Chapter 46 - Northern Wales

16.9K 503 33
                                    

(POV Gwenevere)


Kahit ako nagulat sa decision ni Kuya Tristan na mag transfer kami sa Wales pansamantala. Alam niya siguro na susundan ko si Lancelot kahit saan siya pumunta. Mga ilang minuto din nag tatalo si Kuya Tristan at si Elle like the usual husband and wife couple na nasa gitna ng isang lovers quarrel, but it was Lancelot's suggestion ang nagpataas ng kilay ko.


"Tristan, kami na lang ni Gwenevere ang pupunta sa Wales. The two of you can stay here. Ilan months na lang din naman, graduate na si Elle. Hintayin mo na lang," sabi ni Lancelot.


Natigil ang mag-asawa sa pagtatalo nila. Kuya Tristan is weighing the real reason behind the suggestion of Lancelot, samantalang si Elle naman ay todo support agad.


"Tama yan, Lance. Kailangan mo ng kasama dahil mahirap ang nag-iisa. Gwen can protect you laban kay Olivia. Nasa Wales ang mga kapamilya mo, they can also help you. That is the best thing na lumabas sa bibig mo," sabi ni Elle sabay kindat sa akin.

"I must admit, that's a good suggestion. Eliana does not need to transfer to an overseas school anymore. We can just wait after her graduation bago kami pumunta sa Sweden," sabi ni Kuya Tristan na biglang nag shift ng mood.


Akala ko ba kaming lahat pupunta sa Wales? Bakit ngayon ay kami na lang ni Lance?


"Lance, alam ni Olivia na nandito ka. Olivia will have a hard time locating you sa Wales plus andyan pa si Gwen na kasama mo," dagdag pa ni Elle na parang tinutulak ako at si Lance na pumunta sa Wales.

"My wife is right. Gwenevere is very much trained into fighting since noong bata pa siya. She can be a great help. Eliana is not yet trained to fight, there's a lot of things I need to teach her. Kaya maiiwan muna kami dito hanggang matapos ang pag-aaral niya," sabi ni Kuya Tristan and Elle just nodded at him as a sign of her approval.


Tignan mo itong mag asawa na to, kanina nag aaway, ngayon kulang na lang itaboy ako kay Lancelot?

Pero choosy pa ba ko? Gusto ko din naman kasama si Lance sa Wales.


Since decided na si Lancelot at ang supporters niya na si Elle at si Kuya Tristan, naging mabilis ang usapan. Si kuya na ang naghatid kay Elle sa school, samantalang kami naman ni Lancelot ay lumipad papunta sa isang town sa Northern Wales. Ginamit namin ang luxurious private plane ni Lance kaya di ko inaasahan na sa isang simpleng three bedroom detached house kami tutuloy.


"Lancelot, is this your house?" tanong ko pagpasok sa bahay.


Malaki ang garage pero parang isang typical na two storey family house. Napaka plain looking and you will not even look at it twice. Pero nang pumasok kami sa loob, I noticed the upscale interiors na parang isang hotel ang design, I know na kay Lancelot nga ito. Sa labas, mukhang simpleng bahay lang pero full of sophistication ang loob.


"I am changing house every twenty years. You know the drill, pero mas prefer ko yung hindi pansinin na bahay," sabi niya habang paakyat kami sa second floor.

"Ilan ang bahay mo?"

"Isa dito sa Wales at isa sa Pilipinas. Why are you suddenly interested? Are you planning how we can evenly share our conjugal property?"

Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon