(POV Eliana)
Tama nga naman si Tristan. Dapat sinabi ni Lance na hiwalay na sila ni Olivia so that he can be at her side during her most heartbreaking moment.
Eh di magsama sila nung first love niyang demonyitang witch na yun!
Pota sino ba ko? Asawa lang naman niya sa pangalan?
"Eliana, open the fucking door!" sigaw ni Tristan habang kumakatok sa pinto ng guestroom.
Kanina pa siya kumakatok at hindi ko binubuksan ang pinto. I don't want to see him right now. Masakit na nga ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kapag nakita ko pa siya, sigurado ko na mas masasaktan ako.
Ever since bumalik kami dito sa Pilipinas, we are already staying in his room na parang tunay na mag-asawa. I even admitted to Gwen that I already fell in love with her brother. Pagka graduate ko daw saka kami pupunta ng Sweden, pero ako lang ang umaasa na totoo ang relasyon namin ni Tristan. To him, responsibility lang niya ako.
"Tristan, inaantok na ko. Bukas na tayo mag-usap," casual kong sabi sa kanya. I don't want him to know na umiiyak ako sa mga oras na ito.
"Just open the door, please? Bakit dito ka natutulog. We have our own room."
"Are you deaf? Inaantok na nga ko eh, nakakaistorbo ka."
"Eliana, you're my wife. We should be sleeping on the same bed."
"Drop the act, Tristan. Nagawa mo na ang responsibility mo sa akin. I won't be stuck in werewolf form as we completed all of the rituals. Wag mo na gawing career ang pagiging asawa ko. We know na sa pangalan lang yun."
"Eliana..."
"Goodnight, Tristan. I don't want to hear your fucking voice anymore."
I want to sleep, baka sakali makalimutan ko bukas na buhay na si Olivia. Baka sakali, ma fall out of love ako kay Tristan. Baka sakali na panaginip lang ang lahat.
Maagap pa lang ay nag prepare na ko sa school. I already left a text message to Gwen na uuna na ko pag pasok at sa school na kami magkikita. Ayoko muna makita si Tristan. Baka mag-away lang kami. Napaka moody ko pa naman recently.
Nag toast lang ako ng choco chip bagels at nagpalaman ng cream cheese for my breakfast. Habang naglalakad ko na lang kakainin ito. Paglabas ko ng bahay, pasikat pa lang ang araw. Maraming joggers na ako na nakasalubong. Gusto ko sana daanan si Lance pero baka tulog pa ang mokong na yun.
Bago ko lumabas ng subdivision, I noticed na may ilang ambulance at police cars. Madami na din mga tao nakapalibot sa scene at nakiki tsismis sa nangyari.
"Ate guys, ano pong meron?" tanong ko sa kapit bahay namin na nandoon din.
"May patay daw, tatlo. Animal attack daw, kasi wala ng puso yung mga bangkay. Naku, tingin ko aswang yan."
Kumakain pa naman ako ng bagel, bigla tuloy ako nawalan ng gana. Bakit may aswang dito?
"May saksi po ba or may nahagip ang mga CCTV?"
"Wala daw pero ngayong umaga lang daw kasi mga joggers yan."
Shit, ang gulo na nga ng werewolf community dahil sa demon goddess curse, may aswang naman ngayon?
Ayoko ko sana gisingin si Lance, kaso wala akong choice kundi tawagan siya dahil medyo di pa masyadong maliwanag. Within a few minutes, dumating si Lance sa crime scene na naka robe lang.
Sabi ko, bilisan niya pagpunta dito pero di ko sinabi na wag siya magbihis. Haist!
"Elle, anong trip mo at napa ka aga mo gumising? Are you really desperate to avoid your husband?"
"Lance, tinawagan kita para sumabay sayo pumasok dahil may aswang. Nakita mo naman siguro na may tatlong body bags," sabi ko kay Lance habang naglalakad kami pabalik sa bahay niya.
"Elle, werewolf ka. You can defend yourself sa isang aswang."
"Excuse me? Wala akong alam sa labanan na ganyan. Baka nga himatayin ako kapag nakakita ako ng Aswang in the City. Have you ever seen one?"
"Nope and I don't have plans on meeting them."
"Mabuti pa ipagluto mo ko ng breakfast."
"Are you sure? Baka mainlove ka sa aking breakfast delicacy?"
Tumuloy muna ako sa bahay ni Lance na malapit lang sa bahay ni Gwen. Sabi ni Tristan noon, Gwen followed Lance here in the Philippines because my bestfriend loves him so much.
"Here's my famous extra ordinaire breakfast," sabi ni Lance sabay baba ng pagkain sa dining table.
"Fruits, milk, oats and cereals? Eto ang sinasabi mo na specialty mo? Hindi naman kailangan lutuin ito ah?"
"Alam mo naman na di ako nagluluto, dito ka pa nagbreakfast," sabi ni Lance sabay kamot sa ulo.
"Sorry nakalimutan ko, madami nga pala babaeng nagdadala sayo ng food sa school. Sasabihan ko si Gwen na nandito ko, para sabay na tayong tatlo pumasok," sabi ko habang kinakain ang oats at fruits.
"Sure ka ba na hindi mo sasabihin sa asawa mo na nandito ka?"
"Wag na, Lance. Busy yun sa paghahanap sa long lost love niya."
"Bitter mo talaga. Halatang nagseselos ka kay Olivia. Di pa ba kayo nag-uusap? Akala ko nag kabati na kayo kagabi," nakakaloko niyang sabi sa akin.
"Walang dapat pag-usapan. Malinaw sa akin ang lahat na mahal pa niya si Olivia. Just so you know, sa guestroom ako natulog, so please wipe that smirk on your face."
"Elle, I don't think Tristan means what he said. He is just furious dahil buhay si Olivia. The demon witch hurt you, mas pipiliin ka ni Tristan over her."
"Wag mong ipagtanggol ang kaibigan mong prinsipe."
"I am not taking side, Elle. Ang sa akin lang, you should talk to him. Mag-asawa na kayo. Dapat pinag-uusapan niyo ang gusot sa inyong dalawa."
"I will talk to him as soon as my heart stops aching, until it stops breaking. May sasabihin ka pa?"
"You are so in love with him, Elle. I want to be jealous, but I am really happy for you. You found the love of your life sa katauhan ni Tristan Eriksson."
"Maligo ka na nga! Ang dami mo alam, Lancelot!" inis kong sagot sa kanya sabay inom ng gatas.
Lance is right, I am so in love with Tristan. I love him so much that it hurts.

BINABASA MO ANG
Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]
Werewolf[COMPLETED] Ako si Eliana, isang college student na aksidente na naging werewolf. To avoid being stuck in a werewolf form, I was forced to marry a werewolf royalty named Tristan Eriksson. Being married to this werewolf prince is not a fairy tale af...