Chapter 62 - Twelve

13.3K 480 7
                                    

(POV Eliana)


Pagtapos namin ng lunch, pumasyal kaming tatlo sa labas ng training camp malapit sa may ilog. We have few hours to spare dahil sa hapon pa magsisimula ang training namin.


"Elle, how are you exactly related to the Royal Heir?" tanong ni Akashi sa akin.


Hinahawakan niya ang tubig sa ilog na parang bata. Si Jera naman ay nakaupo sa malaking bato at nag-eenjoy sa malamig na hangin.


"Si Tristan? He's my husband," mahina kong sagot kay Akashi.


Both of them gasped as if nakakagulat na bagay ang sinabi ko. Kulang na lang lumuwa ang mata nila sa gulat.


Wala ba sa hitsura ko na pwede akong wife ng isang Royal Heir? Gusto ko pag-untugin ang dalawang newbie friends ko sa ngayon!


"Ikaw ang asawa ni Tristan Eriksson? Hindi ko alam na kasal na ang mahal na prinsipe," sagot ni Jera.

"I heard from my father about his wedding a few months ago. It is a pleasure na maging kaibigan ang asawa ng Royal Heir," nakangiti na sagot ni Akashi.


Based sa reaction nilang dalawa, it seems they highly respect Tristan. Alam ko na isang Royal Heir si Tristan dahil siya ang current Direct Heir ni Ezra, pero I did not take it seriously. Di ko akalain na prinsipe pala talaga ang turing ng mga werewolf sa kanya. Kaya pala ko tinanong ni Tristan noon kung gusto ko mag-asawa ng royalty, he is indeed one pala.


"Paano kayo nagkakilala ni Tristan?" excited na tanong ni Jera habang naka Indian sit pa rin sa ibabaw ng malaking bato.

"Bestfriend ko yung kapatid niya na si Gwen," maikli kong sagot.


I can't let them know na accident ang wedding namin ni Tristan. Hindi dapat nila malaman na napilitan lang ang Royal Heir na pakasalan ako.


"Gwenevere Eriksson, the only daughter of the previous Royal Heir Tyrone Eriksson. She's famous in the werewolf world. After ng training niya dito, she trained with different First Heirs. She is one of the best werewolves, academically speaking. She is also skilled when it comes to fighting at kilala siya bilang Warrior Princess," paliwanag ni Akashi.


Si Gwen ay may codename na Warrior Princess? Eh hindi makabasag pinggan ang babaeng yun!


Gwen is prim and proper at parang isang delicate na China ware. Parang isang prinsesa na na soft spoken at very patient. Kahit nakikita niya palagi si Lance noon na maraming kasamang chicks, she remained calm and understanding, kahit medyo gigil na siya. Hindi ko akalain na may tinatagong rough side ang beshie ko.


"Tristan Eriksson naman is the most powerful werewolf next to the Twelve Alphas. He is considered as a prince as Ezra served as our king. Unlike other Direct Heirs, Tristan is very secretive. Mysterious ang kanyang buhay. Even his wedding is only attended by close family members," dagdag pa ni Akashi.

"Guys, sana wag niyo sabihin sa iba na asawa ko si Tristan. He was asked by Zachariah Campbell to handle a specific class at ayoko ng complications kapag nalaman ng ibang estudyante na asawa ko ang lalaking yun."

Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon