon. Bakit sex slave agad ang iniisip mo?" sabi ni Tristan sabay hila sa akin paakyat sa second floor.


May tatlong malalaking kwarto sa second floor. Ang pinaka malaki ay yung mismong master's bedroom ni Tristan.


"Dito mo siguro dinadala mga chicks mo?" tanong ko sabay higa sa kama niya.


Si Tristan naman ay tumabi din sa akin. Pareho kami nakahiga sa kama at nakatingin sa white ceiling. I can still smell his perfume sa bed sheets at sa unan.


"Eliana, dinala kita dito. Does it mean na chicks na kita?"

"Pwede din, pero selosa ko kaya gusto ko sa akin ka lang," biro ko sa kanya.


Pagtingin ko sa kanya, he's already staring at me. Gusto ko ibaling ang tingin ko sa iba, pero parang may mysterious compelling force ang mga mata niya. I was stuck and I can't move. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko na parang sasabog anytime.


Bakit ba nangyayari sa akin ito kapag nakatingin ako sa mga mata niya?


Naramdaman ko na lang na unti unting lumalapit ang mukha ni Tristan sa akin. My whole body is anticipating for his kiss, but he stopped halfway when his phone rings. Tumayo si Tristan sa kama at sinagot ang phone niya.


"Lancelot, siguraduhin mo na importante ang tawag mo---"

"What! That's not possible! Werewolves are immortals..."

"How many?"

"I am sorry Lancelot. I will talk to Meshach about this. Thanks for informing me. Sasabay na kami ni Eliana sayo sa Saturday night."


Umupo si Tristan sa kama at mukhang hindi magandang balita ang sinabi ni Lancel sa phone. He looks upset and worried at the same time.


"Tristan, ok ka lang ba? What happened?" tanong ko at umupo ako sa tabi niya.

"I don't know, Eliana. Hindi ko na alam ang mga nangyayari," mahinang sabi niya as he put his palms on his face.


Tumayo ako sa harapan niya at niyakap ang mukha niya papalapit sa akin. Hindi ko din alam ang nangyayari, pero alam ko na nasasaktan si Tristan sa mga oras na ito. He may not be crying, but I can feel his despair kaya dahan dahan kong hinaplos ang buhok niya. He does not look like a three hundred year old creature dahil para siyang isang bata na puno ng lungkot.


"Nandito ko para sayo, Tristan. We may not be a true couple, pero kasal na tayong dalawa. I will always be here. Feel free to tell me your problems," bulong ko sa kanya.

"We need to go back. I need to talk to Meshach as soon as possible. Thanks, Eliana," he whispered back and kissed my forehead.


Tristan asked me to follow him. Mukhang nagmamadali bumalik si Tristan sa ancestral house. Kung ano man ang sinabi ni Lance, I think this is a life and death situation.

Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon