Chapter 19 - Alpha

15.7K 596 46
                                    

(POV Tristan)

I asked Eliana to marry me and I am so stupid na hindi man lang ako nagpropose sa kanya properly. I did not even bother to bring her an engagement ring.

Alam ko na kasunduan lang namin ang lahat, pero inagawan ko ng freedom ang babaeng ito. She deserves more than this. I casually asked her to marry me habang nakaharap sa palubog na araw and she just smiled at me.

A sweet and innocent smile that took my breath away. I felt a sudden urge to kiss her and to imprison her in my arms, pero baka mag back out sa kasal ang babaeng ito kapag ginawa ko yun.


"Tristan, you mentioned something about the Werewolf Alphas, pero sabi mo, ang mga First Heirs tulad ni Meshach ang nagsisilbi na head of the family. Nasaan ang mga Alpha?" tanong niya sa akin.


She suddenly asked this question out of nowhere. She probably felt awkward dahil matagal na kami nakatingin sa isa't isa.


"The Alphas are all in hibernation period. There is a legend na kapag namatay ang isang Alpha, all of their family will die as well."

"Pero Tristan, werewolves are immortals di ba?"

"Yes, but we are still prone to death. During the Dark Ages, an Alpha from Austria named Galiel Steiner was almost killed because of a political struggle; hence, all of the Alphas decided to hibernate for the sake of their clan. They have already lived for more than a thousand years. It is just a small sacrifice to them."

"Ezra is your Alpha di ba? Nasaan siya?"

"He is in a protected sanctuary together with the other Alphas."

"Alam mo ba kung nasaan sila exactly?"

"The twelve First Heirs can communicate with them telepathically at sila lang ang nakakaalam kung nasaan ang mga Alpha."


And me...


"Siguro nasa Himalayas Mountain Range sila, sa gitna ng malamig na yelo. May underground castle kayo siguro sa bundok. Di ba pag naghihibernate nasa malamig na lugar?"


I almost gasped dahil sa sinabi ni Eliana. I don't know how she knew where the Alphas are located, but her accurate guesses are no longer a coincidence.


"Eliana, bakit kailangan sa Himalayas pa dalin ang mga Alpha? We can just use an industrial-size freezer," taas kilay kong sagot ko sa kanya.

"I don't know. Kapag naiisip ko yung sinabi mo, isang vast iceland ang na-iimagine ko."


Imagine or visions?


Kung paano niya nalaman ang totoong nangyari kay Olivia at kung paano niya nalaman ang location ng mga Alpha, Lancelot can provide some enlightenment.


"Saan ka nga pala matutulog Tristan? Tatlo ang kwarto sa bahay. Sa parents ko, kay Elmer at kay Elcid saka yung kwarto namin ni Eliza. Ok lang ba sayo sa kwarto ka namin ni Eliza at dun na lang kami sa labas matutulog na magkapatid?"

"Wala akong katabi?"

"Uhmmm, gusto mo tabi tayo?"


Tumango ako sa kanya at tulad ng inaasahan ko, she blushed like a ripe tomato. This girl is so transparent. She can't even hide her reactions.

Pagdating ng gabi, nilabas ni Eliana ang isang malaking bed mattress at nilatag sa living room nila. Binibiro ko lang siya noong nasa tapat kami ng dagat at hindi ko akalain na seseryosohin niya ang sinabi ko.


"Maagap natutulog ang nanay at tatay dahil sanay sila na maaga gumising," sabi ni Eliana sabay bigay sa akin ng dalawang unan.


I was expecting na sa hotel matulog ngayong gabi, but her father insisted for me to stay here. Pamilya na daw nila ako simula ngayon.


"Eliana, are you sure makakatulog ka na may katabing lalaki?" mahinang tanong ko sa kanya habang inaayos ang higa ko sa kama.

"First time ko matutulog na may katabing lalaki, pero ilang beses na ako nakatulog na may katabi na aso. Iisipin ko na lang na may katabi akong aso."

"Do I look like a dog to you?"

"Kapag nasa werewolf form ka, para kang enormous na Siberian Husky or Alaskan Malamute. Ang soft ng fur mo, ang sarap mo hug---"


I did not let her finish as I immediately pulled her waist closer to me and hug her. Hindi niya maitago ang gulat nang bigla ko siyang niyakap.


"Matulog ka na. We are getting married tomorrow," mahina kong sabi sa kanya habang nakayakap sa kanya.

She did not answer me, but I can hear her heart pounding fast. Akala ko hindi makakatulog si Eliana, but after only after a few minutes, she's already sleeping soundly in my arms.

Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon