Chapter 3 - Tristan

21.1K 762 104
                                    

(POV Eliana)

Hindi ko na alam ang mga nangyayari, pero isa lang ang alam ko, Gwen's sharp fangs are slowly sinking on my neck. The pain is slowly draining my energy as if anytime mawawalan na ako ng malay.

My best friend is a vampire? Bakit walang nag inform sa akin?

Isang boses ang nagpatigil kay Gwen at bigla siya lumayo sa akin. Bigla akong nawalan ng lakas at akala ko, babagsak ako sa floor, but someone caught me before I fall. A pair of muscular arms are now embracing me. Nawala lahat ng pangamba ko dahil sa amoy ng perfume niya.


"What the fuck are you doing Gwenevere!" galit na sabi ng isang lalaki.


Hindi lang pabango niya ang sexy, pati boses niya sexy din. Sino ba ang lalaking ito na gumising sa ang aking natatagong kalandian?


"I am so sorry... Hindi ko sinasadya... I am so sorry... Elle, I am so sorry," humihikbi na sabi ni Gwen palayo sa akin. Hindi ko na masyado makita si Gwen dahil nanlalabo na ang paningin ko.

"What the hell is happening to you? This is not you!" galit na sabi ng lalaki na unti unti akong inaalalayan paupo sa kama.

"Kuya, hindi ko alam ang mga nangyayari. I can't control myself, that's why I called you. This is strange! Please, ilayo mo ko kay Elle. Baka mas masaktan ko siya."


Kuya? Kuya ni Gwen ang mabango na lalaki na nakayakap sa akin?


"You bit her and you know what will happen to her!"

"I am sorry, kuya. Sana mapatawad ako ni Elle. Sana mapatawad mo ko."

"I will handle everything, Gwenevere."


Boses ni Gwen ang naririnig ko kahit nababalot ng dilim ang paningin ko. I can hear her saying sorry to me all over again. I know that she is crying and she is in pain. Gusto ko magtanong pero wala na ko maaalala dahil binalot na ng kadiliman ang paningin ko.

Pagmulat ng mata ko, wala na si Gwen at nasa loob ako ng guestroom nila na nagsisilbing kwarto ko. Ang huli ko naalala ay ang pagkagat ni Gwen sa leeg ko. Mabilis ko hinawakan ang sugat ko, ngunit wala ng traces ng sugat sa leeg ko.


Panaginip lang ba ang nangyari?


I heard a fake cough at 'di ko inaasahan na may isang lalake na nakaupo sa tabi ng kama ko.

He looks like a model from a men's magazine. He is tall with muscular built. His face is angelic, but he also looks dangerous because of his dark brown eyes. His shoulder-length brown hair made him look like a demigod.

Familiar ang mukha niya, pero 'di ko maalala kung saan ko siya nakita.

"Sino ka? Paano ka nakapasok dito?" tanong ko sa kanya sabay atras ng bahagya.

"I used to live here," he smirked at me.

'Di ko alam kung bakit parang naiinis ang lalaki sa presence ko. Para siyang badtrip agad sa akin, but I can't deny the fact that he's breathtakingly gorgeous. Hindi ko magawang tumingin sa iba kundi sa mga mata niya lang.

Grabe! Sino ba tong lalaking ito?

He looks like... my future boyfriend! Ang puge!!!

"You used to live here? Teka, sino ka ba?"

Teka, eto ba ang kuya ni Gwen na nakatira sa Sweden? It makes sense, kamukha niya 'yong lalaking nasa picture frame sa living room.

Gwen mentioned him a few times, pero wala daw balak umuwi dito ang kuya niya. Sabi ni Gwen, magugustuhan ko daw ang kuya niya dahil mabait, sweet at gentleman, pero mukhang ibang lalaki ata ang kaharap ko. He seemed angry, annoyed and irritated. Gusto ko pa sana mag tanong, pero ang tanging naririnig ko ay ang dagundong ng puso ko.

Shit, na-love at first sight ata ako sa lalaking mabango!

Mag-pretend kaya ako na nahihilo? Yayakapin kaya niya ako ulit?

"I am Tristan Eriksson, and you are?" taas kilay niya na tanong sa akin.

"I am Elle. Eliana Leticia De Vera."

"You are the classmate slash housemate. Is that right?"

Tumango lang ako sa kanya. He looks ancient as if ang dami na niyang alam about sa mundo. Kahit naka long sleeves siya, hindi maitatago nito ang maganda niyang pangangatawan. Bakas sa damit niya ang matipuno niyang katawan na parang inaakit ang buo kong pagkatao.

Kailan pa ko nakialam sa muscular features ng isang lalaki? At sa kuya pa Gwen?

Nakakahiya na talaga ang mga hidden desires ko!

"Asan po si Gwen? Kinagat niya ko at 'di ko alam kung ok lang ba siya. Ilang araw na din siya hindi pumapasok. I'm worried about her," nakayuko kong tanong sa kanya.

Nakaka-conscious ang tingin ng lalaking ito as if gusto niya ko hubaran. Feeling ko, kapag ginawa niya 'yon, 'di naman ako lalaban.

Imbes na sumagaot, tumayo si Tristan, and he motioned me to follow him. Akala ko pupunta kami sa kwarto ni Gwen pero bumaba kami sa ground floor, sa may kitchen. May binuksan siyang isang naka locked na drawer na may number keypad. He pressed some codes at mabilis na gumalaw ang granite counter at lumitaw ang underground stairs.

Ilang taon na din ako nag stay sa bahay nila Gwen at ngayon ko lang nalaman na mag underground facility pala ang bahay na ito. Gusto ko sana magtanong ulit pero seryoso ang mukha ni Tristan. He looks scary as if kakainin niya ko ng buhay kaya sinundan ka lang siya pababa sa stairs.

Sa bandang dulo ng corridor, nandoon ang isang white na kwarto with solid steel bars. Parang isang white prison cell na may bed matress. Nasa loob ang isang aso na parang isang brown and white Siberian husky. Pero hindi ordinaryong aso ang kaharap ko dahil kasing laki ito ng tao. Isang humongous dog.

"I believe that you are asking for my sister," sabi ni Tristan habang nakatingin sa aso na nakalabas ang pangil.

May laway pa ng bahagya as if may rabies. It looks aggressive at hindi ito natutuwa sa presence namin ni Tristan. Pinagmasdan ko ang dambuhalang aso na nasa harapan namin. It has a glowing pair of yellow eyes na katulad nang nakita ko kay Gwen.

Sa isang bahagi ng kwarto, napansin ko ang isang heart locket necklace sa floor. Sigurado ako na kay Gwen yun. Nandoon din ang mga damit ni Gwen na punit punit na.

Napatakip na lang ako ng bibig nang marealize ko kung sino ang aso na nasa harapan namin. Napatingin ako kay Tristan as if asking a confirmation.

"That's right. She's my sister in her Werewolf form."

Lahat na ata ng dugo sa mukha ko ay naglaho ng marinig ko ang salitang Werewolf...

Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon