Chapter 64 - Text

12.4K 432 7
                                    

(POV Eliana)


Saglit pa lang ako natutulog nang biglang mag vibrate ng ang phone ko. Tristan is still soundly sleeping on our bed, but I received a text message from Lance.


Are you alone? Call me asap...


Kung kailangan niya ko kausapin, dapat tinawagan na niya ko agad. Unless he wants me to call him na hindi naririnig ni Tristan. I was about to send a response, pero mabilis kong niyakap ni Tristan pabalik sa kama.


"Sino ba yang katext mo?" tanong ni Tristan at wala ako choice kundi ilayo ang phone.

"Si Lance nag text, nangangamusta lang."

"Eliana, let us sleep. Bukas ka na mag reply. Kung urgent yan, tatawag si Lancelot or si Gwenevere."


Sinunod ko si Tristan at bumalik sa kama para matulog. It is hard to distinguish the time dito sa aming kwarto dahil walang kahit anong windows. Sa wallclock lang ako nag rerely ng oras.

Pagdating ng umaga, nauna na si Tristan umalis dahil palagi sila may early meeting with Sherman Campbell before breakfast. Mabilis ko tinawagan si Lance para alamin kung ano ang ibig sabihin ng cryptic text message niya.


"Hello Lance, sorry di ako naka tawag sayo kagabi kasi---"

"Are you alone?"

"Lance, andito kami ni Tristan sa Campbell Training Facility, pero wala siya dito. May meeting siya with---"

"Elle, listen to me. The Campbell Training Camp is a secured area. As long as you are with Tristan, you are safe. But please warn your husband not to leave the camp without you. Both of you should stick together."

"Lance, I don't get it. What do you mean? Bakit kailangan na mag-usap tayo na wala siya?"

"I can't explain any further. Just follow my advice. Don't let Tristan out of your sight. Stay with him. Don't let him know that I call you. I will try to call you again."

"Pero, Lance---"


Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil binabaan na niya ko ng phone. Gusto ko sapukin sa mukha si Lance sa mga oras na ito. Tinawagan ko si Gwen, baka siya ang makakasagot ng mga kalokohan ni Lance.


"Gwen, asan ka? Kasama mo ba si Lance?"

"I am on my way to Sweden."

"Sweden? How about Lance? Nasaan ang lalaking yun? Tumawag siya sa akin kanina, ang gulo kausap. Bantayan ko daw palagi ang kuya mo. Dapat daw palagi kami magkasama. Anong ibig niyang sabihin?"

"Elle, I don't know kung nasaan siya. He left me last night---"

"Gwen? Are you crying? Anong ginawa sayo ni Lance?"

"I am fine."

"You are not fine! Umiiyak ka, isusumbong ko yang si Lance kay Tristan!"

"No, Elle. Madami iniisip si kuya ngayon. Babalik ako sa ancestral house, I will visit you soon. Let's talk pagdating ko dyan."

"Gwen, please take care of yourself. And please remind na sasapukin ko yung asawa mo pag-uwi niya."


Lance is a mystery and now Gwen is another puzzle that I don't know how to solve. Both of them asked me na wag sabihin kay Tristan ang pinag-uusap namin. Ang tangi ko na lang pag-asa ay ang pagdating dito ni Gwen sa camp or ang susunod na tawag ni Lance.

Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon