(POV Eliana)
Pag gising ko, nasa guestroom na ako. Last thing I remembered, nasa locker room kami ni Lance. Sobrang antok at gutom ko pa rin sa mga oras na ito.
Pag baba ko sa living room, nag-uusap si Lance at Tristan. Yung mukha nila parang may zombie apocalypse dahil sobrang seryoso. Tristan eyes widened when he saw me. Kahit si Lance at nabigla nang makita ako na nakatayo sa likod niya.
Bakit sila magugulat? Mukha ata akong bruha dahil gulo gulo pa ang buhok ko?
"Anong lunch natin?" tanong ko sabay upo sa sofa katabi ni Lance. Madalas kasi magluto si Tristan and I must admit, he is a better cook than me.
"Elle, naglunch na tayo kanina di ba?" nag-aalalang tanong ni Lance as if isang disease ang katakawan ko.
"Kumain na tayo? Bakit gutom pa din ako? Saka antok ako," sabi ko sabay hikab, pero di nakaligtas sa akin ang makahulugan na tingin ni Tristan kay Lance.
"May tinatago ba kayong dalawa sa akin?" tanong ko dahil tahimik sila pareho.
The two of them looked at each other. They are obviously hiding something as I can see the anxiety in their eyes.
"Yes, Eliana. We need to tell you something important, but you have to listen very carefully," sabi ni Tristan na walang emotions.
"Ano yun, Tristan?"
"Eliana, we think that you're the---"
"We think that you need to pack your bags now and go to Sweden. Mas mabuti kung maikasal kayong dalawa ni Tristan agad this weekend," mabilis na sabi ni Lance.
"Ha? Akala ko ba next week pa ang werewolf wedding?"
"Baka mag transform ka uli ng wala sa oras. Mas mabuti na this weekend na. What do you think, Tristan? You can move it a week earlier. I am certain you already made all the preparations," sabi ni Lance, but I can feel that he is begging Tristan to say yes.
"Yeah, that's what we are planning to tell you. We can leave tonight. The wedding will be on Saturday."
Siguro nga mahigit isang daan taon na silang dalawa, but I was not born yesterday. Alam ko na may tinatago silang dalawa at ayaw nila sabihin sa akin.
Malalaman ko din ang sikreto niyong dalawa...
"Marami bang food pag werewolf wedding?" change topic na tanong ko kay Lance.
Kahit di ko aminin, sobrang excited ko sa kasal namin ni Tristan. Being with him makes me feel thrilled as if exciting ang lahat ng araw na darating sa buhay ko.
Am I falling in love with my husband? Tsk! Malaking problema ito...
"Elle, it will be a feast. We always celebrate a werewolf wedding with grandeur. You will love it!" sabi ni Lance.
"Talaga? Sounds good. Kakain muna ko ng lunch then ayusin ko na ang gamit ko. Teka lang, Tristan. May pasok ako this week di ba?"
"Let me handle it. I will talk to your professors and I am positive that I will be able to convince them."
"Eh ikaw Lance, sasabay ka ba sa amin ni Tristan or may basketball game ka?"
"I will use my private plane on Friday to attend your wedding. See you in Sweden."
"Chopper tapos ngayon private plane? Malaki ba talaga ang salary mo sa pag momodel?"
"Parang ganun na nga. Samahan na kita kumain. Gutom na din ako. Tristan, I think you need to cook more food for us," sabi ni Lance sabay hila sa akin papunta sa kusina.
"Ginawa niyo talaga akong kusinero?" sagot ni Tristan as he sighed as if we are immature kids sa paningin niya.
Nagsimulang mag kwento si Lance tungkol sa werewolf wedding at nararamdaman ko na sinasadya niya mag biro to lighten up the mood. Tristan, on the other hand is back to his poker face facade. Something is going on at mas pinili nilang dalawa na itago sa akin ito.
BINABASA MO ANG
Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]
Werewolf[COMPLETED] Ako si Eliana, isang college student na aksidente na naging werewolf. To avoid being stuck in a werewolf form, I was forced to marry a werewolf royalty named Tristan Eriksson. Being married to this werewolf prince is not a fairy tale af...