Chapter 9 - Lance

16.4K 575 21
                                    

(POV Eliana)


Tristan never failed to amaze me. Siya ang nagluluto ng food namin at inaasikaso niya ko na parang isang girlfriend. But I know that he's just doing his responsibility. He probably felt guilty dahil naging werewolf ako ng di inaasahan. Medyo nawala na din ang animosity namin sa isa't isa kaya madalas kaming nag kwekwentuhan.


"Hindi kita masusundo mamaya. Will you let me know kung nakauwi ka na?" sabi ni Tristan pagdating namin sa school.


Tumango lang ako sa kanya. Pag labas ko ng kotse, di ko inaasahan na sasalubungin ako ni Lance, one of my closest friends.


Si Lance Harrington ay classmate namin ni Gwen. He has this straight blonde hair and alluring smile. Maraming babae ang humahabol sa kanya dahil part time model din siya. He has a handsome face pero may earring siya sa left ear kaya mukha siyang badboy.

Sobrang sweet sa akin ni Lance at parang aso kung sumunod sa akin. Siguro kasi alam niya na hindi maeescalate sa higher level ang relationship namin.

Lance is a good friend of mine bago ko pa makilala si Gwen. Alam ko din na si Lance ang isa sa mga reasons kung bakit ako unang nilapitan ni Gwen noon...


Flashback - Three years ago...


"Haaay, kailan kaya ako mapapansin ni Lancelot? Kailan kaya niya ko mamahalin?" sabi ni Gwen habang nasa basketball gym kami at nanunuod ng practice game ni Lance.

"Gaga, gumising ka nga sa kahibangan mo. Alam mong playboy yan, paglalaruan ka lang niyan," sabi ko sabay sabunot ng bahagya sa kanya.

"But Elle, I really love him. Kahit konting pagtingin lang na galing sa kanya, masaya na ako. Wait, palapit na si Lance sa atin. How do I look?" excited na sabi ni Gwen.

"You look fabulous as ever," I whispered and then sighed.


Naaawa ako kay Gwen kasi alam ko na mahal na mahal niya si Lance, pero si Lance naman ay walang balak suklian ang pagtingin niya.


"Hello beautiful ladies. Are you here to see me?" tanong ni Professor Joaquim na basketball coach ni Lance nang lumapit sa amin.


Si Professor Joaquim ang isa sa pinaka kaclose namin na professor dito sa university dahil napaka kalog niya kausap.


"Prof, mas gaganahan ako magpractice kapag may chicks na nanunuod sa akin," nakangiting sabi ni Lance.

"Hi Lance, I baked these chocolate chip cookies for you and for your teammates. Sana magustuhan mo. Andyan na din yung brownies na special request ni Prof Joaquim," excited na sabi ni Gwen sabay bigay ng paper bag kay Lance.

"Wow, thanks Gwenevere. Bakit ba ang sweet mo unlike nitong babaeng katabi mo? Walang kahit anong traces ng sweetness sa katawan. Hanggang seven pa pala ang basketball practice namin kasi Friday ngayon. Mahihintay niyo ba ako?"

"Hoy Lance, two hours mo kami paghihintayin ni Gwen dito? Ano ka swerte? Magbyabyahe na lang kami pauwi."


Ang bahay kasi ni Lance at ni Gwen ay nasa same subdivision lang kaya kasabay namin umuwi si Lance. Kahit may sasakyan si Gwen, hindi niya ginagamit dahil gusto niya palagi kami sumasabay kay Lance. Naging super close na din kaming tatlo sa isa't isa sa loob ng tatlong taon. Kahit si Professor Joaquim ay naging kaibigan naming tatlo.

Alam ko mahal ni Gwen si Lance, but I can feel that Lance is intentionally pushing her away. Pinapamukha niya kay Gwen na isang siyang playboy, that she does not deserve a man like him.


"Pero umuulan, Elle. Hintayin niyo na ko ni Gwen please please please?" nakikiusap na sabi ni Lance sabay yakap sa braso ko na parang bata. Si Prof naman ay nagsisimula nang kumain ng brownies.

"Dun ka nga Lance, pawis ka eh! Pinapahid mo yung pawis mo sa braso ko eh!"

"Hindi kita bibitawan hanggang di ka pumapayag. Gwenevere, di ba hihintayin niyo ko?" nakasmile na tanong niya kay Gwen.

Alam ng mokong na ito na hindi siya matatanggihan ng kaibigan ko. User din si gago.

"Of course, we will wait for you, Lance."

"Ayos! Panuorin niyo na lang ako sa practice game ko para magkaroon kayo ng inspiration," sabi ni Lance sabay wink sa amin.


Alam ko na mangyayari ito dahil madalas hinihintay namin si Lance kahit gabi na ang practice niya. In return, nililibre kami ni mokong kung saan saan.

Months passed and the three of us developed an unusual friendship. Unusual kasi more than friends ang turing ni Gwen kay Lance and I have a feeling that he is the reason why Gwen decided to attend this school.

Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon