Chapter 21 - Exact Future

15.5K 556 22
                                    

(POV Eliana)


Sa magkaibang kwarto pa din kami natulog ni Tristan. Hindi naman ako nag-eexpect na may honeymoon kami dahil maliwanag naman sa akin ang lahat. This is just plain business to Tristan.


Waaaah! Nag-eexpect ako ng honeymoon! Bakit walang ganun?


Buong gabi ko pinagmamasdan ang wedding ring namin. Minsan naisip ko, mas okay pa siguro na maikasal ako sa taga tinda ng taho basta mahal ko, kaysa naman sa man of dreams na wala man lang pagmamahal sa akin.

The pain is slicing me in half. Hindi ko mapigilan na umiyak sa mga oras na yun. This is my wedding night, I should be happy and yet I feel so alone. Matagal din akong umiyak bago tuluyan na nakatulog.


"Mukhang puyat ka?" tanong ni Lance habang naglalakad kami papasok sa school.


Madalas niya ko inaabangan sa parking lot kapag hinahatid ako ni Tristan. Mukhang nagbalik na din ang friendship nila dahil sa nangyari kay Gwen.


"Kinasal ako kahapon, malamang pagod ako."

"May nangyari ba sa inyo ni Tristan?" galit na tanong ni Lance sabay hawak sa braso ko.

"Eh ano naman sayo kung meron?"

"Elle? Did something happen between the two of you?"

"Ano bang sinasabi mo Lance? Sa magkahiwalay na kwarto kami natulog. Pagod ako dahil sa byahe. Walang nangyari sa amin."

"Tristan is a good man. Hindi ako magtataka kung mahuhulog ka sa kanya."

"Psssh! Inaantok ako, bili mo nga ko kape ulit para may silbi ka," sagot ko kay Lance sabay hawak sa braso niya.


Antok na antok ako kaya nakapatong ang ulo ko sa braso niya habang naglalakad kami papunta sa canteen. Wala ako pakialam kahit makita ako ng mga fanatics niya.


"Kung alam ko lang na magiging sweet ka sa akin pag kasal ka na, sana dati pa kita pinakasal kay Tristan."

"Bili mo nga din ako ng bagel. Di na ko nakapag breakfast dahil tanghali na ko gumising. Wedding gift mo man lang akin," sabi ko kay Lance sabay hikab at unat ng braso.


Sobra ang antok ko. Siguro dahil sa pagod sa mga nangyari at dahil na rin sa mahabang byahe. Or probably dahil nagself pity ako kagabi at umiyak ng bonggang bongga. Pagbalik ni Lance, may dala na siyang bagel at sandwiches saka hot coffee.


"Elle, wala akong wedding gift sayo dahil aagawin din naman kita kay Tristan someday. Kung di kita kilala, iisipin ko nag honeymoon talaga kayo."


Muntik ko nang maibuga kay Lance ang coffee dahil sa sinabi niya, pero pinigilan ko kaya nasamid ako.


"Honeymoon? Nakita mo ba kung paano kami nag kiss kahapon? Daig ko pa ang may sakit eh. Nandidiri siguro siya sa You May Now Kiss The Bride portion. Kung di ko pa alam ang past niyo kay Olivia, iisipin ko gay si Tristan---."


Di ko na natuloy ang sasabihin ko nang may bigla akong nakitang tatlong blonde babae na naglalakad sa di kalayuan. Bigla nilang hinawakan ang ulo nila as if may matinding headache and in a split second, their eyes turned into a glowing hot pink.

Tulad ng inaasahan ko, they transformed into werewolf form. Three white werewolf with hot pink eyes are now approaching me. They all look rabid just like Gwen. Akala ko lalapain nila ako, pero bigla silang nawala nang maramdaman ko ang kamay ni Lance sa braso ko.


"Elle, what happened? Natulala ko for a few seconds."


Inikot ko ang paningin ko at wala na ang tatlong white wolf. Kung di ako nagkakamali, para itong vision. The same vision kung paano ko nalaman ang nangyari kay Olivia at Tristan. The same apparition about sa underground castle sa Himalayas kung saan ko nakita ang twelve Alphas.


"Lance, may kilala ka ba na tatlong blonde na babae, probably high school students with dark blue eyes just like yours. Their werewolf form is pure white werewolf with hot pink eyes."

"Yeah, those are my cousins, they are triplets. Wait. How did you know?"

"I don't know Lance. I saw them transformed in front of my eyes," kinakabahan kong sabi sabay inom ng kape.


Shit, there is really something wrong with me. Paano ko nakita ng cousins ni Lance na hindi ko pa namemeet ever?


"Elle, are you okay? Gusto mo ba mag pahinga muna? Namumutla ka eh," nag-aalalang tanong ni Lance.

"I am fine, gutom lang siguro ito," sabi ko sabay kain ng bagel at sandwich.

"Pupuntahan kita sa break at lunch mo. Wag ka na umangal, you are not fine. Allow me to take care of you habang nasa school ka."

"Bakit ba kay Tristan ako nagpakasal? Sana sayo na lang," bulong ko sa kanya.

"You may hate to admit it, but you like the guy, Elle. I know you, you won't marry Tristan dahil kailangan mo lang magpakasal. You must be attracted to him, that's why."


Attracted? Pinagnanasahan ko nga yung tao gabi gabi eh!


Inirapan ko lang si Lance. He is actually right. I married Tristan because I like him the moment I laid my eyes on him. Kapag kasama ko siya, parang palagi ako excited. Palagi ko inaabangan ang mga oras na magkasama kaming dalawa.


Eto kaya ang tinatawag nilang love at first sight? Or landi at first sight?

Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon