Chapter 59 - Leila

13.4K 462 41
                                    

(POV Eliana)


Sa loob ng ilang araw, nasa training period kami ni Tristan. Hindi ko akalain na sasamahan niya talaga ako mag work. Akala ko noon ay nag bibiro lang siya.


"May kasabay nga pala ako mag lunch mamaya," sabi ni Tristan bago kami pumasok sa office.

"Sino kasabay mo? Yung mga new colleagues mo sa Facilities department?"

"Leila called me. She wants me to join her for lunch. Sa pantry lang naman."


Leila called you? Amp talaga ang babaeng yun! Walang limit ang kalandian kay Tristan!


"Fine with me. Di naman ako selosa na asawa. Sabi ko nga, you can do whatever you want."


Pagdating ng lunch, kasabay ko si Sabrina at ang ilang mga employees sa Finance Department. Si Tristan at si Leila naman ay magkasabay na nag lulunch sa di kalayuan. Sabi ko, hindi ako selosa pero kumukulo ang dugo ko everytime na tumatawa si Leila at si Tristan as if nag-eenjoy sila sa piling ng isa't isa. Mukhang ako ang magiging loser sa laro namin.


"Elle, nakita ko nga pala kayo ni Tristan kahapon. Bakit sabay kayo umuwi? Magkakilala na ba kayo noon pa?" tanong ni Sabrina habang kumakain kami.

"Ha? Ahhh ehhh naka gaanan ko ng loob si Tristan during our training period. Magkalapit lang kami ng bahay kaya sumasabay na ako sa kanya."

"Ang swerte mo naman. How is he like? Mabait ba? Gentleman? Smart?"

"Si Tristan? He is so damn perfect, Sab. Man of my dreams ko nga siya. Feeling ko nga nahulog na ang puso ko at panty ko sa kanya. I am so thankful na nakasabay ko siya sa training period, sobrang jackpot ko," sagot ko kay Sabrina na parang isang in love na teenagaer.


Kahit kasama ni Tristan si Leila, I can see that he smiled because of what I said. I know that he can hear me from here. Malakas ang hearing ability ng werewolf na ito.


"Ang swerte mo naman Elle!"

"Pero Sab..."


Sadya kong pinutol ang sasabihin ko and even from afar, I know that Tristan suddenly stopped whatever he is doing. He knows na may sasabihin akong hindi niya magugustuhan.


"Pero ano Elle? May problema ba kay Tristan?"

"Tristan is taken na. I don't think he is single anymore."

"Well, ganun talaga. Kapag sexy at gorgeous, malamang taken na yan. Dito pa lang sa office, ang dami ng humahabol sa kanya. Di na ko magtataka kung marami siyang babae."

"Sab, I don't think he likes women. I think he has a different preference," mahina kong sabi kay Sabrina. which made Tristan stiffened like a statue.


Kung kanina, sweet sila ni Leila, ngayon biglang nawala ang seductive smile sa labi ni Tristan. He is anticipating kung anong susunod kong sasabihin.


"What do you mean? Do you think he is gay?" bulong ni Sabrina sa akin.

"I am not sure, but he has a soft and girly side. Minsan nga tinawag niya ko na beshi. Di ba mga beki lang ang tumatawag ng bes or beshi?" dagdag kong sabi.

Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon