Chapter 29 - Astrid

15.3K 551 52
                                    

(POV Eliana)


Pagkatapos ko magbihis, Tristan asked me to follow him. He is in a hurry kaya wala akong choice kundi tumakbo para sundan siya. Kung kanina tumatawa siya, paglabas namin ng swimming pool area ay nagbago ang mood niya.


"Wait lang, Tristan. Nagmamadali ka ba?"

"Bakit ba ang bagal mo maglakad?" he snapped at me without looking at me.


Hala, anong nangyari? Bakit badtrip siya? Kanina maayos naman kami sa pool ah?

Confirmed! May split personality ang mga werewolf, specially ang mga Direct Heirs tulad ni Lance at Tristan.


"May problema ba tayo, Tristan?" tanong ko sabay hawak sa coat niya and he stopped this time, pero di niya magawang tumingin sa akin.

"What made you think we have problem?" he said in an irritating voice.


Kasi po, ang suplado mo!


When I did not answer, Tristan started to walk again. Sinundan ko lang siya at mukhang palabas kami ng ancestral house at papunta sa likuran na bahagi kung saan nandoon ang isang black limousine. Di na ko nagtanong pa at sumunod lang uli ako sa kanya papasok sa sasakyan.


"May balak ka ba na kausapin ako or dedemahin mo ko sa loob ng isang linggo?" mahina kong tanong habang umaandar ang limousine, pero di ako sinagot ni Tristan at mas minabuti niya tumingin sa bintana kaysa kausapin ako.


Hala, emoterong palaka! Biglang nag inarte! Ano ba ginawa ko?


"Huy, may ginawa ba akong mali at nagagalit ka sa akin? Bakit ba ang moody mo?" bulong ko sa kanya habang kinakalabit siya, pero as expected, di pa rin niya ko kinikibo.


Kahit isang tingin, hindi niya ko tinatapunan. Feeling ko may ginawa ko na mali at hindi ko lang maalala kung ano. Maayos naman kasi kami kanina sa harap ni Meshach. Sa ilang linggo namin magkasama ni Tristan, nagkaroon na din kami ng bond sa isa't isa. I can somehow say that we became friends.


"Kapag di mo ko kinausap, gagawin kitang unan. Inaantok ako pag sobrang tahimik."


Tinaasan lang ako ng kilay ni Tristan at tumingin na naman sa labas ng bintana. Wala naman siya makikita kundi pine trees na may snow. Sa inis at sa antok ko, humiga ako sa hita ni Tristan at nagulat siya sa ginawa ko.


"Sige, wag mo ko kausapin. Wag mo din ako iistorbohin sa pagtulog ko ah?" sabi ko sa kanya.


Dahil na din sa antok ko, nakatulog na ko habang naka unan sa hita niya. Akala ko itutulak ako ni Tristan, pero mukhang hinayaan niya lang ako matulog.


"Eliana, wake up. We are here," sabi ni Tristan na bahagyang tinapik ang shoulders ko para bumangon.


Bumaba si Tristan sa sasakyan at mabilis ko naman siya na sinundan. Nagmamadali na naman siya na parang walang bukas.

Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon