Chapter 8 - Brimstone

18.3K 608 55
                                    

(POV Eliana)


Days passed and wala pa din pinagbago si Gwen. She stayed in her werewolf form and I can feel that Tristan is really bothered by it. Patuloy pa din ako pumapasok sa school. Isang taon na lang gragraduate na ako. Kailangan maging priority ko pa din ang pag-aaral ko.


"May ginagawa ka ba?" tanong ni Tristan sabay pasok sa kwarto ko.


Wala man lang knock knock? Sabagay, bahay niya ito.


"Tinatapos ko lang po yung assignments ko. Bakit po?"

"Puntahan mo ko sa kwarto ko."

"Po?" tanong ko na kulang na lang lumabas ang mata ko sa pagkabigla.


Shit, bakit niya ko pinapapunta sa kwarto niya? Mag prapractice ba kami before honeymoon?


"I'm going to show you something."

"Ha?" tanong ko sabay lunok.


He's going to be show it to me? Shit, ang newbie ko pagdating sa ganun na bagay.


Lumabas si Tristan at inayos ko agad ang mga gamit ko para sumunod sa kanya. Todo kaba ng dibdib ko nang marating ko ang kwarto ni Tristan. First time ko makakapasok sa kwarto niya.


"Tristan?"

"Eliana, do you want to do it here or sa may garden?" tanong ni Tristan na unti unting naghuhubad na naman ng damit.


Do it here? Ganito ba talaga ang mga werewolf? Kailangan may mangyari sa amin bago kami ikasal?


"Uhmmm, Tristan..."

"I am going to teach you something na dapat mo malaman bago kita maging asawa," he said sabay hagis ng shirt niya sa kama.

"Tristan... I'm sorry pero di pa ata ako prepared. I mean, hindi ko alam kung ready na ko ibigay sayo ang lahat."


He looked at me as if he is trying to decode what I just said. He just shook his head in disbelief, pero di niya maitatago ang ngiti niya sa mukha niya.


"Eliana, I will be teaching you about a brief werewolf history. I'm going to show you the faces of the original twelve Alpha. I'm not asking you to have sex with me."

"Hhaaa? Ahhh. Eh bakit ka na naman nakahubad?"

"I have to show it to you while I am in a werewolf form. I told you before, you have to get used to my naked body as you will be marrying a werewolf," nakangiti niyang sabi sa akin sabay hila sa akin palabas ng kwarto niya.


I followed Tristan at pumunta kami sa garden malapit sa pool. Last time that we were here, nag transformed siya bilang werewolf.


"Tulad ng sabi ko sayo noon, we are protecting the werewolf clan. We can't let other people know that we are existing and that is one of our main rules," sabi ni Tristan sabay bigay sa akin ng isang vial na may laman na reddish liquid.

Teach Me How To Werewolf [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon