(POV Eliana)
Bumalik lang ang utak ko sa realidad nang marinig ko ang boses ni Lance. Nasabi ko na sa kanya na may bago akong kasabay pumasok at umuwi. Akala ko magtatanong pa siya, but surprisingly, hindi na niya ako inusisa pa.
"Hey babe, yan ba ang bago mong driver?" tanong ni Lance sabay akbay sa akin, pero nakatingin pa rin siya sa sasakyan ni Tristan.
"Ah siya ba? Kuya yan ni Gwen. Sumasabay lang ako sa kanya pag pasok at dinadaanan niya lang ako pag uwi," sagot ko kay Lance na hindi iniiwas ang tingin sa direction ni Tristan.
Si Tristan naman kahit nasa loob ng sasakyan, I can see him looking at us. Baka iniisip niya na boyfriend ko si Lance dahil naka akbay sa akin ang lalaking ito.
"Umamin ka nga sa akin. Bakit ka hatid sundo ng kuya ni Gwen? Mahigit isang linggo ka na hindi sumasabay sa akin dahil sa lalaking yan. Nasasaktan na ko. Boyfriend mo na ba yan?"
"Boyfriend mo mukha mo! Kakauwi nga lang niya from Sweden eh!" sabi ko sabay batok kay Lance.
"Aray naman, Elle. Sinasaktan mo ko physically and emotionally. Pag ako nag snapped, I will kidnapped you at itatanan kita."
"Tanan? Jowa lang?" sabi ko sabay pingot sa tenga niya. Sanay na si Lance sa mga physical assaults ko sa kanya.
"Ouch, ouch. Bawal mag joke? Next time talaga hahalikan kita."
"Subukan mo lang Lance. Babanatan talaga kita."
"But Elle, be careful with that man. You don't know him," seryosong sabi ni Lance na sinulyapan na naman ang sasakyan ni Tristan.
Be careful? Alam ba ni Lance ang secret ng pamilya ni Gwen at Tristan?
Lance is playful, palaging nag jojoke at nang-aasar, but there are times na parang nag tatransform siya sa isang seryosong tao. Pag serious mode si Lance, para akong natatakot bigla dahil para siyang ibang tao.
"Bakit naman, Lance? Gwen's brother is nice. I don't like him, but he's nice."
Hindi ko alam kung imagination ko lang pero it seems Tristan gritted his teeth with what I said. His eyes suddenly turned into glowing blue nang mapatingin ako sa kanya.
"He's nice, good looking and rich. Paano mo pa ko mapapansin Elle kung may ganyan kang lalaki na kasama kina Gwenevere?" sabi ni Lance na nakapout pa.
Back to childish and pabebe mode na naman si Lance. Wala sa hitsura niya na ganyan siya kakulit. Back to normal na naman si mokong. Sigurado ko may split personality talaga si Lance.
"Grabe ka naman, Lance. Ikaw kaya ang hearthrob ng school. Mukha nga kong basahan kapag katabi mo," sabi ko sabay tapik sa braso niya.
Sanay na ko sa mga flirtatious comments niya and since Lance has always been nice to me, hindi ko na minamasama ang mga banat niya. Aside from Gwen, he is my closest friend.
"But I'm not enough for you Eliana, tama ba?" he said with his signature pouting lips.
Hindi ko na sineseryoso ang mga ganitong banat ni Lance dahil isa siyang playboy.
"Ikaw talaga, binibiro mo na naman ako eh. Tara na nga. Libre mo nga ko ng coffee sa pantry, yung five pesos!" sabi ko kay Lance sabay hila sa braso niya palayo sa parking lot dahil kanina pa hindi umaalis ang sasakyan ni Tristan.
BINABASA MO ANG
Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]
Werewolf[COMPLETED] Ako si Eliana, isang college student na aksidente na naging werewolf. To avoid being stuck in a werewolf form, I was forced to marry a werewolf royalty named Tristan Eriksson. Being married to this werewolf prince is not a fairy tale af...