Chapter 26 - Direct Heir

15.7K 573 31
                                    

(POV Eliana)


Di ko na namalayan na lumapag ng ang plane sa Stockholm airport. Nakatulog na naman ako. Akala ko mag byabyahe kami ni Tristan pero di ko akalain na sasakay kami sa helicopter.

Hindi ko maitago kay Tristan ang excitement. Kulang na lang tumalon ako sa tuwa dahil first ko sasakay ng helicopter. Pagsakay namin sa chopper, ramdam ko na agad ang lamig. I have an aerial view of the surroundings at napaka daming snow. Kaya pala pinagsuot ako ng coat ni Tristan, winter season pala ngayon dito.


"Ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Tristan habang nasa helicopter kami. Nanginginig na kasi ako sa lamig.

"Sorry, di ako sanay sa lamig. Ngayon lang ako nakapunta sa Winter Wonderland."

"Don't worry, comfortable yung ancestral house namin. Di ka lalamigin. Can you see that structure over there? That's our house."


Sa gitna ng malawak pine forest, nandoon nakatayo ang isang malaking four story na fortress. It looks like a medieval castle sa gitna ng kagubatan.


"House? Tristan niloloko mo ba ko? Mukhang castle yun eh!"


Ngumiti lang si Tristan as if nag-eenjoy sa pagka amaze ko. Isang castle na napapalibutan ng malawak na grass lawn. Kung walang snow, malamang kitang kita ko ang green grass at ang malaking fountain.

Nag land ang helicopter sa helipad sa likod ng castle. Sinalubong kami ng dalawang lalaki at kinuha ang mga luggage namin. Yung kamay ko, kulang na lang itago ko sa singit ko para di lamigin.


Sino may sabi na masaya ang snow? Hindi nakakatuwa! Frost bite activated!


"Nagpabili na ko ng winter clothes mo, it will arrive shortly," sabi ni Tristan habang naglalakad kami papasok sa ancestral house nila.

"Ang lamig dito. Nasa North Pole na ba tayo?"

"We are close in the Arctic circle," sagot ni Tristan pero di ko inaasahan na aakbayan niya ko palapit sa kanya.


Di ko alam kung bakit siya naka akbay sa akin. Dahil alam ng mga relatives niya na girlfriend niya ko? Or dahil naawa siya dahil nilalamig ako?


"Sino nakatira dito?" tanong ko habang papasok sa mala castle na bahay.

"The Eriksson First Heir, Meshach Eriksson. Dito siya nakatira kasama ang mga first generation ng Eriksson.

"Meshach is the First Heir or the First Direct Heir. Tama ako di ba?" tanong ko kay Tristan. Marami na din ako natutunan sa mga tinuturo niya sa akin.

"The eldest son is always the Direct Heir. My father Tyrone was a Direct Heir and since I'm his only son, the title was passed down to me."

"Di ba mga Direct Heirs lang ang may special powers? Anong unique abilities ng mga Eriksson?"

"Mind control or to manipulate one's mind. We can command humans to do our biddings if necessary. But we only use it for good. Only the Direct Heir can use it."

"Whoaah, ang galing. Sample nga? Gamitin mo nga ang mind control sa akin?"

"Eliana, you're a werewolf. I can't use it to werewolves."

"Ganun? Akala ko pa naman matutunan ko yang mind control na yan. Uutusan ko pa naman si Lance na tumakbo paikot sa oval field ng naka briefs lang."

"I don't think you need mind control for that. You can just ask Lancelot nicely. Sigurado ako na maraming students ang matutuwa kung gagawin mo yun."

"Teka Tristan, pang ilan ka ng Direct Heir ni Super Lolo Ezra?"

"I am the 12th one if we will consider Meshach as the First Heir. So I'm the 13th on the line and only the thirteen of us from this family can use this mind control ability."

"Nawala ang ginaw ko sa history lesson natin. Are you going to teach me how to use mind control? Subukan lang natin baka magawa ko?"

"Ang kulit mo naman. Kahit turuan kita, di mo magagawa yun dahil hindi ka Direct Heir. Kung magkakaanak tayo ng lalaki, he will inherit that ability."


Magkakaanak kami ng lalaki? Ano daw?

Naiisip ko pa lang ang process ng kung paano gumawa ng anak, namumula na ako!


"What's the problem, Eliana? Why are you blushing?"

"Ha? Hindi noh! Malamig lang talaga," nakatungo ko na sagot dahil nararamdaman ko na ang init ng pisngi ko sa pamumula.

"Kahit wala akong mind reading ability, I know exactly what you are thinking. Come on, ipapasyal kita sa buong ancestral house," sabi ni Tristan na biglang hinawakan ang kamay ko papasok sa castle.

Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon