(POV Eliana)
Nasabi na noon ni Tristan na walang werewolf school, pero may werewolf training center. This is held once every decade, pero dahil nagkaroon ng anomalya sa werewolf world, the First Heirs decided to put this on hold.
Tristan admitted na wala naman talaga siya balak na magtrabaho ko sa company nila. Pinagbigyan niya lang daw ako dahil sa kakulitan ko. If I want to work and earn money daw, I can work for him instead.
Pagdating ng weekend, pumunta kami ni Tristan sa Vancouver, Canada kung saan gaganapin ang sinasabing pagsasanay. Sa isang liblib na lugar sa Canada ang training grounds ng mga werewolf. Hindi ito accessible gamit ang sasakyan kaya from Vancouver, sumakay kami ng chopper ni Tristan.
"Are you sure may training facility dito?" tanong ko kay Tristan habang nakatingin sa malawak na kagubatan.
"You'll see," nakangiti niyang sagot sa akin.
Tanaw ko mula sa chopper ang mga nag tataasan na mga puno. Ilang crystal lakes at rivers din ang nadaanan namin. Mukhang nasa gitna talaga kami ng kawalaan.
"Tristan, pag-aari ba lahat ito ng werewolf clan?"
"This called the Verde Sanctuary. Technically, this area is owned by the government of British Columbia. It is extended up to the wilderness of Alberta, Yukon and Northwest Territories of Canada. The Campbell Werewolf family who is based here in Canada is handling this entire wilderness. Walang ibang tao na pwede pumasok dito as this is restricted to humans."
Habang nakatingin ako sa malawak na uninhabited wilderness, nagsimulang magpaliwanag si Tristan tungkol sa Verde Sanctuary. Ito daw ang nagsisilbing headquarters ng mga werewolf at dito mismo located ang training facility.
It composed for four stations. Isa sa British Columbia na malapit sa Vancouver called Aero Station or ang main building ng training facility. Ang isa naman ay malapit sa British Columbia - Alberta border called Incendio Station. Ang pangatlo naman ay malapit sa Great Slave Lake sa Northwest Territories called Aqua Station at ang pang-apat ay ang Terra Station sa Yukon. All sites were named after the four elemental gods.
"Nag training ka ba dito noon?"
"When I turned eighteen, nag training ako dito kasama si Lancelot. Dalawa lang kami during that time. A werewolf will age normally pero pagdating ng eighteenth year, the aging process will be slowed down."
Bumaba ang chopper sa isang malawak na clearing sa gitna ng malawak na pine forest. Walang kahit anong buildings or any signs of human activities. It looks unnatural dahil parang isang vast gold course.
"This is called The Greenfield because of the green grass, of course. The other three stations do not have an expansive open space unlike the Aero Station," sabi ni Tristan habang naglalakad kami sa malawak na grass field.
"Dito ba nag tatransform ang ibang werewolves?" tanong ko sa kanya. It looks unnatural as if man-made ang field na ito.
"Yes, some werewolves visit this area for their transformation. They can be free here at walang kahit sinong makakita sa true form nila. This area is so vast na may lawak mula dulo ng Luzon hanggang sa northern tip ng Australia. Several countries can fit inside this wilderness."
BINABASA MO ANG
Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]
Werewolf[COMPLETED] Ako si Eliana, isang college student na aksidente na naging werewolf. To avoid being stuck in a werewolf form, I was forced to marry a werewolf royalty named Tristan Eriksson. Being married to this werewolf prince is not a fairy tale af...