Chapter 15 - Exact Past

16.4K 636 53
                                    

(POV Eliana)


Lumipas ang araw at palagi pa rin ako sinusundo at hatid ni Tristan as if my personal driver ako. Madalas sa kwarto lang ako nag stay dahil ayoko siyang makausap o makaharap. Alam ko namumuhi siya sa akin dahil tinanggihan ko ang kasal na offer ni Lance.

Si Lance naman ay parang isang linta kung makadikit sa akin sa school. Kulang na lang ay kumapit siya sa palda ko or iposas niya ang kamay ko sa kamay niya. Alam ko naman na nag-aalala siya dahil nag transform ako into werewolf na wala sa oras.

Napansin ko agad ang kotse ni Tristan sa parking area ng school. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan just the mere sight of his car. I have theories, pero ayoko malaman ang sagot kung bakit palagi ang lakas ng kabog ng dibdib ko kapag nakikita ko ang lalaking ito.


"Nasabi mo na ba sa parents mo na ikakasal ka na?" tanong agad ni Tristan pagpasok ko sa kotse.


Shit, nakalimutan ko na tuloy pa pala ang kasal namin ni Tristan!


Umiling lang ako dahil hindi ko pa nasasabi sa nanay at tatay ko na magpapakasal ako sa lalaking ito. Though ilang months na lang ay graduate na ko, mabibigla sila sa ipagtatapat ko.


"Eliana, you have until tomorrow morning para sabihin na ikakasal ka na."

"Tomorrow morning? Bakit may deadline?"

"We're going to your province tomorrow. You should at least give them a heads up or gusto mo ako pa magsabi sa kanila?"

"Tristan, akala mo ba madali sa akin yun? Pinag aral nila ko dito para makaahon kami sa hirap hindi para lumandi."

"Then let me do all the talking. We will leave in the morning."

"Teka, paano si Gwen?"

"She's fine. I am monitoring her from time to time. I also asked Lancelot a favor to look after her for two days habang malayo ako."

"Hmmmm... Bati na kayo?"

"We are not exactly enemies. We just stopped being friends."


Hinihintay ko na mag open si Lance sa akin kung ano talaga ang nangyari sa kanila ni Tristan noon pero tikom ang bibig ni Lance tungkol dito.


"Care to share kung bakit di na kayo friends?" nakangiti kong tanong sa kanya na parang isang reporter na ready for showbiz tsismis.

"That is all in the past, Eliana," sagot niya sabay irap sa akin.


Psssh! Ang sungit! Ayaw mag share!


"If you don't want to tell your fiancee, that's fine with me. But Lance is a good friend of mine, close kaming dalawa. I can ask him for the details and I doubt na maglilihim siya sa akin. So why don't you tell me now? Dahil ba ito sa isang chickababe?"


Tumango lang si Tristan habang nagdridrive. Nagbibiro lang ako na tungkol sa babae ang pinag-awayan nila at hindi ko inaasahan na dahil nga sa isang babae ang magiging hidwaan nilang dalawa.


OA nila ha? Nag-away ng mahigit isang daan na taon dahil sa babae? Kaswerteng babae! I hate her na!


"Olivia. Her name is Olivia. I met her in Liverpool, England back in 1890s. She was a violin player and she was very good at it."


Olivia pala ang name ng Great Wall of China between Tristan and Lancelot. Two werewolves na nag-away dahil sa isang babae? Napaka lame!


"So anong nangyari? Bakit kayo nag-away?" nakangiti kong tanong sa kanya, pero tinaasan lang niya ko ng kilay.


I closed my eyes at inisip ko kung anong pwedeng reason ng hidwaan nila. Bizaare Love Triangle siguro ito na parang May The Best Man Win.


"Tristan, huhulaan ko kung bakit kayo nag break ni Lance, but you have to tell me if tama yung hula ko."

"Go ahead, Madam Auring. Sabihin mo sa akin kung anong nakikita mo sa bolang kristal mo."

"If I am right or close yung educational and genius guess ko, gusto ko ilibre mo ko ng Bulalo sa Tagaytay tonight."

"Bulalo sounds good to me. I am listening. Give me your best shot, Einstein."


I closed my eyes again and I imagined ang scenario ni Tristan at ni Lance about a century ago. It feels like I am traveling to old England kung saan uso ang mga ball gown at horse carriage.


"Feeling ko, nainlove ka kay Olivia nang una mo siya marinig sa kanyang violin performance sa isang Philharmonic Hall. Love at first sight ang peg. She's beautiful, probably with long and red curls. Kaso you were a little too late because you found out later on na girlfriend na siya ni Lance. Nope, not a girlfriend, Olivia is already his fiancee," deredrecho kong sabi kay Tristan, pero tinaasaan lang niya uli ako ng kilay.

"And since you were an unselfish man and a good friend to Lance, you let Olivia go. But then Lance canceled the wedding and Olivia committed a suicide sa isang dark and isolated part ng isang harbor because of this. You blamed Lance for her death," Tristan frowned at me pero patuloy na nakikinig sa akin.

"Dahil sa galit mo kay Lance, siguro pinuntahan mo siya sa kanyang grand castle at nagsapakan kayo sa harap ng fountain, Mixed Martial Arts style. You demanded for a reason why he canceled the wedding, but he did not give you any. That is how your Cold War with Lance started," nakangiti kong sabi sa kanya.


"That's cheating. Eliana. Pero pagbibigyan kita. Gusto ko din ng Bulalo ngayon. We can reach Tagaytay in less than an hour."

"Wait lang, hindi ako cheater ah?"

"Nasabi na pala sayo ni Lancelot ang lahat, bakit tinatanong mo pa ako?"


It is my turn para taasan siya ng kilay. I frowned at him dahil mukhang tama ang hula ko sa kanya.


"Weh? Totoo? Nag suicide nga si Olivia dahil sa canceled wedding?" tanong ko kay Tristan na biglang nagpreno ng sasakyan.


Nagpakamatay siya dahil kay Lance? Ay baliw na babae nga siya!


"What do you mean? Hindi sinabi sayo ni Lancelot ang tungkol kay Olivia? Did you just guess it all this time?"

"Oo naman. Hula ko lang naman kasi madalas ganun ang nangyayari sa mga pocketbooks di ba?"

"Fuck! Your guess is too accurate as if you have seen the exact past."


Tristan is partly right. Bago ko sabihin sa kanya ang guess ko, it is like I have seen the exact scenario in my mind, parang isang vision.


But I doubt that I have the power to see a vision. Tingin ko, malawak lang talaga ang imagination ko na parang isang Wattpad author.


Nagkataon lang ang lahat...

Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon