(POV Eliana)
Pinakita sa akin ni Eliza ang pasalubong sa kanya ni Tristan. Mga ilang blouse, perfume at make-up na mukhang mamahalin.
"Ate, saan ba makakahanap ng mayaman na boyfriend? Tignan mo si Kuya Tristan, ang dami pasalubong sa akin. Si nanay nga may bagong cellphone. Inggit na naman sa kanya ang kanyang mga kasama sa palengke."
"Mag-aral ka muna mabuti, ang boyfriend dadating din yan," sabi ko habang tinitignan ang mga nasa paper bag.
Buti pa si Eliza may gift kay Tristan, samantalang ako kahit isang ballpen na gift wala? Hmmp!
"Pero ate, ang pogi talaga ni Kuya Tristan. May breed ba siya?"
"Breed? Ano siya aso? Half Swedish kasi si Tristan kaya ganun. Yung father niya Swedish, yung mommy niya Filipina."
"Ahh di ba sa Europe yun? Kapag nagkaanak kayo eh di magkakaroon ako ng pamangkin na foreigner."
Pamangkin na foreigner? Baka pamangkin na werewolf?
Teka, kapag kinasal ba kami Tristan ay kailangan na may mangyari sa amin? Shit, ayoko isipin. Baka sabihin niya excited ako!
Paglabas ko sa living room, wala na si Tristan. Si nanay lang ang nagliligpit sa lamesa. Hindi maitago ang ngiti sa mukha ni nanay dahil sa kanyang bagong phone.
Buti pa si nanay may phone, yung phone ko puchu puchu lang!
"Nay, asan po si Tristan?"
"Kasama ng tatay mo, naglalakad sa tabing dagat. Narinig ko mag-uusap daw silang dalawa."
"Uhmmm, nay. May sasabihin sana ko sayo," mahina kong sabi habang tinutulungan siya magpunas ng pinggan.
"Buntis ka ba anak? Kaya ba biglaan ang pagdating ni Tristan dito?"
"Po? Hindi po, hindi po ko buntis, pero..."
Grabe naman si nanay! Buntis agad? Ganito ba talaga mag-isip ang mga magulang?
"Anak, malaki ka na at may tiwala naman kami ng tatay mo sayo. Si Tristan naman ay mukhang mature at maaalagaan ka niya. Siya ba yung kuya ni Gwen?"
"Opo, siya nga po. Mabait naman po si Tristan. Medyo moody pero maalaga naman po saka may tiwala ako sa kanya."
"Elle, mukhang mayaman ang lalaking yan. Malayo ang agwat niyo sa isa't isa, pero sigurado ako na hindi issue yun kay Tristan. Napaka humble at napaka galang. Magugustuhan yan ng tatay mo."
Bago pa ko makasagot, dumating na si tatay at si Tristan. Tumingin ako kay Tristan and he just smiled at me as if assuring me na everything went fine. Tulad nga ng inaasahan ko, napapayag ni Tristan ang mga magulang ko na magpakasal kami sa huwes the next day.
"Nagpropose na ko kay tatay, pumayag naman siya na pakasalan kita," sabi ni Tristan habang naglalakad kami sa beach.
Bakit ka kay tatay nagproprose? Di ba dapat sa akin? Pambihira!
"Tristan, anong sabi mo? Bakit pumayag agad?"
"Sabi ko, since sa amin ka nakatira, hindi magandang tignan na para tayong nag lilive-in ng walang kasal. Naintindihan naman ni tatay at pumayag siya na bukas na mismo tayo ikakasal."
"Bukas agad? Wait lang, di ako prepared."
"Ano tingin mo ginagawa ko habang nasa university ka? I am already preparing for our wedding in advance. I already assured your parents na dito din mismo sa Batangas gaganapin ang church wedding natin pagka graduate mo."
"Teka, wait nga lang ulit. Wala akong damit at sapatos na maayos. Pants at shirts lang ang damit ko dito."
Pero imbes na sumagot, nginitian lang ako ni Tristan. Pumunta kami sa sasakyan niya at hindi ko inaasahan na dala na din niya ang isang simple white wedding dress at shoes. Simple lang pero sigurado ako na expensive ang mga ito based sa brand ng damit. May ilang semi formal na damit din na nasa paper bags. Malamang para yun sa mga kapatid at sa mga magulang ko.
"Tristan, mukhang mahal yung mga binili mong damit," bulong ko sa kanya habang nasa tapat kami ng dagat.
"Eliana, this is not your wedding alone. This is also my wedding. I want it to be special as this is a once in a lifetime event."
"Kahit napilitan ka lang?" tanong ko sa kanya while looking at him.
"Oo, kahit napilitan lang ako," nakangiti niyang sagot while tapping my head na para na naman akong isang aso.
"Tristan..."
"Eliana, I want to say I am sorry. Hindi ako nakahingi sayo ng tawad sa mga nangyari. I was consumed by my anger dahil sa forced wedding na ito at hindi ko man lang naisip kung anong mararamdaman mo. I know it is already late, can you forgive me?" tanong niya while looking at me.
"Hindi naman ako galit sayo, Mr. Eriksson."
"You are not going to back out to our wedding? Do you still want to marry me?"
Tumango lang ako sa kanya habang nakangiti. Gusto ko siya yakapin sa mga oras na ito, pero hindi naman kami lovers. We are not even friends.
Just two strangers caught in this werewolf mystery...
BINABASA MO ANG
Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]
Werewolf[COMPLETED] Ako si Eliana, isang college student na aksidente na naging werewolf. To avoid being stuck in a werewolf form, I was forced to marry a werewolf royalty named Tristan Eriksson. Being married to this werewolf prince is not a fairy tale af...