Chapter 2 - Gwenevere

27.1K 810 50
                                    

(POV Eliana)


Sa makabagong panahon, wala pa din solid proofs na nag-eexist ang werewolf. Walang videos at walang tangible evidence na makakapag sabi na totoo sila.


Likhang isip lang ba sila ng mga ancient storytellers at fiction writers noong unang panahon?

Or sadyang tinatago ng mga werewolves ang kanilang identities?


Sabi sa myths, ang pagiging werewolf ay isang curse kaya sila nag tatransform during fullmoon. But that is not the case, it was the exact opposite.

Being a werewolf is a blessing, a privilege. At hindi ko inaasahan that I will be part of this well protected lineage.


Ako nga pala si Eliana Leticia De Vera or Elle for short. Isang probinsyana na pinag-aral ng aking mga magulang sa Metro Manila para makaahon sa kahirapan. Dito ko nakilala si Gwenevere Eriksson, isang half Swedish and half Filipino na naging bestfriend ko since first year college.

Gwen has this light brownish hair and a pair of light brown eyes that will make you look at her twice. Everything about is very regal. In other words, she's like a princess.

Naging classmate ko si Gwen sa isang subject at doon nagsimula ang aming friendship dahil sa dami ng common factors namin. Feeling ko, soulmate ko na ang babaeng ito. Hindi ko akalain na ang isang maganda at mayaman na babae na tulad niya ay magiging isang kaibigan ko.

Imbes na sa dorm ako tumira, she asked me to stay in their house dahil wala daw siyang kasama. For more than three years, nakatira ako sa isang malaking bahay kasama si Gwen. In return, tinutulungan ko siya sa mga gawaing bahay.


Maraming mystery na bumabalot kay Gwen.

Una, wala sa bahay nila ang parents at kapatid niya. Tatlong taon na ko dito sa mansion nila pero kahit anino nila ay di ko nakikita.

Pangalawa, di lingid sa akin na may ilang lalaki na naka suits na umaaligid sa school at sa mansion nila Gwen. She's not bothered by it kaya pakiramdam ko, isang royalty ang kaibigan ko na maraming bodyguards from afar.

Pangatlo, may mga gabi na umaalis si Gwen. Hindi niya sinasabi kung saan siya pumupunta. Di na ko nagtanong pa dahil tinanggap niya ko ng buong puso kaya ganun din ako sa kanya.


Pero isang araw, di ko inaasahan na papalayasin ako ni Gwen sa bahay nila out of nowhere. She did not tell me why, but she wants me out. She even told me that she doesn't want to see my face ever again.

Masakit sa akin ang binitawan na salita ni Gwen dahil parang kapatid na din ang turing ko sa kanya. Palaisipan sa akin kung bakit niya ginawa yun pero sinubukan ko na lang siya unawain.


"Have you heard the news? Di daw pumapasok si Gwen dahil isang linggo ng may sakit?" sabi ng isang classmate ko.

"Oo nga daw at ayaw daw magpadala sa hospital. Ikaw Elle, di ba bestfriend mo si Gwen? May alam ka ba kung bakit siya absent?"


Umiling lang ako sa kanila dahil hindi ko din alam. Kasabay nang pagtataboy niya sa akin sa bahay nila, bigla din na hindi na siya pumasok sa school. Sa school dormitory ako ngayon tumutuloy.

Pagdating ng hapon, minabuti ko na puntahan si Gwen. Kung totoong may sakit siya, wala siya kasama sa bahay at walang tao na mag-aalaga sa kanya. Misteryo sa akin kung nasaan ang magulang ni Gwen. Palagi siya nag chachange topic kapag dun napupunta ang usapan.

Dahil may susi pa din ako ng mansion nila Gwen, madali ako nakapasok sa bahay. Nagulat na lang ako nang makita ko ang living room. May punit ang mga sofa bed at basag ang flatscreen TV. Kahit ang mga wooden chairs ay sira sira din.


Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko sa mga oras na yun. Alam ko na nasa peligro si Gwen. Mabilis akong umakyat sa kwarto niya. Bawat hakbang ko ay may halong takot at kaba. Naiisip ko na ang mga worst case scenarios na pwedeng mangyari sa kanya.

Pagbukas ko ng pinto, napansin ko agad na nasa corner ng kwarto si Gwen at nakaupo sa sahig. Nakatago ang kanyang mukha sa pagitan ng kanyang hita. She looks fine except for the fact that she is naked. Iniisip ko pa lang na may nagtangka na gumahasa sa kanya ay naiiyak na ako.


"Gwen? Anong nangyari? Ok ka lang ba?" tanong ko habang papalapit sa kanya.


Pero napatigil ako sa paghakbang nang makita ko ang mga mata niya. From her brown eyes, I am now looking at a pair of glowing yellow eyes.


Sa isang iglap, nasa harapan ko na si Gwen at biglang kinagat ako sa leeg.


Fuck, vampire ba si Gwen?

Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon