Chapter 68 - Stockroom

13.8K 497 20
                                    

(POV Eliana)


Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi ni Tristan. Di ko alam kung mag-aalala ako dahil balak siyang patayin ni Olivia or kung masasaktan ako na dumating na naman ang babaeng pinaka mamahal niya.


"Nasaan na si Gwen?" tanong ko sa kanya habang pinipigilan ang luha ko na bumagsak.

"Nasa ancestral house sa Sweden. She's on her way here. She wants to stay here to protect me kahit alam niya na walang idea si Olivia na andito ko."

"Anong nangyari kay Lance? Don't tell me sumama siya kay Olivia!"

"Lancelot called Hezekiah for help. He knows na kapag sumama siya kay Olivia, he will die. Dahil biglaan ang lahat, it was the Grayson family who helped Lancelot. It was a bloodbath in Ibiza. It was a war of demons and werewolves. Good thing, there was no casualty on our side."

"Grayson family ng Alaska? Sila ba yung capable ng teleportation?"

"All of the Direct Heirs of the Grayson family who knows teleportation assisted Lancelot. Kahit yung mga werewolf na malapit sa Spain, they helped him. It was supposed to be an ambush attack to Olivia and his minions, but her side was prepared. Someone from our side must have leaked the plans of attack."

"Tristan, nasa Ibiza si Olivia the same day na umalis tayo papunta dito. Does it mean that she is after you?"

"Ganun din ang tingin ni Meshach. When she found out na wala na ako sa Ibiza, si Lancelot ang ginawa niyang target. She wants me because she knows that I am the strongest werewolf. She can use my heart to achieve her dream. I am worried that she will soon discover your identity, your powers. Mas nag-aalala ko para sayo Eliana."

"You should really be worried Tristan. Dahil pag nagkita kami ni Olivia, I won't hesitate to end her life dahil sa ginawa niya kay Lance. Ang tanong, kaya mo ba tanggapin na papatayin ko ang babaeng pinakamamahal mo?"

"Olivia is---"

"The love of your life? Alam ko naman yun, Tristan."

"Eliana, she's---"

"The only person you ever loved? Tristan, alam ko na siya lang ang babaeng minahal mo noon hanggang ngayon. When you found out that Gwen killed her, alam ko din kung gaano kasakit sayo ang mga nangyari. I became a witness of your pain."

"Eliana, Olivia is a---"

"I can't blame you, Tristan. Sabi nila, bihira lang talaga magmahal ng totoo ang isang werewolf. Unfortunately, you fell in love with a demon witch. She will be forever embedded in your heart. Magpahinga ka na, sigurado pagod ka. I will just get some food sa pantry," nakangiti kong sabi sa kanya bago lumabas ng kwarto.


Si Tristan lang ang lalaking minahal ko and somehow, alam ko na special na din ako para sa kanya. I know that he cares for me at hindi na ako magugulat kung meron na rin siyang bahagyang pagtingin sa akin. Pero alam ko din ang difference ng pagmamahal niya kay Olivia sa kung anong nararamdaman niya para sa akin. I can never beat her and I can never replace her in his heart.

Mabilis akong lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung saan pupunta pero ang alam ko lang, gusto ko lumayo kay Tristan. Di naman niya kasalanan na mahalin hanggang sa ngayon si Olivia. Ako ang may kasalanan. Ako ang nagmahal kahit alam ko noon na walang kapalit.


Pumunta ko sa canteen area kung saan maraming vending machines for food and drinks. Kahit ang mga fridge dito ay maraming laman na pagkain. Sa yaman ng mga werewolves, hindi na nakapagtataka na afford nila ang ganitong luxury.

Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon