(POV Eliana)
Pagkagising ko, nag-aalmusal na si Tristan kasama si nanay at tatay. Alam ko nakayakap sa akin si Tristan. Gusto ko pa naman namnamin ang yakapan portion namin kagabi kasi ang bango niya, kaso nakatulog ako.
"Sigurado ka ba na papakasalan mo ang anak ko? Tignan mo at tulo pa ang laway kapag natutulog," biro ni tatay kay Tristan.
"Wala po akong choice. Nabihag na ni Eliana ang puso ko," nakangiti niyang sagot.
"Grabe ka naman tay, di naman po tulo laway ko," dagdag ko sa kanila sabay pahid sa bibig ko in case may panis na laway nga ako.
Maagap pa lang ay pumunta na kami sa office ng isang judge sa bayan. Ang buong pamilya ko lang ang nandoon kasama ang dalawang kaibigan ng tatay at nanay na magsisilbing witness sa kasal namin.
"Asan na si Tristan?" tanong ni Judge Puno na wedding officiant namin pagdating namin sa office niya.
"Ate, baka nauntog at umatras na sa kasal," natatawang bulong ni Elmer. Babatukan ko pa sana si Elmer pero biglang dumating si Tristan kasama si Lance.
"Ate, sino yung kasama ni Kuya Tristan? Artista ba yun? Grabe, nahulog ata ang panty ko," sabi ni Eliza na kulang na lang himatayin sa pagkakita kay Lance. Si Lance naman ay nakangiti na lumapit sa akin.
"Lance? Hindi ko alam na dadating ka. This is my sister, Eliza nga pala," pakilala ko sa kanya.
Imbes na makipag shake hands, Lance hugged my sister at kulang na lang maging kamatis ang mukha ni Eliza sa kilig. Pinakilala ko din siya sa iba kong kapatid at kahit sa parents ko.
"Elle, andito sana ko para pigilan ang kasal niyo ni Tristan, pero mukhang hindi na papayag ang mahal na prinsipe."
"Teka, sino kasama ni Gwen?"
"Don't worry, I have some trusted men who are looking after her. Babalik din ako agad dahil chopper lang ang dala ko. I just don't want to miss this wedding."
"Chopper? As in helicopter?" tanong ko sa kanya, pero ngumiti lang sa akin si Lance na parang normal lang sa kanya ang isang helicopter.
Mabilis na natapos ang kasal namin dahil scripted ang wedding vows. Inaabangan ko pa naman ang first kiss namin ni Tristan as husband and wife, pero isang mabilis na smack sa lips lang ang nakuha ko.
Teka, bakit ako na disappoint?
Siguro kasi yung first kiss ko smack lang. Tsk...
After ng kasal namin, Tristan made a reservation sa malapit na restaurant sa isang beach resort. Si Lance naman ay nauna nang umalis sakay ng kanyang chopper. Pagdating ng hapon, nagpaalam na din kami ni Tristan dahil may pasok pa ako kinabukasan.
"Sakto ba yung ring sayo or ipapa adjust pa natin?" tanong ni Tristan nang pauwi na kami.
"Ok naman, sakto lang. Ang ganda nga eh, thanks," sagot ko sa kanya habang tinitignan ang wedding ring ko. It looks perfect sa daliri ko at hindi ko mapigilan na palaging tignan ang kamay ko.
"Nagpaalam na ko sa school mo. We need to go to Sweden by next week. I am planning to have our werewolf wedding next month but with the recent turn of events, the earlier, the better."
"Next week na? Paano si Gwen?"
"Lance will help me with her. Nasabi ko na din sa parents ko ang nangyari."
"Uhmmm, mabait ba sila? I mean, hindi naman ako mayaman, Tristan. Baka akalain nila galing ako sa mayaman na pamilya. Kinakabahan tuloy ako."
"You will meet my parents and my other relatives. It is safe to say that the Eriksson family are good people. Hindi ka mahirapan sa kanila."
"Alam ba ng mommy at daddy mo na kinagat lang ako ni Gwen kaya mo ko papakasalan?"
"I told them what happened to Gwen, that she is still in her werewolf form for weeks now. Hindi nila alam na kinagat ka ni Gwen. Ang alam nila, girlfriend kita."
"Ako? Girlfriend mo?"
Girlfriend daw ako ni Tristan? Ay kilig! Dapat parang mag jowa kami sa Sweden!
"Werewolf wedding is not an ordinary wedding. Since matagal ang lifespan ng werewolf, it is imperative na dapat mahal mo ang papakasalan mo. Just go with the flow, everything will be fine. And I am not going to ask you again, kailangan sweet ka sa akin or they will have doubts about us."
"Sweet naman ako sayo ah? Di ba holding hands tayo kanina?"
"You can do better than that. Para nga pala sayo, I forgot to give it to you yesterday," sabi ni Tristan sabay bigay sa akin ng isang velvet box.
Pagbukas ko, may laman itong isang silver choker necklace with a heart pendant. Simple pero very elegant. Ayoko na tanungin si Tristan kung magkano ang halaga nito.
"For me?" excited kong tanong sa kanya.
"Do you like it, Eliana?"
"Ang cute! Thanks Tristan," sabi ko sabay lagay ng necklace sa leeg ko.
Finally, may gift na ako from Tristan. First gift ko ito from him kaya iingatan ko talaga ito.
"That necklace has a small GPS tracker. If you suddenly turned into a werewolf, this will trigger an alarm and I will be able to locate you easily."
GPS tracker? Ano ko aso? May leash equipped with GPS tracker!
"May problema ba Eliana? Hindi ka ba natuwa?"
"Wala naman, pagod lang ako siguro," I said with no emotions.
"Matulog ka na, we will talk tomorrow. I have several things to discuss with you bago tayo pumunta sa Sweden."
Psssh! Kala ko pa naman may gift na ko from Tristan. Nawala sa isip ko ang real reason kung bakit niya ko pinakasalan...
BINABASA MO ANG
Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]
Werewolf[COMPLETED] Ako si Eliana, isang college student na aksidente na naging werewolf. To avoid being stuck in a werewolf form, I was forced to marry a werewolf royalty named Tristan Eriksson. Being married to this werewolf prince is not a fairy tale af...