Chapter 32 - Uppsala Cathedral

15.6K 552 18
                                    

(POV Eliana)


Kaya pala ako pinapatulog ni Tristan dahil ang fire ritual ay isang energy consuming na event. Para akong lantang gulay pagpasok ko sa kwarto namin. Yung sugat ko na gawa ng glass blade, bigla din naglaho as if walang nangyari.


"Kaya kapag sinabi ko na matulog ka, sumunod ka," sabi ni Tristan na inalalayan ako humiga.

"Papaluin mo ba ko sa pwet pag di ako sumunod?"

"Pwede din. Good night, matulog ka na. Aalis tayo ng maaga."

"Wait, saan ka pupunta? Di ba nag-usap na tayo na dito ka matutulog? Ayaw mo ba ko katabi?"

"May aasikasuhin lang ako. Babalik din ako agad."


Aasikasuhin? Madaling araw na ah?


Pero tumango lang ako dahil wala din ako powers na pigilan siya. Maliwanag na nang magising ako, wala si Tristan sa tabi ko pero nakayakap ako sa dambuhalang aso. Kaya pala ang sarap ng tulog ko, may malaki akong werewolf na katabi na nagsisilbing teddy bear ko.


"Tristan? Bakit nasa werewolf form ka?" sabi ko habang hinahaplos ang ulo niya. Kapag nasa ganitong anyo siya, di ko talaga mapigilan na hawakan ang kanyang soft and fluffy fur.

I am always sleeping naked. Mas prefer mo naman siguro na katabi ko sa werewolf form ka kaysa nakahubad ako di ba?

"Wag kang assuming, Tristan. Malay mo naman mas type ko yung isa mong form."

Really huh?

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang hinahaplos pa din ang fur sa batok niya.

Magbihis ka na. Sa city na tayo mag brebreakfast.


Bumaba si Tristan sa kama at biglang nag anyong tao. I have a clear view of his naked back. Now I can confirm that I prefer this form more than anything else.


"Eliana, sabi ko mag ayos ka na, aalis na tayo. Are you still admiring my gorgeous behind," sabi ni Tristan habang naghahanap ng damit sa closet.


Kung paano niya nalaman na nakatulala ako sa kanya kahit nakatalikod siya, hindi ko din alam.

Hindi limousine ang gamit namin kundi helicopter. Malamang medyo may kalayuan ang pupuntahan namin. Dinala ako ni Tristan sa isang cathedral sa gitna ng city na may mataas na twin tower spire.


"This is where we will get married," sabi niya nang makapasok kami sa loob ng simbahan.

"Dito sa church? Akala ko kakaiba ang Werewolf Wedding?" tanong ko kay Tristan habang nakatingin sa napakataas na round ceiling ng church. Sobrang taas to the point na nakakalula na.

"The church wedding symbolizes our respect to the Creator. Most of our family members used this church way back in 13th century."

"Pero we still have the air and earth ritual di ba?"

"The Earth Rite will be held after the church wedding. It's a grand feast na sigurado ako na pinaka hihintay mo."

"Grabe ka naman, matakaw ba ako?"

"Gwenevere told me kung gaano ka katakaw. She even wants you to be her sister-in-law before ka pa niya kagatin. She keeps pushing me na bumalik sa Pilipinas para makipag date sayo."


Sister in law? Binebenta ba ko ni Gwen sa kapatid niya? Kailangan ng maging tao ni Gwen para makapag pasalamat ako sa kanya!


"Wala naman masyado sinasabi si Gwen about sayo. Alam ko nga lang, naka based ka sa Sweden. Pinakita niya sa akin yung iba mong pictures once. Hindi ko alam na binebenta na pala ako ng beshie ko sayo."

"My little sister is such a sly witch. She's even sending me your pictures from time to time," nakangiti na sabi ni Tristan.


He showed me his phone at nakita ko ang ilang pictures namin ni Gwen together. Yung pictures namin during our fieldtrip, yung pictures namin sa school, pati yung mga pictures namin during our selfie time ay sinend ni Gwen sa kuya niya.


Sasabunutan ko talaga ang babaeng yun kapag naging tao na siya! Kung alam ko lang na isesend niya kay Tristan ang pictures ko, sana nag make up ako!


"Siguro kaya di ka bumabalik sa Pinas kasi di mo ko type noh? Sabagay, sabi nga ni Astrid, hindi ako yung type mo."

"Eliana, hindi ako bumabalik sa Pilipinas dahil marami ako inaasikaso. I was busy visiting different werewolf families."

"Bakit ka bumibisita sa ibang mga werewolf families? Ano ka prinsipe ng Werewolf Clan at umiikot sa kanyang nasasakupan?"

"I am like a diplomat. It is my mission na puntahan ang bawat werewolf family at bisitahin ang mga First Heirs. Hindi man ako pumunta dito sa Pilipinas to visit you or my sister, but it does not mean that I dislike you."

"Pssssh! Don't sugar coat your words, Tristan. Hindi mo ako type, period. Gusto mo siguro red hair noh? Next time bibili ko ng hair color. Magkukulay ako ng red!" sabi ko sa kanya habang naglalakad papunta sa front altar, pero bigla niyang hinila ang braso ko palapit sa kanya.

"You're hair already is perfect. Wag mo na kulayan ng red," nakangiti na sabi niya sa akin at biglang hinaplos ang buhok ko na para na naman akong aso.

Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon